9mm (Alluring Affairs Series 12)Updated at Oct 18, 2023, 00:44
A beautiful woman like her deserves to be loved. Pero hindi si Lirio, despite having a 'perfect' personality, was rejected so many times: by her unknown father, her first love, and siblings from her adopted family.
Ang gandang kalaunan ay katatakutan ng karamihan.
Ang malinis niyang puso na babahiran ng karahasan makuha lamang ang katarungan. Katarungan para sa inang kailanman ay hindi nakita at nakapiling man lamang.
Papasukin ang madilim na mundo ng pagiging isang 'mamamatay tao' para iangat ang sariling dinurog ng mga taong minahal at pinagkatiwalaan.
Pero kaya ba niyang diktahan ang pusong nais niyang makamtan?
Trabaho niyang protektahan si Theo, isang mailap, mapagmataas at walang paki-alam sa nararamdaman ng sino man. Kahit ganoon pa man, handa niya itong ipagtanggol at ipaglaban dahil ito ang tungkulin niya, sukdulang taniman niya ng bala ang katawan ng bawat kalaban ay gagawin niya. Pero paano kung hindi na lang pala tungkulin ang ipinaglalaban niya?
Paano kung sa huli ay i-reject din siya nito?
Paano siya lalaban para sa pusong unti-unti na sanang nabubuo?
Handa ba siyang muling gamitin ang karahasan?