bc

Sweet SLAYER (ALPHA'S retribution Series)

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
HE
opposites attract
mafia
kicking
surrender
like
intro-logo
Blurb

Beauty, charisma at inosenteng mukha, mga katangiang taglay ni Vera a.k.a Herra. Idagdag pa ang napakaseksi at mapang-akit na alindog ay walang sino mang lalaki ang makakatanggi sa gayumang hatid ng kaniyang ganda.

Pero kabaliktaran ng maamong mukha, Vera is one of Alpha's deadly assassin.

Siya ang tinaguriang 'the sweet slayer' ng kinabibilangang mafia group- ang Alpha, isa sa malalaking underworld organization sa bansa.

Hindi katulad ng iba, si Vera ay kakaiba. She kill to survive.

Ruthless...

Merciless...

Walang sinasanto at malinis magtrabaho. She swore to clean the society and give justice with her own law. Pero dahil sa dedikasyon sa trabaho ay napilitan siyang pasukin ang lugar na kahit kailan ay hindi niya pinangarap- ang Venus Goddesses Club para magtrabaho at mapalapit sa misyon niya.

Pero hindi sa lahat ng panahon ay aayon sa kaniya ang pagkakataon dahil laging naroon si Gabby para hadlangan ang misyon niya.

Si Gabby na kababata niya.

Si Gabby na isang mataas na opisyal ng militar versus Herra, Alpha's sweetest slayer with alluring charisma.

Susukatin ng tadhana ang kanilang kakayahan.

Titimbangin ng kapalaran ang nilalaman ng kanilang mga puso.

Batas kontra sa paninindigan!

Pag-ibig ba o sinumpaang tungkulin ng bawat isa?

chap-preview
Free preview
Simula
"Violet," tawag pansin ko sa isa sa mga kasamahan ko sa kampo. Bale si Violet ang leader sa grupo namin at naging kaibigan ko na rin siya dahil kami rin ang magkasama sa kubo kung saan kami nakatira. "Vera," tugon naman niyang ginaya ang pagtawag ko sa kaniya. "Sira! Tingnan mo nga ito," sabi kong hindi inalis ang tingin sa computer sa harapan ko. Oras ngayon ng pagsasanay namin sa tracking. "Bakit biglang nawala?" Tanong ko, mas may nalalaman kasi siya sa mga bagay na 'to. "Nakarating siya sa lugar na wala nang signal, nakikigamit lang kasi tayo ng satelite ng mga networks, wala tayong sarili," paliwanag niya. Tatlong taon na kami rito sa kampo at halos magkakapatid na rin ang turingan namin. Labing-dalawa kaming lahat at kapuwa kabataan pa. Kami ang mga recruits ng Alpha para magsanay at magtrabaho sa kanila bilang private army. Hindi malinaw sa amin kung anong klaseng army ang kahihinatnan namin pero isa lang ang ang sigurado akong naging dahilan ng pagsama namin sa grupong ito- pera. Maganda at nakakapanglaway ang alok ng Alpha noon, pero hindi lahat ay nabigyan ng pagkakataong makapasok. Tulad nga ng sinabi ko ay labing-dalawa lamang kaming matagumpay na pumasok sa training camp. At lahat kami kung hindi kalayaan o pagrerebelde sa pamilya ang dahilan ay pera. Ako, aaminin kong pera ang nagtulak sa akin para tanggapin ang once in a lifetime na opurtunidad na ito. Mahirap pa sa mahirap ang buhay namin sa Bicol. Kung tutuusin ay daig pa namin ang isang kahig isang tuka. Lima kaming magkakapatid at sa pangingisda lang ni Tatay ang pinagkukunan namin ng ikabubuhay. Hindi pa ako nakapagtapos ng highschool ay tumigil na ako dahil sa hirap ng buhay. At dahil ako ang panganay ay tungkulin kong tumulong kila Tatay na itaguyod ang pamilya namin. Pumasok ako sa bilang sales lady sa palengke sa bayan para kahit paano ay makatulong sa kanila. Maliliit pa ang mga kapatid ko at ayaw kong matulad sila sa akin na hindi man lang nakapagtapos ng sekondarya. Medyo may katangkaran ako kumpara sa karamihan, sa edad kong labing-pito ay nasa limang talampakan at pitong pulgada na ang taas ko. Ang sabi ni Nanay ay isang Pranses raw ang tunay kong ama. Nabuntis raw siya noong nagtrabaho siya sa Subic bilang waitress sa isang restaurant doon. Pagkatapos raw malaman ng ama ko na buntis si Nanay ay naglaho na alamang itong parang bula. Sea farer daw ang ama ko at kung saan saang bansa dumaraong ang barkong pinagtatrabahu-an nito kaya hindi na nangahas si nanay na hanapin siya. Pero sa kabila ng lahat ay ipinadala pa rin sa akin ni Nanay ang apilyedo ng walang kuwenta kong ama ang Hornett. Minsan nga ay nahiling kong hindi na lang sana iyon ang apilyedo ko dahil nagiging tampulan ako ng tukso tuwing tinatawag ang buo kong pangalan sa kahit saang umpukan, kahit sa iskwelahan. Pero ang sabi ni Nanay tama lang daw na dalhin ko ang apilyedong ito dahil iyon naman daw ang dapat. Minsan hindi ko ma-gets si Nanay kung bitter ba o hindi maka-move on sa love life n'ya. Noong pitong taong gulang ako ay nakilala niya si tatay- ang ama ng mga kapatid ko. Mabait si tatay noong naliligaw pa kay Nanay, tunay na anak ang turing niya sa akin kaya mabilis na nahulog ang loob ni nanay hanggang sa magpakasal sila at magkaroon ng sariling mga anak. Hindi naman nagbago ang turing sa akin ni Tatay, mabait pa rin siya. Pero minsan ay nakikita kong tila hirap na hirap na siyang buhayin kaming lahat kaya nang mag-third year highschool ako ay hindi ko na itinuloy ang pag-enroll kahit sa nagalit siya. Ipinilit kong magtrabaho na lang muna at saka na ako mag-aaral muli kapag naka-ipon na ako. Hindi naman sinasadyang maispatan ako ng isang Mr. Max nang minsang gulpihin ko sa gitna ng kalye sa bayan ang isang mandurukot. Boyish kasi ako at banat sa trabaho mula pagkabata kaya para akong tigasin, laging maiksi ang buhok ko at halos pulos lalaki ang mga kaibigan ko. Nauna akong sinapak ng patpating mandurukot na iyon kaya napilitan akong bigwasan siya at kasunod ang siko sa tagiliran niya para siguraduhing hindi na sya makakatakas. Noon ako napansin ni Mr.Max, nagkataong may pinuntahan siya noon sa bayan namin. Mula nang araw na iyon ay pinasusundan na pala niya ako sa ilang tauhan n'ya, at nang masigurong karapatdapat ako sa hinahanap nila ay inalok na niya ako na sumama at mgatrabaho sa kaniya. Noong una ay nagdalawang isip pa ako dahil ayaw kong malayo sa pamilya ko at isa pa, naglipana ang mga scammer at manloloko. Pero nang lumaon ay napag-isipan kong walang mangyayari sa amin kung hindi ko susubukang sumugal kahit napakalabo ang pagkapanalo. Nang sumunod na araw ay buo na ang pasya ko. Nagpaalam ako kay Nanay at Tatay at sa mga kapatid ko para sumama at magtrabaho kay Mr.Max. Nagtiwala naman ang Nanay ko kay Mr.Max dahil kilala pala itong matulungin sa ibang lugar at kaya ito napadpad sa amin ay dahil isa ito sa mga sponsor ng bagong ipinapatayong eskwelahan. "Anak, mag-iingat ka," paalala sa akin ni Tatay at Nanay bago ko lisanin ang barong-barong namin. "Ingat ka Har," halos sabay sabay ring bilin ng mga kaibigan ko. "Asus! Para namang a-abroad ako n'yan, sa Maynila lang ang punta ko at magtatrabaho lang ako doon," tugon ko. Pero ang totoo ay hindi ko alam ang susunod na mangyayari sa akin. Trabaho ang paalam ko sa kanila dahil isa sa mga kundisyon ni Mr.Max ang panatilihing lihim ang totoong gagawin ko roon. Pakiramdam ko ay napakatapang ko nang mga panahong iyon dahil kahit ni katiting na takot ay hindi man lang ako nakaramadam. "Vera, ayos ka lang?" Untag ni Violet. "H-ha? Eh, oo. Oo naman, ayos lang ako," pautal kong tugon. Hindi ko alam na natutulala na naman ako. Nitong mga nakaraan ay nawawala ako sa konsentrasyon tuwing naaalala ko ang mga kapatid ko at si Nanay at Tatay. Matagal na rin mula nang huli akong umuwi. "Namimis mo sila 'noh," si Violet. "Oo eh," maiksing tugon ko saka tumayo at tinungo ang bintana. "Hirap noh?" sabi ko habang tinatanaw angtila walang katapusang karagatan. "Hindi ko alam," aniyang sumunod sa akin. "Hindi ko alam kasi wala naman akong pamilya," patuloy niya. "Alam mo, masuwerte ka pa nga dahil alam mong nand'yan lang ang pamilya mong naghihintay sa'yo," aniya pang pilit pinapasaya ang boses. "S-sorry," sabi kong tumingin sa kaniya. Nasagi ko yata ang matiags niyang puso. Hindi kasi niya alam kung sino ang mga magulang niya. Noong bata pa siya ay napadpad lamang siya sa bahay ampunan. Siya ang pinaka matatag sa ming mga trainee kung sa aspetong emosyon rin lang naman. Napakabilis niyang mag-adjust noong bago pa kami rito. Para siyang isang bato, walang emosyon. "Walang puwang ang lungkot sa magiging trabaho natin. Kung sa emosyon pa lang nagpapatalo ka na, paano na lang kung totoong laban na?" Seryosong pahayag niya bago tumalikod. Napaisip ako, siguro ay panahon na para sanayin ko ang sarili kong maging manhid. Mas mapapadali siguro ang lahat. Nang mga sumunod na araw ay inabala ko ang sarili ko sa mga activities namin. Sumeryoso ako sa pagsasanay. Alam kong lahat kami ay may pinagdadaanan at parepareho lamang kaming lumalaban para mabuhay. Nang sa wakas ay nag-anunsyo na ang Alpha ng aming pagtatapos. Medyo excited ako nang marinig iyon. Sa loob ng halos apat na taong pagsasanay, handa na ang lahat para buo-in ang private army ng Alpha. Si Violet ang nangunguna sa lahat. Nasa ika-apat lang ako sa mga pinaka magagaling. Malaking distraction sa akin ang pag-iisip ko kila Nanay. Beynte uno anyos na ako at kahit bugbog sa mga pagsasanay ay maganda ang hubog ng katawan ko, at dahil foreigner ang aking ama ay matangkad ako. Maputi rin ang balat ko at kulay asul ang ang aking mga mata. Pero dahil hindi ko gaanong maalagaan ang sarili ko ay nagmumukha talaga akong taong kalye. Minsan ay natutulog akong madungis at hindi na maharap ang maglinis ng katawan dahil sa tindi at higpit ng mga tarining. Pero worth it naman dahil natuto talaga kami sa loob ng mga panahong iyon. Akala ko ay magiging maayos na ang lahat nang naka-talaga na ang araw ng aming graduation. Isang hindi inaasahan pangyayari ang nagpabago sa takbo ng mga pangyayari. "Vera!" Malakas na tawag ni Violet sa unang pagsabog at mga putok ng baril na narinig namin. Sa kabilang pangkat iyon, sa grupo na pinamumunuan ng kasintahan ni Violet-si Eric. Alam kong kasintahan niya ito dahil minsan ko na silang nakitang palihim na nagtatagpo sa gubat. Sinarili ko na lamang iyon dahil alam kong bawal ang pakikipag relasyon sa loob ng kampo. Alamn ko rin ang background ni Violet kaya natutuwa rin mahanap niya ang magpapasaya sa kaniya. Pero tila sa araw na ito magtatapos ang maliligayang araw ni Violet. "Sa likod!" Sumenyas ako sa kaniya habang pagapang naming tinungo ang taguan ng mga armas. Kinuha niya ang isang assault riffle at kalibre kwarenta 'y singko pistol. Mabilis niyang tinungo ang burol sa bandang likuran ng aming kampo. Kinuha ko naman ang isa ring pistol at isang double blade dagger knife. Mabilis akong tumalilis sa kabilang kubol kung saan nagmula ang malakas na pagsabog kanina. Halos hindi na makilala ang mga katawan ng aming mga kasamahan. Nagkalasug lasog sa lakas ng pagsabog. Hindi ko alam kung bakit nag-uumpukan sila at magkakasamang sumabog doon. Napakasakit makitang ang mga kaibigan at halos itinuring kong mga kapatid ay heto at wala nang buhay sa harapan ko. Gusto kong humagulgol pero hindi puwede. Naramdaman ko ang pagkilos sa kabilang bahagi ng tabing na lona. Dahan dahan ko iyong nilapitan at nang masigurong isa iyon sa mga kalaban ay maliksi kong tinagpas ang tali kung saan nakasabit ang lona at bumagsak ito sa kaniya. Sandali itong hindi nakagalaw dahil sa bigat ng lona kaya sinamantala ko iyon at inundayan ng maraming saksak hanggang sa hindi na ito gumagalaw. Ito ang unang beses kong pumaslang. Nanginginig ang buo kong katawan sa takot pero tinatalo pa rin ito ng galit dahil sa pagkasawi ng mga kasamahan ko. Iniwan ko ang duguang bangkay nito na nakabalot pa rin sa lona, tinungo ko ang tower kung saan naka puwesto ang security ng isla. Naroon ang machine gun na hindi man lang nagamit dahil ang nakapuwesto rito ang una nilang itinumba. Kinuha ko ang telescope na nasa sahig at padapang sumilip sa maliit na siwang. Ilang armadong kalalakihan ang mabilis na sumakay sa speedboat ang nakita ko at pinaharurot iyon palayo sa isla. Naiwan kaming nagluluksa sa pagpanaw ng aming mga kasamahan. Galit ang natanim sa isip at puso ko. Paghihiganti para sa mga kapatid kong hindi ko man kadugo ay itinuring akong kapamilya habang nasa isla. Sila ang karamay ko sa pangungulila sa sarili kong pamilya at sila rin ang nagbibigay ng suporta sa mga panahong pinanghihinaan ako ng loob. Bago lisanin ang lugar na iyon ay ipinangako ko na hahanapin at tutugisin ko ang mga taong gumawa nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook