bc

Hot Uncle Series # 4. Uncle Lucas. HIS MISSING PIECE.

book_age18+
650
FOLLOW
5.9K
READ
family
HE
age gap
second chance
stepfather
heir/heiress
like
intro-logo
Blurb

Mula sa isang ordinaryong pamumuhay, bigla ang pagbabago ng buhay ni Shayne. Nagising siyang isa na siyang ina at isang tagapagmana ng isang bilyonaryong matanda sa Espanya. Ngunit sa kabila ng magandang pagbabago sa buhay ni Shayne, naroon ang malaking kahungkagan sa pagkatao niya. Hindi niya alam kung sino ang ama ng kanyang anak.

Shayne suffered from selective amnesia due to a car accident, at anim na buwan ng kanyang buhay sa nakaraan ang hindi niya maalala. Anim na buwan kung saan nabuo ang kanyang anak. Ngunit sa kabila ng lahat, niyakap pa rin ni Shayne ang malaking pagbabago sa kanyang buhay.

Isang trahedya muli ang sumubok sa tatag ni Shayne. Dinukot ang kanyang anak, at walang ibang gustong kabayaran ang taong dumukot sa anak kundi ang pagkatao niya. Dinala siya sa isang pribadong. Lucas Mikhailov is arrogant yet very attractive and has a perfect physique. He wants Shayne to be his slave a household slave and a slave in bed. Ayaw man niya sa pinapagawa nito sa kanya, ngunit wala siyang magawa; kailangan niyang iligtas ang anak na dinukot nito.

Sa pagsasama ng dalawa sa isang pribadong isla, unti-unti nang nanumbalik ang alaala ni Shayne na nawala sa kanya, kasabay ng pagsibol ng damdamin para kay Lucas. Shayne fell in love with her daughter's abductor.

Ngunit paano kung ang lalaking natutunan niyang mahalin ay ang lalaking naging bahagi ng anim na buwan na nawala sa alaala niya? Aalala na muling bumuhay ng galit at pagkamuhi para kay Lucas. Maghahari pa rin ba ang galit, o tuluyan na bang gapiin ng pagmamahal ang pagkatao ng bawat isa?

chap-preview
Free preview
WAKAS NG UNANG YUGTO.1
Nakaupo sa tapat ng glass wall panel si Shayne. Nakatanaw sa kumukutitap na mga ilaw ng siyudad ng Moscow. Kung dati ay kayganda sa paningin niya ang kumukutitap na mga ilaw, ngayon ay nagwalang silbi iyon. Malakas ang buhos ng niyebe sa dapit hapon at ang buong paligid ay makulimlim. Sumasabay sa pagpatak ng mga luha ang malakas na buhos ng nyebe. “Babe…” Agad na pinahid niya ang mga luha. Hindi man lang siya nag-atubili na lumingon sa pinanggalingan ng tinig. Sa tinig na nagdulot sa kanya ng matinding sama ng loob. “Babe, you haven't eaten. You need to eat, babe, please! It's been a day. Tanging tubig lang iniinom mo—” “Iwan mo ako. Ayaw kitang makita. Ayaw kitang makausap. Ayaw kong marinig ang boses mo!” Mahina ngunit may diin niyang wika. Wala siyang ibang nararamdaman sa mga sandaling ito kundi sakit, at hapdi. Matinding kirot na bumabalot sa buong pagkatao niya. “Please, Shayne, kumain ka. Kahit para na lang sa anak natin na nasa sinapupunan mo.” Naipikit niya ang kanyang mga mata kasabay ng walang humpay na pag-agos ng mga luha. Bakit pa kasi siya nabuntis? Bakit ngayon pa? Bakit ngayon lang niya nalaman ang lahat? “Iwan mo ako!” Ngunit sa halip na sundin ni Damien ang gusto niya ay mas lalo pa itong lumapit sa kanya. Lumuhod ito sa tabi niya. Tumungo sa sahig. Humikbi habang ang mga palad ay nakapatong sa magkabilang mga hita. “I am begging you, Shayne, please, kumain ka! Nagkasala ako. Pero sana huwag mong idamay sa pagkakasala na iyon ang anak natin. Para mo ng awa!” Hindi siya makapagsalita. Napipi siyang bigla. She was just crying. Nakatitig siya opposite sa pinagludhan ni Damien. Ni ayaw niyang masilip ang mukha nito. They both sobbed. Ang tunog ng mga hikbi ang naghari sa loob ng silid. Hanggang sa maramdaman niya ang pagdampi ng palad ni Damien sa kanyang kaliwang kamay. Tila napapaso na hinila niya ang kamay kasabay ng pag-isod niya palayo mula rito. “Babe!” “Huwag mo akong tawagin na ‘babe’ hayop ka! Ayaw kong tawagin mo pa akong muli sa letseng endearment na iyan. Hindi ako ang babaeng iniisip mo na ako. Hindi ako ang mama. Hindi ako si Shaina! Ako si Shayne!” Hinarap niya ito at panandalian na nahagip ng paningin ang mukha ni Damien. Hilam sa luha ang mukha nito. Mayroong kirot sa dibdib ang makita ang mga luha ngunit mas naghari ang galit at poot. “I know. I am clearly aware of who you are from the beginning, and I am so sorry for not telling you what happened in the past. Naduwag ako. Natakot ako na baka iwan mo ako, na baka—na baka mawala ka sa akin.” Hindi niya ito pinakinggan. Sa halip, tumayo siya. Tumungo siya ng kama. Humiga at nagtalukbong ng kumot. Pagkatapos ay tinakpan ng dalawang kamay niya ang kanyang mga tenga. Ayaw niyang marinig ang ano paman na sasabihin nito, dahil alam niya na puro kasinungalingan lamang ang sasabihin nito. Ngunit kahit na tinakpan na niya ang mga tenga ay naririnig pa rin niya ang tinig ni Damien. Naglalaro maging sa isip niya ang hilam sa luha nitong mukha. Ganun pa man mas lalong sumidhi ang galit. Galit hindi lang para kay Damien, kundi galit na rin para sa sarili. Dahil kahit gaano kalaki ang galit niya para rito, hindi pa rin maalis ang katotohanan na asawa niya ito, lalaking minahal niya at higit sa lahat ama ng anak niya. “Babe, what should I do for you to listen to me? What can I do to earn your forgiveness? Anong kailangan kong gawin upang mapatunayan ko sa’yo na mahal kita bilang ikaw. Ikaw na si Shayne at hindi si Shaina?” Marahan na tinanggal niya ang pagkatakip ng mga palad sa tenga. Mariin na naplanok saka marahan na binuksan niya ang kumot na nakatakip sa kanyang mukha at tuwid na tumitig kay Damien. Ilang segundo na magkaugnay lamang ang kanilang mga paningin. Sinusukat ang damdamin ng bawat isa. “Send me home.” Tumiim ang mga bagang ni Damien. Kumuyom maging ang mga kamao. “Is that what you really want?” “Oo.” Walang gatol niyang tugon. Ilang segundo na tinitigan lamang siya ni Damien. Kapagkuwan umiwas ito ng tingin at napahilamos ang mga palad sa mukha. Muling tumitig sa kanya sabay mariin na lumunok. “Then eat.” Pagkatapos na sabihin ang katagang iyon, agad na tinalikuran siya nito at lumabas ng silid. Napakurap siya. Napatitig siya sa kisame. Gathering all her thoughts. Ngunit iisa lang ang sinasabi ng isip. She needs to leave. — — — — Isang umaga ang muling lumipas. Iminulat ni Shayne ang mga mata. Diretso na nakatuon sa kisame ang paningin. Walang pinagbago. Masakit at mas lalong sumasakit sa bawat araw na dumaan. Umabot sa pandinig niya ang tunog ng pagbukas ng pinto kasabay ng panunuot ng pinaghalong male musk perfume at alak sa pang-amoy niya. Mayroon sa bahagi ng pagkatao niya ang tila gustong umalpas. Isang pamilyar na emosyon na gustong maghari sa pagkatao niya sa mga sandaling ito. Emosyon ng pagmamahal at pangulila sa asawa niya. Ngunit hindi na iyon tulad ng dati. Tinatalo ng galit at mga agam-agam ang buo niyang sistema. Ipinikit niya ang mga mata. Tulad ng mga nakaraang araw, ayaw niya itong makita o makausap man lang. She heard him sigh. Nararamdaman niya ang pagtitig nito sa kanya. Hindi ito nagsalita. Pagkalipas ng halos isang minuto ay nararamdaman niya ang pagdampi ng labi nito sa kanyang noo. Hindi siya gumalaw. Hinayaan niya lamang ito. Makalipas pa ang ilang minuto ay lumabas na ito ng silid. Paglabas ni Damien ng silid ay agad na binuksan niya ang mga mata at napalingon sa pintuan. Hindi tulad ng nakaraan na mga araw na mabilis ang pag-agos ng mga luha. Ngayon ay tuyo na. Wala ng mga luha. Ngunit ang puso niya ay mas lalong naghihinagpis sa bawat araw na lumipas. Ang bawat kataga ng pagmamahal na isinulat ni Damien para sa kanyang ina ay lagi na lamang umi-echo sa isip niya na mas lalong nagpapasidhi sa kanyang poot at dahilan ng mga agam-agam. Nahagip ng paningin niya ang isang puting papel sa ibabaw ng bedside table. Agad na bumangon siya at kinuha ang papel at binuklat iyon. Sulat kamay ni Damien ang bumungad sa kanyang paningin. You will fly back to the Philippines today. Eat and drink your food supplement. Please take care of yourself for our baby's sake! He is now finally letting her go.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.4K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

His Obsession

read
105.0K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.5K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook