Umaga pa lang ngunit makulimlim na ang buong paligid. Ang mga ulap sa kalangitan ay maitim. Nagbabadya na bumagsak ang malakas na ulan.
Langitngit na tunog mula sa gulong at bosina ng mga sasakyan ang maririnig sa kahabaan ng highway. Ang mga mata niya ay nakatutok sa puting sasakyan na nasa kanyang unahan.
He was following his wife.
It has been seven months since Shayne left Russia. Nagkasya na lamang siya na pagmasdan mula sa di kalayuan ang asawa. He was very careful. Ayaw niya ito bigyan ng sama ng loob lalo pa at malapit na itong manganak. Noong minsan na nilapitan niya ito ay sandamamak na mura ang natanggap niya at nalagay pa sa panganib ang buhay nito at ng kanilang anak.
Grabe ang takot niya noon. Kaya simula noon ay nagkasya na lamang siya na tanawin ito mula sa di kalayuan.
Masakit at sobrang pangungulila ang nararamdaman niya. Ngunit kahit papano ay napapawi ang pangungulila na iyon dahil nakakapapuslit siya minsan sa silid nito. Nakakatabi niya ito kahit ilang minuto lamang at nararamdaman niya ang mahinang galaw ng anak niya sa loob ng sinapupunan nito.
Walang ibang sisisihin sa paghihirap niya ngayon kundi sarili niya. Ang nangyari sa nakaraan ay nagdulot ng pasakit sa asawa niya. Ngunit wala na siyang magagawa upang baguhin pa iyon. Kung kailangan niyang lumuhod sa lahat ng santo upang mapatawad siya ni Shayne ay gagawin niya.
Nanlaki ang mga mata niya. “Shayne!!!” malakas na napasigaw siya.
Dalawang sasakyan ang biglang humarurot sa intersection road at bumangga sa sasakyan na sinasakyan ng asawa niya. Tumilapon at gumulong sa gitna ng highway ang sasakyan ni Shayne. Tumama sa ilan pang sasakyan patungo sa kanya.
He felt so horrified.
Kinabig niya ang sasakyan ngunit hindi na niya iyon nakontrol. Tumama sa isa pang sasakyan at sa isa pa. Dalawang beses na bumaliktad ang sasakyan niya.
“Shayne!!! Shayne!!!” malakas na sigaw niya.
Ngunit ang kanyang tinig ay nakulong na lamang sa loob ng kanyang bibig. Hindi siya makagalaw. Unti-unting dumilim ang buong paligid niya.
“Shayne!!! Shayne!!!”
He screamed and screamed. He tried to move. Pinilit niyang makalabas mula so loob ng sasakyan. Ngunit namamanhid ang kanyang buong katawan. He felt helpless. Tears are dripping from his cheeks.
“Help!! Help!!” He is screaming for help. Ngunit kahit anong sigaw niya ay walang nakakarinig sa kanya.
“Sachem!!! Sachem!!” It was Yuri’s voice.
“Go get my wife…go get my wife…” nararamdaman niya ang mainit na likido na dumadaloy mula sa kanyang ulo pababa sa kanyang pisngi. Ngunit hindi siya nakaramdam ng sakit. Tanging pamamanhid lamang ang nararamdaman niya.
“Sachem! Hang on, sachem, Hang on!! Damn it, hang on!!”
Kumudlit ang kidlat sa kalangitan kasunod ng napakalakas na kulog at ilang sandali lamang ay bumuhos ang malakas na ulan, kasabay ng tuluyan na pagdilim ng kanyang paningin.
— — — —
Malamig. Nakakaramdam siya ng lamig. He even heard an audible sound. Gusto niyang magsalita, ngunit ungol ang lumalabas sa kanyang bibig. Slowly, he tried to open his eyes. Sa pagmulat ng kanyang paningin ay puting kisame ang kanyang nakita.
He slowly moved his head and roamed his eyes around. Nakita niya ang mga aparato ng hospital sa kanan na bahagi niya at naging ang mga aparato na nakakabit sa katawan niya.
Bigla ay naging marahas ang kanyang paghinga.
He knew where he was.
He was in the ICU.
Napakurap ng maraming beses ang mga mata niya. Pilit na inaalala niya ang nangyari. Ang unang sumagi sa isip niya ay ang kanyang asawa. Kailangan niyang makaalis sa kinahihigaan. Kailangan niyang makita ang asawa niya.
Bumukas ang pinto ng silid. Umuulap ang kanyang paningin. Ngunit kilala niya pa rin ang taong pumasok. “Yuri… Yuri…” mahina niyang sambit.
“S-sachem you're awake!” bulalas nito.
Sa halip na lumapit ito sa kanya ay muli itong sumilip sa labas ng pintuan.
“Sachem Zarex, Vlad, he is awake!”
Sa isang kisap mata lamang ay humahangos ang mga taong tinawag ni Yuri papasok sa loob ng silid. Magkasunod si Zarex at ang pinsan na si Vladimir.
“Yuri, call the doctor!” utos ni Vladimir.
Agad tumalima si Yuri.
“Hey, bastard, do you know me?” tanong ni Zarex habang nakatungo sa mukha niya.
“ I-I need to see my—w-wife Zarex…” pabulong niyang tugon.
“I am glad you still know me.” sa halip ay tugon ni Zarex.
“Hey, I thought you didn’t wanna wake up anymore. I am so glad you’re back, Damien.”- Vlad.
“I need to see my wife…” muli ay tugon niya.
Wala kina zarex at Vladimir ang sumagot sa sinasabi niya. Sa halip ay tumahimik ang mga ito at tila kapwa na umiiwas sa kanya.
“Benj, nasaan kayo? Bumalik kayo dito. Gising na siya.” wika ni Zarex sa kausap nito sa telepono.
Bumukas muli ang pinto ng silid. Iniluwa sa pinto ang isang matangkad na lalaki. Maputi, puti ang buhok at nakasuot ng coat.
“Zdravstyutze!” bati ni Zarex.
That is when he realize na nasa Russia siya at wala sa pilipinas, at ang taong lumapit sa kanya ay isang doctor.
“Zdraste!” ganting bati ng doctor.
Sinuri siya ng doctor. Inilawan nito ang mata niya. Pinisil ang kamay at braso niya at tinanong kung may nararamdaman siya. Tumango siya. Kapagkuwan ay pinisil nito ang kaliwa niyang binti. Muli siyang tinanong kung may nararamdaman siya. Tumango siyang muli.
Ngunit ng pisilin nito ang kanan niyang binti ay wala siyang naramdaman. It felt numb. Ilang beses na pinisil iyon ng doctor ngunit sadyang wala siyang nararamdaman.
The doctor sighs. “We need to run some tests. Don't worry, numbness is sometimes an effect of low blood flow in the veins, most especially in your case, since you have been in a coma for two months. We need to run tests to make sure that you are perfectly fine.”
“T-Two months…” hindi makapaniwala na pabulong niyang tanong. Ngunit ang kanyang tinig ay halos hindi niya marinig.
Ang dami niyang gustong itanong ngunit tila wala siyang lakas kaya panandalian na ipinikit niya ang mga mata. He tried to gain strength. Ngunit sa pagpikit ng kanyang mga mata ay unti-unti na tila eksena sa pelikula na bumalik sa alaala niya ang lahat ng nangyari. Bawat detalye at bawat eksena ay malinaw na naglalaro sa isip niya.
Binuksan niyang muli ang mga mata kasabay ng panlalamig ng buong katawan. Lumunok siya ng mariin.
“Z-zarex… nasaan ang asawa…nasaan ang asawa ko?” natatakot man sa maaaring matuklasan ay nagawa niya pa rin iyong itanong.
Hindi makasagot si Zarex. Tinapunan lamang siya nito ng tingin. Ngunit hindi nakaligtas sa kanya ang marahas na pagbuga nito ng hangin. Naghatid iyon sa kanya ng kilabot. Ngunit ayaw tanggapin ng sistema niya ang nararamdaman niya.
Hindi.
Hindi pwedeng mawala sa kanya ang asawa at anak niya.
Paulit-ulit na tinatanong niya si Zarex at Vladimir ngunit wala siyang nakuhang kasagutan mula sa mga ito. Gusto niyang gumalaw at magwala upang mabigyan ng kasagutan ang tanong niya ngunit hindi niya maigalaw ang mga binti.
Napatiim bagang siya sa kanyang kinahihigaan at ang mga kamay ay kanyang naikuyom. Ilang sandali lamang ay may ilang nurse na lumapit sa kanya at tinanggal ang mga aparato sa katawan niya.
“Welcome back, sir!” bati ng isang nurse. “You will be transferred to the private room in a few minutes.”
Ngunit hindi niya iyon binigyan pansin.
Nang makalabas ang nurse ay agad huminga siya ng malalim. Tinipon niya ang lahat ng lakas niya. “N-nasaan ang asawa ko…sagutin nyo ako!” kumawala ang malakas na tinig sa kanyang bibig.
“Damien—”
“She is gone.” walang gatol na tugon ni Yuri na kakapasok lamang sa loob ng silid. “Yvette, and Shayne are gone and also the driver. They were announced dead on arrival at the hospital.” tiim ang mga bagang ni Yuri habang sinasabi iyon sa kanya, ang mga kamay ay nakakuyom at ang mga mata ay namumula.
“No! Fvck no!” malakas niyang sigaw.
Hindi.
Hindi totoo ang narinig niya. Hindi pwedeng mawala sa kanya ang mag-ina niya. Bumangon siya. Bumaba siya ng kama. Ngunit nahulog lang siya sa sahig.
“Damien!” sigaw ng isang pamilyar na tinig na agad dumalo sa kanya. “Ox, gago tulungan mo ako rito.” It was Benj.
Dinaluhan siya ng dalawa. Ngunit pilit na iwinaksi niya ang mga ito.
“I need to see my wife, I need to see my wife!” nanginginig siya. Ang mga luha ay nag uunahan sa pagpatak mula sa kanyang mga mata.
Pilit man na iwinaksi niya si Ox at Benj ay hindi niya kayang labanan ang lakas ng dalawa dahil nanghihina siya. Hinang-hina ang katawan niya. Binuhat siya ng mga ito at ibinalik sa kanyang higaan at kapwa pinigilan na muling bumangon.
“And also, Senior Lucas Mikhailov, your father died after your accident two months ago due to cardiac arrest,” aniya muli Yuri.
“Hayop na Russong hindi tuli. Putangina mo!” Hindi mapigilan na sigaw ni Benj. Binalingan nito si Yuri kasabay ng pag-igkas ng kamao. Tumama ang kamao nito sa kanan na panga ni Yuri.
Hindi nanlaban si Yuri. Nanatili siya sa kinatatayuan. “Sachem, Izvineetye!” Hingi nito ng tawad. Sa kuna-unahang pagkakataon ay nakita niyang umiyak si Yuri. “Like you, I also lost the woman I loved and I also lost my unborn child. I only want you to know everything right at this moment so you can feel this unbearable pain all at once.”
Kapagkuwan ay tumalikod si Yuri. Ngunit muli itong lumingon sa loob. Tinitigan nito si Benj. Ang mga mata ay matalim na nakatitig kay Benj. “I want you to know Mr. Uterus. Tsowli akow kaheyt pakeyta kow pa sayow!”
“Damn you! Anong uterus ang pinagsasabi mo, huh? Altreus, gago! Ginawa mo pang bahay bata ang apelyido ko bwisit ka!”
Si Ox na nakahawak sa mga braso niya ay pigil ang sarili na tumawa.
“You need to be strong, maraming naghihintay sa’yo sa labas ng hospital na ito. Sa ayaw at sa gusto mo haharapin mo ang katotohanan. Not unless, you want to just kill yourself to escape this reality.” Si Zarex.
Isang malakas na sigaw ang kanyang pinakawalan sa loob ng hospital. Pilit na kumawala siya sa paghawak ni Ox. Ngunit niyakap siya nito ng mahigpit.
"You can get through this, Damien. You can get through this!"
Ang sakit ay walang paglagyan. Gusto niyang ituring na masamang panaginip lamang ang lahat ngunit kahit anong gawin niya ay hindi niya mababago ang katotohanan.
Ang katotohanan na wala na ang kanyang asawa at maging ama. Isang katotohanan na pilit niyang tinatakasan at ayaw tanggapin ng sistema niya. Kahit na anong pilit niyang tanggapin ang katotohanan, tila may bumubulong sa kanya na buhay ang asawa niya.