Panibagong Yugto.

2100 Words
******After six years****** “Daddy…” Tumatakbo sa dalampasigan ang isang batang babae na may kulay mais na buhok at nakasuot ng puting bestida. Ang isang braso nito ay inabot nito sa kanya, habang yakap ang isang stuff toy sa kanan na braso. Matinis ang halakhak nito habang tumatakbo sa dalampasigan. Tinatangay ng hangin ang mahabang buhok. “Baby, stop running. Baka ka matisod!” Isang babae ang nakatayo sa kanan na bahagi niya. Nakangiti itong nakatangin sa batang tumatakbo sa dalampasigan. Maging ito ay nakasuot ito ng puting bestida at sinasayaw ng hangin ang laylayan, maging ang mahabang buhok nito ay sumasabay sa bawat ihip ng hangin. She looks so gorgeous. Ang matamis nitong ngiti ay mas lalong nagpapaliwanag sa sikat ng araw sa dapit hapon. Ang maamo nitong mukha ang magandang mga mata at ang matangos na ilong ay kaygandang pagmasdan. Maging ang manipis nitong mga labi ay nag-aanyaya na halikan. ‘Shayne…’ mahina niyang sambit. “Mommy, mommy, mommy!” tili ng batang babae. Kapagkuwan ay lumingon ito sa kinaroroonan niya. “Daddy, come here… habulin nyo po ako, daddy!!” Kapwa na nagpakawala ng halakhak ang batang babae at ang kanyang asawa. Pagkatapos ay magkahawak kamay ang dalawa saka lumingon sa kanya at humahakbang tungo sa kanyang kinaroroonan. “Damien, Damien!!!” “Daddy, daddy!!!” Gusto niyang gumalaw at salubungin ang kanyang mag-ina. Ngunit hindi niya magawa. Ang kanyang braso ay inangat niya at pilit na inabot ng mga kamay ang kanyang mag-ina. Ngunit ang liwanag sa paligid ay unti-unting dumilim. Nilalamon ng dilim ang liwanag at unti-unting nawawala sa kanyang paningin ang kanyang mag-ina. “No, no! Please, come back, Shayne, come back, baby!” Ngunit sa halip na matugunan ang kanyang kahilingan, bigla na lamang natagpuan niya ang sarili sa isang pamilyar na lugar. Nasa kalagitnaan siya ng malawak na highway at mula sa kinatatayuan ay nakita niya ang isang sasakyan na bumaliktad at sa loob ng sasakyan na iyon ay ang kanyang asawa. Nakatingin ito sa kanya at puno ng pulang likido ang buong mukha. “Damien, tulungan mo ako…tulungan mo ako…” sambit nito habang nagmamakaawa sa kanya at pilit inaabot nito sa kanya ang isang kamay. Gusto niya itong takbuhin at iligtas. Ngunit isang sasakyan ang biglang humarurot tungo sa kanya. Isang malakas na sigaw ang kumawala sa lalamunan niya. “Lucas, Lucas!” Napabangon siyang bigla. Habol niya ang kanyang paghinga at namamasa sa pawis ang noo. “You’re dreaming again, Lucas. Get inside the villa and be ready, the owner of this Island will be here in a few minutes.” Wika ni Vladimir. Pagkatapos ay tinalikuran siya nito. Isang malalim na paghinga ang kanyang ginawa. Nanaginip na naman siya. Pinaghalong masaya at masamang panaginip. Inangat niya ang paningin. Naipikit niyang bigla ang mga mata. Tumatama kasi sa paningin niya ang mataas nang sikat ng araw. Sa dalampasigan na naman siya nakatulog katabi ang ilang bote ng alak. Ito na ang naging buhay niya sa loob ng mahigit anim na taon. Naging lango siya sa alak dahil ito lamang ang tanging paraan upang makatulog siya kahit papano. In the past six years, nabuhay siya na puno ng pagsisisi. Kung sana naging matapang siya at hindi hinayaan ang asawa na umalis sa tabi niya, kung sana pinahari na lamang niya ang sariling damdamin kesa hayaan ang gusto ni Shayne, ‘e di sana buhay pa ngayon ang asawa niya at kapiling ang anak niya. Napalunok siya ng mariin ng muling maalala ang sakit na dulot ng kahapon. Nagpawalang saysay para sa kanya ang mabuhay pagkatapos mawala ng asawa niya. Kaya walang pag dalawang isip na pumalit siya sa trono ng ama at tinanggap sa sarili ang katauhan ng ama. Kinalimutan ang dating siya at niyakap ang bagong pagkatao bilang, Lucas Mikhailov III. Ngunit kahit anong gawin niya ay hindi niya matatakasan ang kanyang nakaraan. “Letseng ‘to! Hey, give me back my beach ball!” Napalingon siya sa kanyang kanan na bahagi. Isang batang babae ang nakapamewang at taas noo na humarap sa isang batang lalaki na may katangkaran dito. Ngunit ang mas nakaagaw ng kanyang pansin ay ang lengwahe na gamit nito. The little girl is Filipino. Marahil ay turista ito. “Give me back my ball or I am gonna kick your ass!” What the heck! Napaawang ang mga labi niya. Ang bata pa nito pero grabe na kung magmura. Hindi ba ito tinuturuan ng mga magulang ng tamang asal. “No. I am not giving you back your beach ball unless you say sorry for hitting my head.” tugon ng batang lalaki. “It was the wind fault, not mine. The wind blows it to your head, so the wind is responsible. You should ask the wind to say sorry to you instead of me, you idiot!” Wala sa sarili na natawa si Lucas. Ang lakas talaga ng loob nito. Napailing siya. Kawawa ang lalaking mapapangasawa ng batang ito sa hinaharap. Tsskk! Bigla ay natigil siya. Isang tao ang biglang sumagi sa isip niya. Ang kanyang mahal na asawa. Ang hilig din magmura ng asawa niya, ngunit sa kabila ng pagiging palamura nito ay naghahari sa pagkatao nito ang pagiging mabuting tao. “Give me back my beach ball, I said!” Sigaw muli ng batang babae. “No. I won't give you back your beach ball, little witch!” Ganting tugon ng batang lalaki. “What did you just say? Did you call me a witch?” Bulalas at hindi makapaniwala na tugon ng batang babae. “Yes, you are a witch! A bitchy witch!” Nakita niya ang batang babae na dumukot ng maraming buhangin. “Hayop ka, letse, tinawag mo akong mangkukulam!” Mabilis na tumayo siya habang nakapagkit sa labi ang malapad na ngiti at tinungo ang kinaroroonan ng mga bata. Ilang hakbang lang iyon. Agad na pumagitna siya. Kailangan niyang pumagitna bago pa magkasakitan ang dalawang bata. “Hey, you two stop!” Naangat ng batang babae ang paningin. Kumunot ang makinis na munting noo at napanguso ang labi, sabay pamewang pa ito. Oh, she is damn cute. Ang sarap pisilin ng magkabilang pisngi. Gusto niyang ngumiti ngunit mas pinili niyang maging pormal sa harap ng batang babae. He wants her to feel intimidated by his presence. Ngunit parang hindi ‘ata tumalab. Tumalim ang mga mata nito na tumitig sa kanya ‘e. Para itong munting kuting na handa siyang sakmalin. A little wild kitten. Nilingon niya ang batang lalaki. Kabaliktaran ng reaksyon ng batang babae ang reaksyon nito. The young boy felt intimidated by him. Inabot nito sa kanya ng kusa ang beach ball. “Here. I didn’t do anything bad to your daughter, Mr. She is the one who hurt me first. She hit me in the head with her beach ball.” “I did not hit you. It was the wind, you little id—” “Stop!” Agad na putol niya sa muling pagmura sana ng batang babae. “Here, could you give it to her?" inabot ng bata sa kanya ang bola na agad naman niya tinanggap. "I need to go back to our tent. Maybe my Mummy is looking for me now,” nginitian siya ng batang lalaki saka sinilip ang batang babae sa harapan niya. “Bye, little witch. Hope not to see you again!” Wika nito saka kumaripas ng takbo. “Ang hayop!!” Inis at tila maiiyak na sambit ng batang babae. “O, heto ang bola mo.” Inabot niya rito ang beach ball nito. “Hindi mo ba alam na masama ang magmura?” Marahas na hinablot nito ang bola mula sa kanya. “You shouldn't meddle in other people's business, Mr.” sa halip ay tugon nito sa kanya sabay tinalikuran siya nito. Natutop niya ang noo. Jesus! Ang galing lang sumagot. Sarap kurutin sa singit. “Hey, you should say thank you when people help you!” Lumingon ito sa kanya sabay kunot ang noo. Kapagkuwan ay tumaas ang isang kilay. Oh, goodness! Ang suplada. Paano kaya pinalaki ng mga magulang nito ang batang ito. “I did not ask for your help, Mr.” “You—” “Shyra!” Hindi niya magawang ituloy ang gustong sabihin ng makita ang isang babae na lumalapit sa kanilang kinaroroonan. “Shyra, kanina ka pa hinahanap ng Mommy mo. Sobrang pinag-alala mo na naman ang Mommy mo, Shy.” “Sorry po, Yaya…” bigla ang pagbaba ng tono ng batang babae. Surprisingly, bigla ito nag bagong anyo biglang naging maamong pusa. From wild kitten biglang naging pet kitten. “Halika, bumalik na tayo. Uuwi na tayo ng Spain,” kapagkuwan ay napatingin sa kanya ang yaya ng bata. “Sorry po kung may nagawa ang alaga ko. Sadyang makulit lang po ito, pero sobrang bait po na bata.” “Yaya, I did not do anything.” Sansala ng batang babae. “She is right. Wala naman siyang ginawang masama. Pero doon sa batang lalaki kanina meron. Kailangan nyo siyang turuan ng magandang asal. Ang lutong magmura niyang alaga nyo.” “You—” “Shyra!” Agad na saway ng Yaya. Napanguso uli ang bata sabay lihim na inirapan siya nito. “Pasensya na po talaga kayo sir. Pero sinisiguro ko po sa inyo na sobrang bait po nitong alaga ko. Nagmumura lang po ito kapag nasasaktan ng ibang tao." “Kahit na po. Hindi pa rin tama ang pagmumura,” kapagkuwan ay tumungo siya sa bata. “So your name is Shyra. Shyra, I am Lucas,” aniya sabay lahad ng palad. “Not interested,” Inirapan siya nito sabay hila ang kamay ng Yaya. “Tara na Yaya.” “Susmaryosep ka na bata ka!” Nilingon siya ng Yaya. “Pasensya na po kayo sir.” Pahabol na wika nito sa kanya. Kumaway lang siya at ngumiti. Kung sana buhay ang anak. Marahil ay kasing edad nito ang batang iyon. Napagkamalan pa siya ng batang lalaki na iyon kanina na ama ng batang babaeng masungit. Natawa at nailing siya ***** “Ano, Yvette, nakita mo ba ang anak ko?” “Hindi ‘e. Saan na naman ba kasi nagsusuot ang batang iyon?” Hindi alam ni Shayne kung saan hagilapin ang anak. Ang dami nitong bantay ngunit madalas ay natatakasan pa nito ang mga bantay nito. Makulit sa lahat ng makulit. Sinalo na ‘ata nito ang lahat ng kakulitan ng magpaulan ng kakulitan ang langit. Ang lolo niya kasi sobrang ini-spoiled ang anak niya. Heto tuloy ito ngayon sakit sa ulo ang binibigay sa mga nagbabantay rito. “Maghiwalay nga ulit tayo Yvette. Doon ka sa kaliwang bahagi dito naman ako sa kanan.” Naku maiiwan na naman sila ng eroplano. Dapat kasi nag private plane na lang sila ‘e. Saktong lumingon siya sa kanan na bahagi. Bumangga siya sa isang matigas na bagay. Halos mabuwal pa siya. Mabuti na lang at nahawakn siya ng kung sino sa kanyang kanan na braso at napigilan ang akma niyang pagkabuwal. Inangat niya ang mukha at tiningnan ang kung sino man ang bumangga sa kanya. Isa iyong lalaki. “S-Sorry!” Hinging paumanhin niya. Ngunit hindi nakaimik ang lalaki. Sa halip nanlaki ang mga mata nitong nakatitig sa kanya na animoy nakakita ng multo. “M-Miss Shayne…” bulong na sambit nito sa pangalan niya. “Y-You know me?” Utal niyang tanong. Nararamdaman niya ang marahas na paghinga ng lalaki. Umawang maging ang mga labi nito. Kapagkuwan ay napalingon ito sa paligid at saka mas lalong humigpit ang pagkahawak sa braso niya. “Hey! Mr. Excuse me, could you please let me go?” Bigla siyang natakot. Bigla kasing naging malikot ang paningin ng lalaki sa paligid na tila may hinahanap. “Bitawan mo siya!” Tinig iyon ni Yvette. “Yvette…Yvette!” Binitawan siya ng lalaki at mabilis na lumapit ito kay Yvette. Hinablot nito si Yvette sa braso at niyakap ng mahigpit. “Yvette, Yvette!” Umiiyak ba ang lalaki? Sino ito at bakit kilala siya nito at si Yvette. “Bitawan mo ako! Bitawan mo ako!” pilit na tinulak ni Yvette ang lalaki. Ngunit mas lalo nitong niyakap si Yvette ng mahigpit. Bigla siyang natakot. Bigla sumagi sa isip niya na baka siraulo ang lalaki. Baka gusto nitong saktan siya at si Yvette. Walang pagdalawang isip na pinulot ni Shayne ang bato na nasa paanan niya at pinukpok iyon ng buong lakas sa ulo ng lalaki. Napabitaw ang lalaki kay Yvette at napahandusay ito sa buhangin. Nawalan ito ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD