KABANATA 1.

2071 Words
Kapwa napatingin si Yvette at Shayne sa lalaking nakahandusay sa buhangin. kumakalabog ng malakas ang puso ni Shayne. Nanlalamig siya. Kitang-kita niya ang dugo na dumaloy mula sa ulo nito kung saan niya ipinukpok ang bato. “Y-Yvette, na–napatay ko ‘ata. A-Anong gagawin ko?” sobrang nahintakutan siya. Bakit niya kasi ito pinukpok ng bato? Pwede naman siyang sumigaw kanina. Marami naman tao sa paligid at sigurado na may tutulong sa kanila sakaling sumigaw siya. Hindi na niya naisip iyon kanina sa sobrang takot niya. Bigla ay hinablot siya ni Yvette sa kanan niya na braso. “Halika na. Hanapin na natin si Shyra at ng makaalis na tayo agad.” Hinila niya ang braso. Hindi niya magawa na basta na lang umalis. Baka naman hindi pa patay ang lalaki. Baka pwede pa madala sa hospital. “Yvette, baka buhay pa. Humingi tayo ng tulong. Dalhin natin siya sa hospital.” “Hindi. Hindi mamatay ‘yan. Siyam ang buhay ng hinayupak na iyan.” “Anong siyam ang buhay ang pinagsasabi mo riyan, Yvette. Tao iyan, hindi pusa.” Ngunit sa halip na pakinggan ni Yvette ang sinasabi niya ay hinila siya nitong muli. “Tara na, Shayne. Buhay iyan, nawalan lang iyan ng malay, at oo may sa pusa iyang animal na iyan. Isang pusang gubat. Kaya tara na.” Marahas na hinila siya ni Yvette. Wala siyang nagawa kundi ang sundan ito. Panay pa ang lingon niya at dasal na sana nga ay buhay ang lalaki at hinimatay lang iyon. “Nasaan na ba ang makulit na iyon?” usal muli ni Yvette. Saka niya muling naisip ang anak. Dalawang tagabantay ng anak ang kanilang nakasalubong. Muntik pa silang mabangga ng mga ito dahil panay ang linga ng mga ito sa paligid. “Ano na? Hindi niyo pa rin ba nakita ang bata?” naiinis na wika ni Yvette sa dalawang tagabantay ng anak. “Obvious naman Yvette na hindi nila nakita. Hindi nila kasama ‘e.” halo-halo ang emotion na nararamdaman niya. Inis, pag-aalala at takot. “Bakit kasi ninyo hinayaan na mawala sa paninginn ninyo ang bata?” “E Miss Shayne—” “‘E ano ha? Ano? Sige sabihin ninyo ano? Ang Sabihin ninyo ay nakatutok na naman sa cellphone at puro selfie ginagawa niyo at hindi naman talaga pagbabantay sa bata.” inis na si Yvette. Ang isang palad nito ay napahaplos sa noo at nakapamewang naman ang isa pa. “Yvette, tama na. Hanapin na lang natin.” Ang kulit naman kasi ng anak niya. Exag siguro para sa mga taong hindi nakakakilala sa kanya ang reaction niya at ni Yvette sa paghahanap sa anak niya. Ngunit dalang-dala na siya. Natatakot siya sa tuwing mawala sa kanyang paningin ang anak. Muntik na kasi itong makidnap noong tatlong taon pa lamang ito. Mabuti na lang at nabawi agad ang anak niya dahil naging alerto ang mga tauhan ng lolo niya. Nangyari iyon noong nasa US pa sila. Nasaan na ba kasi ang anak niya? May kasalanan din siya. Dapat hindi niya hinayaan sa mga tagabantay ang pagbabantay sa anak. Napasarap din kasi ang kwentuhan nila ni Yvette sa loob ng coffee shop. “Mommy!” Nag-isang kumpas ang paningin niya at Yvette sa pinagmulan ng tinig na iyon. Nakahinga siya ng maluwang ng makitang tumatakbo tungo sa kinaroroonan niya ang anak habang kasunod nito ang isa mga tagabantay nito. Agad na sinalubong niya ito. Kasabay niya na tumatakbo pasalubong sa anak si Yvette. “Saan ka galing huh? Alam mo ba na sobrang pinag-alala mo na naman ako.” tumungo siya anak at hinawakan ito sa kanan na braso. “Sorry po, Mommy! I was playing. Then one stupid kid suddenly took my beach ball—” “Shyra,” napabuga siya ng hangin. Ayaw niya ng tabas ng dila ng anak niya. Sobrang ayaw niya. As much as possible ayaw niya itong magsalita ng mga salitang hindi maganda sa kapwa. Ngunit hindi talaga maiwasan. Lalo na at madalas na naririnig ng anak ang pagmumura ng lolo niya kapag nafu-frustrate ito. Niyakap niya ang anak. “Nasaktan ka ba?” “Hindi po, Mommy,” hinalikan siya ng anak sa kanyang pisngi. Sa paglapat ng malambot na labi nito sa pisngi niya ay tuluyan na nalusaw ang pag-aalala niya. “Shayne, tara na. Umalis na tayo.” Napatayo siya ng tuwid habang hawak niya sa kamay nito ang anak at hinarap si Yvette. Banaag sa mukha ni Yvette ang pagkabalisa. Panay ang linga nito sa paligid. Kapagkuwan ay bigla niyang naalala ang lalaki kanina. Ang lalaking pinukpok niya sa ulo. “Kailangan nating balikan ang lalaki—” “Hindi na kailangan, Shayne. Kailangan na natin umalis. Maiiwan na tayo ng eroplano.” Hindi tama na iiwan na lang ang lalaki. Kapag may nangyari sa lalaki mas malaki ang pananagutan niya. Isa pa, sigurado na hindi siya patutulugin ng konsensya niya. “Hindi naman kailangan magmadali, Yvette, pwede naman—” “Shayne, tara na.” Bigla ay kinandong ni Yvette ang kanyang anak saka siya nito hinila paalis. Nataranta naman na sumunod sa kanila ang tatlong tagabantay ng anak. Gusto niyang salungatin ang gusto ni Yvette, ngunit mas pinili na lang niya na sundin ang gusto nito. Ayaw niya rin makipagtalo sa harap ng kanyang anak. Pagdating sa hotel na kanilang tinutuluyan ay agad na niligpit ni Yvette ang kanilang mga gamit, siya naman ay tumawag sa rescue team ng isla upang ipaalam sa mga ito na mayroong isang taong walang malay sa dalampasigan at sinabi ang kinaroroonan ng lalaki. Grabeng dasal ang ginawa niya. Dasal na sana ay buhay ang lalaki. Hindi rin niya nakaligtaan na tawagan ang lolo niya. Ipinaalam niya rito ang nangyari. Iniisip niya kasi na may mga cctv camera sa paligid at baka isa sa mga cctv camera na iyon ang nakahagip ng malakas na pagpukpok niya sa ulo ng lalaki. Pagkatapos makausap ang kanyang lolo ay napalingon siya sa kanyang anak na ngayon ay abala sa pagsalampak ng mga laruan nito at ilang libro sa mismong sa loob ng luggage nito. Napangiti siya ng makita ang ilang empty shell na nilagay nito sa loob ng isang itim na jewelry box. Dagdag koleksyon na naman. Sobrang hilig lang talaga ng anak niya sa mga makukulay na seashells at bawat beach na napuntahan nila ay walang paltos ang pagkuha nito ng mga empty seashell. Bawat shell na makukuha nito ay sinusulatan niya ng pangalan upang maalala ng anak kung saang beach at bansa nakolekta ng anak ang seashell. “Yehey!” napaangat sa ere ang mga braso nito matapos na maisara nito ang luggage. “Mommy, tapos na po ako.” “Well done, anak.” Niyakap niya ang anak at hinalikan sa noo. Makulit lang ang anak niya at nagmumura minsan. Ngunit responsable itong bata. Tinuruan niya itong maging responsable sa sarili. Kahit pa sabihin na namulat ito sa karangyaan. Kung paano siya pinalaki ng kanyang mga magulang ay ganun niya rin pinalaki ang anak. “Tapos na rin ako. Pwede na tayong umalis.” wika ni Yvette habang sinasara nito ang isang malaking maleta. “Sige tatawag na ako ng room service upang maibaba na lahat ng mga gamit natin.” Humakbang siya tungo sa bedside table kung saan naroon ang telepono. Akmang angatin niya ang telepono ng bigla ay nag ring iyon. Agad na inangat niya at sinagot. “Hello ma’am, good afternoon. I call to inform you that the unconscious man you reported earlier is fine. He has a minor injury on the back of his head, and he is drunk. But he is okay now.” Nakahinga siya ng maluwang. Napausal tuloy siya ng pasasalamat. “It is good to hear that. Thank you for informing me.” Nakangiti na nilingon niya si Yvette. “Ano yun? Sinong tumawag.” tanong ni Yvette. “Tawag mula sa nag rescue doon sa lalaki na pinukpok ko kanina sa ulo.” Napalunok si Yvette. “A-Ano daw? Nagising ba?” “Oo. minor injury daw yung natamo mula sa pagpukpok ko ng ulo at saka lasing daw. Mabuti at nagising na.” “B-Bilisan na natin, Shayne. U-umalis na tayo.” Nagtataka siya sa kilos ni Yvette. Hindi niya talaga maintindihan. She saw the relief in Yvette eyes ng malaman na okay na ang lalaki, ngunit bigla na naman ito parang balisa. Wala naman ito dapat ipag-alala. Kahit sabihin na mahuli sila sa byahe. Anytime naman ay may masasakyan sila pauwi ng spain. “Oo sige.” Hindi na siya nagtanong pa. May tamang oras at panahon upang kausapin ito. Agad na tinawagan niya ang customer service ng hotel upang ibaba ang kanilang mga gamit. Ilang sandali lamang ay lumabas na sila ng silid. Pagdating sa labas ay naroon na ang mga tagabantay ng kanyang anak. Parang ang OA lang na ang daming bantay ng anak niya. Nag-iisa lang naman ito. Ang lolo niya talaga ang may gusto nito. Mabuti nga at mga yaya lang ang nakabuntot sa kanila ngayon at wala ang sandamakmak na bodyguards. Hindi nga nakabuntot ang sandamakmak na bodyguards pero alam niya na nasa paligid lang ang mga ito at nakamasid. Napansin niya na hawak ng anak ang isang shell sa palad nito. Kulay brown ang shell at medyo may kalakihan iyon. Nang makapasok sa loob ng elevator ay hinawakan niya ang anak sa magkabilang balikat nito. Matangkad ang anak niya. Hindi iyon nakapagtataka, dahil ayun sa kwento ni Yvette, sobrang tangkad daw ng ama ng kanyang anak. “Anak, bakit hindi mo nilagay sa loob ng collection box mo ang seashell na iyan.” Binuksan ng anak ang palad nito at tinitigan ang shell. “I wanna give it to someone, Mommy!” “Kanino?” Ilang segundo na tinitigan ng anak ang shell. Hinaplos pa iyon ng hinlalaki. “Someone you don’t know, mommy,” kapagkuwan ay tumingala ang kanyang anak sa kanya. “Pwede po ba na pumunta saglit sa dalampasigan, Mommy?” tanong nito sabay lingon sa kanya. “Anak. uuwi na tayo.” “Mommy, please!” pinaglapat nito ang mga palad saka inilagay sa ilalim ng baba. “Please, mommy!” Napabuntong hininga siya. Paano ba niya hindian ang anak. Ikinurap nito ang mga mata habang nakatingala sa kanya. Ang kulay asul nitong mga mata ay laging may kakayahan na kumbinsihin siya. Ang hirap humindi. “Five minutes, okay?” “Okay. Thank you, Mommy!” Yumakap ito sa kanya. Walang mas sasaya at sasarap sa pakiramdam sa tuwing maramdaman ang yakap ng anak niya at higit sa lahat ang marinig ang bawat pagsambit nito ng Mommy sa kanya. Saktong pagbukas ng elevator ay tumunog ang telepono ni Shayne. Pangalan ng abuelo niya ang nakarehistro sa screen. Agad na sinagot niya ang tawag. “Sweetheart, you need to leave the island ASAP.” Bigla ay kinabahan siya. Mula sa kinatatayuan ay tagus-tagusan niyang nakikita sa glaswall pannel ang mga bodyguards na nag-aabang sa kanila. “Lo—” “Just listen to me, sweetheart, and please, don’t let go of my sweet great-granddaughter's hand.” Mas lalong siyang kinabahan. “O-po.” Agad na sinalubong sila ng mga bodyguards at inalalayan sa pagpasok sa loob ng sasakyan. Ngunit ang anak niya ay ayaw makisama. “Mommy, I want to go to the shore and give this shell to someone.” “Anak, hindi na pwede kailangan na natin umalis. Maiiwan na tayo ng plane.” “Mommy, just five minutes, please!” Pagmamakaawa nito. “Shyra, sige na. Sumakay ka na. Pagdating natin ng spain bibilhan kita ng hamster. Diba gusto mo yun?” Si Yvette. Napatingin ang anak kay Yvette. Kuminang ang mga mata nito. “Promise?” “Promise.” Tinaas pa ni Yvette ang kanan na kamay tanda ng pangako. Napangiti si Shayne. Kuhang-kuha talaga ni Yvette ang kiliti ng anak niya. As her daughter about to step inside the car, napalingon ito sa bungad ng hotel. “It’s him. It’s him Mommy!” Bigla ay kumaripas ito ng takbo tungo sa bungad ng hotel. Mabilis ang kilos niya na akmang sundan ang anak. Ngunit mas mabilis ang kilos ni Yvette at ilang body guards upang harangan siya. “Shayne.” Mariin na hinawakan ni Yvette ang braso niya. Nagtataka na nilingon niya ito. Mariin itong napalunok sabay iling. “D-Dito ka lang.” “Y-Yvette!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD