“Yvette!”
“Shayne, pakiusap.”
Sobrang hindi maintindihan ni Shayne ang kinikilos ni Yvette. Ngunit ano man ang dahilan ng pagpigil nito sa kanya ay hindi niya ito pwedeng sundin. Anak niya ang mas mahalaga sa kanya.
Marahas na iwinaksi niya ang kamay ni Yvette. Tinalikuran niya ito. Ngunit hinarangan naman siya ng tatlong bodyguards. Akma na itulak niya ang mga ito ngunit mula sa kinatatayuan ay nakita niya ang anak.
Isang lalaki ang bahagya na nakaluhod sa harap ng anak niya. Hubad baro ang lalaki at naka-ponytail ang medyo may kahabaan nitong buhok. Nakangiti ang lalaki sa anak niya. Kapagkuwan ay nakita niyang binigay ng anak ang kalahati ng seashell sa lalaki.
The man then slowly grabbed her child on her neck then kissed her on her forehead. Napakurap na lamang siya. Ang ilang bodyguards na humabol sa anak ay nakatayo lamang sa likod nito. Mas lalo siyang namangha ng makita na niyakap ng lalaki ang anak niya.
Ilang sandali lamang ay bumitaw ang lalaki at tumayo ng tuwid. Tinalikuran ito ng anak niya saka umalis. Nakangiti na sinundan ng lalaki ng tingin ang anak niya kaya buo na nakita niya ang mukha nito. Bigla ang pagbilis ng pintig ng puso niya.
Hindi mabilang kung ilang beses na naikurap niya ang kanyang paningin. Nakangiti ang lalaki habang nakasunod ang paningin nito sa anak niya. Ang pagpitik naman ng puso niya ay bumibilis.
Bakit parang nakita na niya ang lalaki?
Nag-aagaw na ang dilim at liwanag ngunit malinaw pa rin na nakikita niya ang mukha ng lalaki. He has this perfect symmetrical face, ang mga panga ay umiigting na bumabagay sa bigote nito. His beard made him even more masculine. Maging ang kilay ay bumabagay sa gwapo nitong mukha. Makapal at perpekto ang arko.
His physique was perfect, he had a perfect three-pack abs and a hard chest. Higit sa lahat matangkad ang lalaki. Pang-hollywood ang tindig nito. Para itong si Henry Cavill.
Nailing niya tuloy ang ulo. Ano ba itong pinag-iisip niya? Kailan pa siya humanga sa lalaki. Ang daming gwapong lalaki na umaaligid sa kanya. Kahit minsan ay hindi siya naging interesado.
“Senyorita, please get in the car.” wika sa kanya ng isa sa guard.
Agad na tumalima siya.
Nakita niya rin kasi na kandung na ng head ng guard patungo sa kanya ang anak.
“Mommy!”
Malapad ang pagkapuknit ng labi ng kanyang anak. Banaag sa mukha ang kasiyahan. Pinuwesto niya sa kanilang gitna ni Yvette ang anak. Pinaupo niya ito sa upuan nito ng maayos at ikinabit naman ni Yvette ang seatbelt ng anak.
Nang makapwesto nang maayos ay agad na binuhay ng driver ang makina ng sasakyan at aagd na pinasibad iyon paalis. Nilingon niya si Yvette sa kaliwang bahagi. Nakatanaw ito sa labas ng sasakyan at tila lumilipad ang isip nito sa malayong dako.
Sobrang nahihiwagaan siya sa kinikilos ng matalik na kaibigan. Ngunit mas pinili niyang manahimik sa ngayon. Kakausapin niya ito pagdating sa spain.
“Mommy, I gave my seashell to Lucas.”
Malapad ang ngiti ng anak habang sinasabi ang iyon sa kanya.
“Lucas?” Maang na tanong niya.
“Yeah, his name is Lucas. Tinulungan niya po ako na kunin ang beachball ko mula sa isang stupid kid kanina—”
“Shyra, a word 'stupid' is not nice. It's hurtful and offensive words. Paulit-ulit ko na lang sinasabi at pinapaalala iyan sa'yo anak.”
Napayuko ang anak. “Sorry po…” hingi nito ng paumanhin sa malumanay na tinig.
Hinaplos niya ito sa ulo. Kapagkuwan ay kinabig saka hinalikan sa tuktok ulo. “It’s okay, Shyra. Pero huwag na huwag mo na ulitin. Hindi talaga maganda ang mang-insulto ng kapwa at magmura, anak.”
Yumakap pabalik sa kanya ang anak. Habang yakap niya ang anak ay na kay Yvette ang kanyang paningin. Kasama nila ito ngunit tila nasa ibang dimension ang isip.
“Miss Shayne! Yvette! Yvette!”
Bigla ay umalingawngaw sa isip niya ang tinig ng lalaki na pinukpok niya sa ulo. Kilala siya nito at maging si Yvette. Maging ang pagkagulat na rumihestro sa mukha nito ay malinaw pa sa isip niya.
Sino iyon?
Sino ang lalaki na iyon?
Simula kanina ng ma-encounter nila ang lalaki sa dalampasigan ay nagsimula ng naging iba ang kilos ni Yvette. Okay, naman na ang lalaki. Kaya wala ng dahilan upang mag-alala pa ito. Ngunit sa kailaliman ng isip niya ay naroon ang katanungan.
Sino ang lalaki na iyon? Bakit sila kilala ni Yvette. Hindi niya magawang alisin ang paningin kay Yvette. Kilala ba nito ang lalaki? Bahagi ba ang lalaki sa pito na buwan na nawala sa alaala niya?
Gusto niyang iwaglit ang isipin na iyon. Ngunit hindi niya magawa. Paulit-ulit na umi-echo iyon sa isip niya.
********
“Here. Take it.”
“Why are you giving me this?” mangha na tanong ni Lucas habang tinatanggap ang seashell na bigay ng batang si Shyra.
“A token of my appreciation for helping me take my beachball from the stupid kid, earlier. And I wanted to say sorry for being rude.”
Napangiti siya. Tumungo siya at pinantayan ang magandang mukha ng batang si Shyra. Pinasadahan niya ng tingin ang mukha ng bata. She looks so cute. Ang mga mata nito ay kulay bughaw, at ang buhok ay blonde. Ang kutis naman ay hindi kaputian at mas nangibabaw ang kutis pilipino nito.
“It’s okay, Shyra. The most important thing is that you acknowledge your mistake,” tinitigan niya ang seashell na bigay nito sa kanya pagkatapos ay muli niya itong tinitigan sa mukha. “Are you a Filipino?” He heard her speak tagalog earlier. Pero heto at nagtanong pa siya.
Agad na tumango ang bata. “Yeah, I am Filipino Spanish, and you?”
“I am Filipino, Russian, Shyra.”
Hindi niya napigilan ang sarili na haplusin ang bata sa buhok nito. Ewan ba. Pero ang gaan ng loob niya sa bata. Deep in him, he felt this longing. A longing to hug the child. Kung buhay ngayon ang anak niya marahil ay kasing laki na ito ngayon ni Shyra, at baka kasing daldal din. Madaldal din kasi Shayne.
‘At palamura rin.’
Napangiti siya sa isipin na iyon. Muli tuloy ay nabalutan ng matinding pangulila ang pagkatao niya.
“I have to go, my mommy is waiting for me.”
Naangat niya ang paningin. Saka niya napansin na may mga matangkad at matipuno na lalaki sa likuran ng bata. The child surely comes from an elite clan. Bantay sarado ito.
“Can I hug and kiss you?” hindi niya alam kung bakit nanulas iyon sa labi niya. Iba ang hatid ng presensya ng batang nasa harap niya. Hindi niya maintindihan ngunit tila hinahaplos nito ang puso niya.
The child nodded.
Agad na kinabig niya ito sa batok at pinatakan ng magaan na halik sa noo. Pagkatapos ay niyakap niya ito. It felt strange. Nang mayakap niya ang bata ay tila napunan panandalian ang kahungkagan sa pagkatao niya. Parang ayaw niya itong bitawan.
“I gotta go. Nice meeting you, Uncle Lucas!”
Agad na tinalikuran siya nito at saka patakbo na tinungo ang isang itim na magarang Van. pagkatapos ay isang babae na nakatalikod mula sa kanya at may mahabang itim na buhok ang lumulan sa sasakyan kasama si Shyra.
His heart suddenly beat rapidly without knowing the reason why. Nahilot niya tuloy ang dibdib. What the heck is happening to him? Resulta na ba ito sa sobrang pag-inom niya ng alak at laging kulang sa tulog? Hindi niya buo na nakita ang katawan at mukha ng babae. Nakaharang kasi rito ang mga bodyguards.
Marahil ay ang babaeng iyon ang ina ni Shyra.
Hindi niya man lang magawa na umalis mula sa kinatatayuan niya o ikurap man lang ang mga mata.. Nakasunod ang kanyang paningin sa sasakyan kung saan nakalulan ang batang si Shyra. Nang tuluyan na mawala ang sasakyan sa paningin niya ay isang malalim na paghinga ang kanyang ginawa.
Again, the deep desolation invaded his whole being.
Ganito ang buhay na meron siya sa loob ng pitong taon. Buhay na puno ng pangulila at paninisi sa sarili. Nabubuhay siya ngunit para na rin siyang patay. Kasamang namatay ng asawa at anak niya ang puso niya.
“Damien!”
Inangat niya ang paningin. Nakatayo sa tapat niya si Vladimir.
“What is it?” he frowned.
“Yuri, was in the clinic. He lost consciousness and got a minor injury on the back of his head.”
“What?” nabigla siya sa narinig.
“You heard it right. The rescue team found him lying on the sand unconscious. Then they immediately brought him to the clinic—”
Hindi na niya pinatapos ang iba pa na sasabihin ni Vladimir. Agad na tumungo siya sa clinic. Hindi basta-basta na mawalan ng malay ang isang tulad ni Yuri. maihahalintulad sa isang palos si Yuri, madulas ito at mahirap hulihin. Kapag nasaktan ito siguradong hindi basta-basta ang nakabangga nito.
“Have you investigated?” tanong niya kay Vladimir na ngayon ay nakasunod sa kanya.
“Yeah, but that bastard Yuri was drunk. He might have just fallen on his own due to intoxication. He drowned himself in liquor the whole day.”
Napabuga siya ng marahas na hangin. Simula ng mawala si Yvette, katulad niya ay tila wala na rin gana sa buhay si Yuri. Simula ng mawala ang kanyang ama at pumalit siya sa pwesto nito ay saka niya talaga napagtanto kung gaano kadilim at kadahas ang organisasyon na kinabibilangan ng kanyang pamilya.
Pagdating sa loob ng clinic ay nakita ni Lucas na nakaupo na sa kama si Yuri at may benda na ito sa ulo.
“What happened?” Agad na tanong niya.
Inangat ni Yuri ang paningin. Tumitig ito sa kanya. Yuri just stared at him without blinking. Bumuka ang labi nito ngunit agad na muling itinikom nito iyon.
“Yuri—”
“Nothing, Sachem. I just fell on the ground and my head hit the rock. That is why I lost consciousness.”
He does not sound convincing. Hindi kasi ito nakatingin sa kanya habang sinasabi ang salitang iyon. Sa halip yumuko ito.
“You need to rest from drinking liquor, Yuri.”
“Same goes to you, Sachem.”
Vladimir burst out laughing beside him. “You two look stupid.”
Kapwa na nilingon nila pareho ni Yuri si Vladimir. Tinitigan nila ito ng matalim. Vladimir then raised his hand and turned his back.
— — — —
Lumipas ang isang linggo. Madalas na lamang na nakikita ni Lucas si Yuri, simula ng naaksidente ito sa isla. Isang gabi. Nakita niya itong naglalakad sa hallway ng villa. Yuri is wearing black pants and black hoodie. Hawak nito ang isang duffle bag papasok sa sariling silid nito.
Agad na sinundan niya ito. He wanted to confront him. Iba kasi ang kinikilos nito. Wala rin siyang natandaan na may pinapatrabaho siya rito nitong nakaraan na mga araw.
Pumasok siya sa silid nito. Isang brown envelope ang nakita niyang inilapag nito sa ibabaw ng couch na nasa paanan ng kama nito kasama ng duffle bag na bitbit nito.
Yuri went to his walk-in closet. Hindi man lang ito lumingon kaya hindi siya nito napansin. Agad kinuha niya ang envelope saka binuksan iyon at kinuha ang laman.
Pictures ang laman.
Agad na tiningnan niya ang larawan.
He froze. Nanginig bigla ang kanyang kamay kasabay ng paggapang ng lamig sa buo niyang katawan. Napalunok siya ng mariin kasabay ng pagbilis ng pagtibok ng puso niya.
Hindi siya pwedeng magkamali.
Ang asawa niya at Yvette ang nasa larawan.
“S-Sachem!”
Si Yuri na ngayon ay nakatayo sa paanan ng kama at hubad baro.
“Yuri!” Sigaw niya na umalingawngaw sa buong silid.
He needs an explanation. Dumadagundong ang puso niya.
“Miss Shayne, and Yvette are alive, Sachem!”