KABANATA 3.

2043 Words
Hindi makagalaw si Lucas. Napatanga na napatitig lamang siya kay Yuri. pilit ina-absorve ng isip niya ang sinasabi nito. Sa mga sandaling ito ay ang malakas na pagpintig ng puso niya at t***k nito ang tangi niyang naririnig. Buhay ang asawa niya? Tama ba ang narinig niya? Yvette and Miss Shayne are alive, Sachem. Isang malalim na paghinga ang kanyang ginawa. “Huwag mo akong paglaruan, Yuri.” nanginginig ang tinig niya. He was trying to figure out kung lasing ba si Yuri at nagha-hallucinate na naman ito. “I am not, Sachem. I am in my right mind. I am not even drunk. In fact, I just came back from Spain where Miss Shayne and Yvette live.” Nanginig ang mga kamay na tiningnan niya ang ilan pang mga litrato na hawak. His whole being was shaking. Ang kanyang dibdib ay tumaas baba ng marahas. Hanggang sa isang larawan ang nagpaawang ng labi niya. It was Shayne carrying a child in her arms, at ang batang hawak ay walang iba kundi ang batang na-incounter niya sa kabilang isla, isang linggo na ang nakalipas. Walang salita na kumawala sa mga labi niya. Hindi niya alam ano ang sasabihin. He felt so overwhelmed. “I did not inform you immediately because I wanted to confirm it first. The day that I first saw Yvette and Miss Shayne on the island, I automatically conducted an investigation, and I confirmed that Miss Shayne and Yvette are alive.” Naangat niya ang paningin. Lumunok siya ng mariin kasabay ng kusang pagpatak ng mga luha. “You saw them on the island? Is that the day you lost consciousness?” “Yes, Sachem, Yvette hit me hard on the back of my head, that's why I lost consciousness.” “Yuri!” muli niyang sigaw. Napahilamos siya ng marahas sa kanyang mukha. “Putangina, bakit hindi mo agad sinabi sa akin, huh? Bakit mo inilihim?” “I thought I was just dreaming!” napalakas na rin ang tinig ni Yuri. “But I ended up checking all the CCTV cameras at the Island, then I found out that it’s not a dream. It was real. Yvette and Miss Shayne are indeed alive.” Nilapitan siya ni Yuri. Binuksan nito ang duffle bag at hinugot mula sa loob ang ilang papel saka binigay sa kanya. Alam niya kung ano ang nilalaman ng mga papel na iyon. Ebidensya iyon na nakalap ni Yuri sa pag-iimbestiga nito. Medical reports. Shayne was brought to the US by the old man Enrique Guzman. Pinagamot ito ng matanda at itinago sa kanya. Tulad niya ay na-comma rin si Shayne ng apat na buwan at naisilang nito ang kanilang anak sa pamamagitan ng CS section. Anger arises in his whole being. Habang binabasa ang medical records ay naghalo ang pinagsamang awa para sa kanyang mag-ina at sa sarili saka galit para sa matandang si Enrique guzman. Nilukumos niya ang medical records kasabay ng pagtiim ng kanyang mga bagang. Isa-isa na bumalik sa kanyang alaala ang mga masakit na nangyari sa loob ng pitong taon. He suffered an unbearable pain and desolation, halos magpakamatay pa siya. Matinding paninisi sa sarili ang kanyang ginawa. The old Enrique Guzman, even went to visit him in Russia. Sinisi siya nito ng malala dahil sa pagkamatay ng asawa niya, isinumpa siya nito, at siya naman itong gago ay lumuhod pa sa paanan nito habang umiiyak at humihingi ng tawad. And the worst scenario, iniyakan niya ang abo na hindi naman pala abo ng asawa niya. Dala-dala pa niya ang abo saan man siya magpunta. Nakakaputang-*na! Hayop! “On Friday is the old man's 80th birthday. There is no grand celebration, he often celebrates with the orphan at Angel’s Home Orphanage together with Miss Shayne and your daughter,” Yuri took a deep sigh. “I already have a plan. I am just waiting for your go signal.” Sa loob ng maraming taon na kasama niya si Yuri alam niya na lagi itong nakahanda. Sa mga sandaling ito, wala siyang ibang gusto kundi ang makasama ang kanyang mag-ina. Grabeng paghihirap na ang naranasan niya. Grabeng pangungulila na halos ikabaliw niya. Buhay ang mag-ina niya at babawiin niya sa hayop na matandang si Enrique. Susuungin niya ang impyerno kung yun ang tanging upang mabawi ang mag-ina niya. “Aalis tayo ngayong gabi. I cannot wait any longer. Babawiin ko ang mag-ina ko.” Clenching his jaw and fist, he furiously left Yuri’s room. Sa loob ng silid tanggapan niya siya tumuloy. Hinila niya ang isang drawer ng kanyang study table at hinugot mula doon ang isang folder. Folder na naglalaman ng mga resulta ng imbestigasyon sa nangyaring trahedya pitong taon na ang nakalipas. Nakapaloob din sa loob ng folder ang ilang mga newspaper kung saan naka-headlines ang nangyaring trahedya. Naka-imprint pa sa newspaper na iyon ang mukha ng asawa niya na duguan habang nakahiga sa rescue stretcher bed. Maging ang araw ng burol nito at cremation ay nakasaad rin sa mga sikat na news headline. At sa bawat larawan ay naroon ang pagmumukha ng matandang si Enrique Guzman. Hindi nakapagtataka na halos lahat ng headline tungkol sa insidente ay kasama ang mukha ni Enrique Guzman. He was a business tycoon who was extremely popular throughout Europe and the US. Damn the old man! Hindi lang magaling sa negosyo kundi magaling din sa aktingan! Hayop! Malinis na malinis ang pagplano ng matanda. Wala ni konting bahid. Napaniwala siya nito. Napaniwala nito ang mundo. Putang-*na. Kinuha niya ang picture frame sa ibabaw ng kanyang mesa saka tinitigan iyon ng mataman. His heart was pounding. Ang mga mata ay uminit. Ilang sandali lamang ay pumatak ang mga luha. Luha ng matinding pananabik. Pananabik sa babaeng sobrang mahal niya. Babaeng nagmamay-ari ng puso niya at buong pagkatao niya. ‘Wait for me. Babawiin kita. Hindi na kita pakakawalan. Gagawin ko ang lahat mapasakin ka lang muli. Akin ka Shayne. Akin ka!’ Dinala niya sa dibdib ang larawan at niyakap ng mahigpit. Pagkatapos ay muli niyang tinitigan at hinaplos, saka dinala sa labi at saka hinalikan. — — — — Bitbit ang duffle bag ay mabilis ang hakbang na tinungo niya ang naghihintay na private chopper. Mula sa isla ay private chopper ang kanilang sasakyan patungong airport. Sa airport ay naghihintay na sa kanila ang private plane. “Where did you get that?” puna ni Yuri sa suot niyang necklace. Napangiti siya sabay hinawakan niya ang pendant ng necklace at hinaplos. “My lucky charm.” seashell iyon na bigay ni Shyra sa kanya na ginawa niyang necklace. Muli ang pagragasa ng pintig ng puso niya. Naglalaro maging sa isip ang matamis na ngiti ng anak at maging ang nakanguso nitong labi. Ang ganda ng anak niya. Nakuha nito ang kagandahan na taglay ng asawa niya. ‘Wait for daddy, baby.’ Piping usal niya. ******* “Yvette, salamat sa lahat.” “Ano ka ba Shayne. Wala ka naman dapat ipagsalamat sa akin. Kung tutuusin, ako ang dapat magpasalamat sa’yo. Sa dami ba naman ng naitulong mo sa akin at sa pamilya ko. Hindi mababayaran ng kahit anong halaga ang utang—” “Ayan ka na naman sa utang na loob na iyan.” Nakatayo sa malawak na bakuran ng orphanage si Shayne at Yvette habang nakatanaw sa mga batang nagsasaya habang nanonood sa palabas ng mga clown. Nakangiti na nakatanaw si Shayne sa anak na ngayon ay nakakandong sa kanyang lolo. “Yvette.” “Ano yun?” Kapwa na napalingon sa isa’t-isa. “Sigurado ka ba na hindi mo kilala ang lalaking na-encounter natin sa Tuscany?” Binawi ni Yvette ang paningin mula sa kanya at napalunok na napatingin itong muli sa unahan. Ilang segundo pa ang lumipas saka ito nagsalita. “Hindi Shayne. Sinabi ko naman sa’yo. I-Iyon ang unang beses na nakita ko ang lalaking iyon.” Ngumiti na lang siya. Ilang beses na tinanong na niya si Yvette tungkol sa lalaki. Pero iisa ang sagot nito. Hindi nito kilala ang lalaki. “Ang weird lang kasi, Yvette. Simula ng na-encounter natin ang lalaking iyon madalas na akong nanaginip sa gabi. Napapaniginipan ko ang isang lalaki na walang mukha at tinatawag ang pangalan ko.” “Huwag mo na kasi laging isipin. Kung ano kasi madalas ang na iniisip natin ay dala-dala natin hanggang sa pagtulog kaya hanggang sa panaginip nasasama.” Napabuntong hininga siya. “Siguro nga Yvette.” “Mommy!” Tili ng anak. Tumatakbo ito tungo sa kanilang kinaroroonan. “Hinay-hinay lang anak, Shyra. Baka ka madapa.” Agad na sinalubong niya ang anak upang patigilin ito sa pagtakbo. Hindi pa naman naghilom ang sugat nito sa kanan na tuhod. Mahina na tumawa si Yvette habang nakasunod ito sa kanya. “Mommy, I need to go to the toilet. I want to pee.” “O, siya tara.” Hinawakan niya sa kanan na kamay anak at akmang humakbang paalis. “Shayne!” Napahinto siya at lumingon kasabay ng pagguhit ng ngiti sa kanyang labi. “Jared.” “Sorry for being late.” Tugon nito sa kanya. “Nah, it’s okay, Jared.” “Mommy, wiwing-wewee na ako.” pinagdikit ni Shyra ang mga hita. Naiihi na nga ang anak. “Shayne ako na ang sasama sa kanya.” Hinayaan na niya si Yvette na ito na lamang ang sasama sa anak tungo sa palikuran. Pina-off na niya ang mga tagabantay ng anak. Besides, nasa orphanage sila at sandamakmak naman ang bodyguards sa paligid. Hindi rin kasi maganda na iwan na lang niya si Jared. Si Jared ay acting CEO sa kompanya ng lolo niya. Kanan na kamay ito ng lolo niya. Malaki ang tiwala ng lolo niya kay Jared. Ang lolo niya kasi ang nagpalaki rito at humubog sa pagkatao. “How are you?” tanong ni Jared sabay lapit ito sa kanya saka walang babala na hinalikan siya nito sa pisngi. “I am fine, Jared,” naiilang siya. Hindi siya sanay na hinahalikan ng kung sinong lalaki kahit pa sa pisngi. Tanging ang lolo lang niya ang hinahayaan niya na humalik sa pisngi niya. “So, how was your vacation in Tuscany? Are you and Shyra having fun?” “Oo. Sobrang natuwa ang bata.” “Good to—” “Jared!” Naputol ang iba pa sanang sabihin ni Jared ng bigla ay dumating ang lolo niya. Tinapik nito sa balikat si Jared at niyakap. Parang anak lang kung ituring ng lolo niya si Jared. “Señor, happy birthday.” Bati ni Jared. “It is indeed a happy birthday Jared, because you're here,” ani ng lolo niya. Kapagkuwan ay lumingon ito sa kanya at ngumiti. Nilapitan siya nito saka inabot ang kamay niya at hinaplos. Tumitig ito sa kanya. Bigla tuloy siya kinabahan. Kapag ganito na titigan siya ng lolo niya. Ibig sabihin ay may hihilingin na naman ito. Sana lang ay hindi naman mahirap. Ayaw niya kasi itong hindian. Ang lolo na lang niya ang natirang pamilya nila ni Shyra. Kaya wala siyang ibang gusto kundi ang sumaya ito. “Apo, why don’t you go out with Jared?” Sabi na nga ba ‘e. “I was supposed to invite this precious granddaughter of yours to a night date, Señor, but I find it hard to say it. I am glad you do it on my behalf.” Kapwa na natawa ang dalawang lalaki. “I know, Jared and I understand,” natatawa na tugon ng lolo niya. Wala siyang nagawa kundi ang pumayag na lumabas kasama si Jared. Gusto niya lang pagbigyan ang lolo niya. Mabuting tao rin naman si Jared. Lumipas ang halos isang oras. Hindi pa bumabalik si Yvette at anak niya. Kaya pansamantala na iniwan niya ang lolo niya at si Jared. Bigla rin ay sumipa ang kaba sa dibdib niya. Tumungo siya sa loob ng orphanage upang hanapin si Yvette at ang anak ngunit hindi niya nakita ang dalawa. Kaya naman ay agad na nagtanong-tanong siya. Ngunit iisa ang tugon. Walang nakakita sa anak niya at Yvette. Nakaramdam siya bigla ng takot. Nataranta siya. Inabisuhan niya ang lolo niya. Agad na pinahanap ng lolo niya ang anak. Ngunit umabot na ng hating gabi wala ni isang bakas sa kinaroroonan ng anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD