KABANATA 4.

2078 Words
Walang paglagyan ang takot na nararamdaman ni Shayne. Halos lahat ng sulok ng orphanage ay sinuong na niya. Nanlalamig ang buo niyang katawan habang panay ang linga niya sa buong paligid. Ngunit kahit anong gawin niyang paghahanap ay hindi niya makita ang anak at Yvette. “Todos ustedes son inútiles!” Malakas na sigaw ng matandang si Enrique guzman kasabay ng bawat pagtama ng mahabang sungkod nito sa katawan ng head ng mga bodyguards. Nanghihina ang mga tuhod na napaupo siya sa bench na nasa ilalim ng mayabong punong kahoy. Naitukod niya ang mga siko sa sa magkabilang binti at salo ng palad ang kanyang mukha kasabay ng bawat paghikbi. Pilit na kinukumbinsi niya ang sarili na walang nangyaring masama sa anak. Na nasa paligid lang ito at si Yvette. Ngunit kahit anong gawin niyang kumbinsi sa sarili ay namayani pa rin ang takot at ang bulong sa isip na dinukot ang anak niya kasama si Yvette. Muli ay dinukot niya ang kanyang cellphone sa loob ng kanyang bulsa. Muli ay sinubukan niyang tawagan si Yvette. Ngunit tulad kanina operator services ang sumasagot at sinasabing out of coverage ito. “Shayne.” Naangat niya ang paningin. Nakatayo sa harapan niya si Jared. Hawak nito ang isang baso na tubig at inabot nito iyon sa kanya. “Drink this. Try to relax. We will do everything to find Yvette and Shyra.” Paano ba siya makapag-relax ngayon na nawawala ang anak niya? Tinanggap niya ang baso na puno ng tubig at ininom iyon. Sinaid niya ang tubig at pagkatapos ay muling binigay kay Jared ang wala ng laman na baso. “Mamatay ako sakaling mawala sa akin ang anak ko, Jared. Ang anak ko ang buhay ko!” Umupo sa tabi niya si Jared kapagkuwan ay kinabig siya nito at niyakap. “Walang masamang mangyayari sa anak mo, Shayne. We already informed the authorities, and all the possible way na daanan ng kung sino man na dumukot sa anak mo at Yvette ay naka-blocked na. I am pretty sure na hindi makalabas ng bansa ang kung sino man na dumukot kay Shyra at Yvette.” Ang mga salitang sinabi ni Jared ay hindi man lang nakakabawas sa pag-aalala niya at takot. Bagkos ay mas lalo pang sumidhi ang takot niya. Ring ng cellphone niya ang napa-bitaw sa kanya mula sa pagyakap ni Jared. Nanginginig ang kamay na agad nyang hinablot ang cellphone na nasa tabi lamang niya nakalapag. Tinitignan niya ang screen at sinuri ang kung sinuman na tumatawag. Unknown number. Walang pagdalawang isip na sinagot niya ang tawag. “Stay away from that man.” Mariin. Maawtoridad na utos sa kanya ng kung sino man mula sa kabilang linya. Baritono ang tinig at naghahatid ng kilabot sa kanyang buong pagkatao. Lalaki. Lalaki ang tumatawag sa kanya. “S-Sino ka?” “You hear what I said, Shayne.” Napalunok siya. Napalingon siya kay Jared. Jared stared back at him. Nagtatanong ang titig nito. “Don’t say anything. Just follow what I said. Stay away from that man or I will kill him this instant, Shayne. You don’t have any idea how hard it is for me to restrain myself right now. Let him touch you one more time and I don't have second thoughts of killing him. I swear it to God!” Napalunok siya. Kapagkuwan ay nanginig ang mga tuhod na napatayo siya sabay linga sa buong paligid. Maliwanag ang buong paligid. Liwanag na hatid ng mga lamppost. Nakikita siya ng lalaki. Malinaw na nakikita. Higit sa lahat kilala siya nito at naghatid iyon ng ibayong takot sa kanya. “S-Shayne…” pabulong na sambit ni Jared sa pangalan niya. Tumayo ito at akmang lumapit sa kanya. Agad na napaatras siya. “T-tawag mula sa pilipinas Jared,” pagsisinungaling niya. “Si–si mother superior. Saglit kausapin ko muna. D-dyan ka lang.” Her instinct told her that the man was the one who abducted her child. Agad na tinalikuran niya si Jared. Lumayo siya mula rito. Nang tuluyan na makalayo ay agad na naglakas loob siya na kausapin ang kung sinuman sa kabilang linya. Panay ang paglunok niya. Walang paglagyan ang kaba at takot na pumupuno sa pagkatao niya. “Who are you? Where is my child? What do you want, huh? Tell me.” sunod-sunod niyang tanong. Hindi niya napigilan ang muling pagpatak ng luha. Nanginginig maging ang kanyang tinig. Hindi sumagot ang nasa kabilang linya. Tanging ang malalim na paghinga. “Please—” “I want you…” pabulong na wika nito. “Ikaw ang gusto ko, Shayne…” Dumagundong ang puso niya. Bakit parang pamilyar sa kanyang pandinig ang baritona na tinig na iyon. “Pakiusap, huwag mong saktan ang anak ko. Gagawin ko anuman ang gusto mo. Pakiusap!” Napahikbi na siya ng tuluyan. Ang anak niya. Ang imahe ng anak niya ay naglalaro sa isip niya. Ang matamis nitong ngiti. Gad, hindi niya kayang mawala ang anak niya. Gagawin niya ang lahat mabawi lamang ang anak kahit kapalit ay buhay niya. Huminga ng malalim ang lalaki mula sa kabilang linya. “Listen carefully babe…” muli ay isang marahas na paghinga ang ginawa nito. “Go out and don’t let anyone follow you. Use the back door, exit. Don’t let anyone know, not even that bastard Jared Pontehas.” “Bakit mo ito ginagawa? Ano ba ang kasalanan ko sa’yo? Pera kailangan mo ng pera? Sabihin mo lang magkano at ibi—” “Damn it! Ikaw ang kailangan ko!” malakas na kalabog ang kanyang narinig mula sa kabilang linya. Napapitlag siya sa kanyang kinatatayuan. Pakiramdam niya ay tila nahulog ang puso niya. Mas lalo pa na sumidhi ang takot niya. Takot para sa kaligtasan ng anak niya. “I am going to lose my mind, babe, kaya lumabas ka na! Konting-konti na lang talaga ang pasensya na natira sa katawan ko—” “Lalabas na ako. Lalabas na. Pakiusap huwag mo saktan ang anak ko. Pakiusap!” nataranta niyang tugon sabay linga sa paligid. Agad na humakbang siya paalis. Ngunit nakailang hakbang pa lamanng siya ng marinig ang muling pagtawag sa kanya ni Jared. “Where are you going?” “J-Jared,” inangat niya ang kaliwang kamay at iniharang iyon sa pagitan nila Jared sabay atras ng ilang hakbang. “Kailangan ko pumunta ng washroom.” “Gusto mo samahan kita?” “Putangina!” Malakas na sigaw muli ng lalaki mula sa kabilang linya. Halos humiwalay ang kaluluwa niya sa kanyang katawan dahil sa gulat. “I am going to kill that fvcking bastard!” “Sachem, stop! We cannot make a scene right now. Think about the child.” Tinig ng isa pang lalaki. “Damn it!” Wala siyang nagawa. Agad na tinalikuran niya si Jared. “Papunta na ako. Pakiusap, huwag mong saktan ang anak ko. Susundin ko ang gusto mo!” “Don’t turn off your fvcking phone and don’t let anyone follow you. Are we clear, my love?” “O-Oo.” Ang mga katanungan ay biglang lumitaw sa isip niya. Sino ba ang lalaki? Ano ba ang kailangan nito sa kanya? Bakit siya nito kilala? Babe? My love? Bakit siya tinawag sa mga endearment na iyon. Ngunit hindi ito ang tamang oras upang bigyan pansin at kasagutan ang mga katanungan na iyon. Ang kaligtasan ng anak ang mas mahalaga. Panay ang linga niya habang palabas siya ng orphanage at tinutumbok ang daan tungo sa backdoor. Mabuti na lamang at abala ang mga tauhan ng lolo niya at maging ang lolo. Abala ang abuelo sa pakikipag-usap sa telepono nito. Panay ang mura nito dahil sa matinding frustration. Tulad niya nag-alala rin ito sa anak niya. Muli ay nag-isang lingon siya. Nang makita na walang nakasunod sa kanya, agad binuksan niya ang gate saka walang pagdalawang isip na lumabas. “N-Nasa labas na—” Hindi na niya nagawang tapusin pa ang gustong sabihin. Bigla ay isang malakas na pwersa ang humila sa braso niya sabay takip sa bibig at ilong niya. Ni hindi niya magawang sumigaw. Nanlaki na lamang ang mga mata niya. Kumawala ang mga ungol sa labi niya habang pilit na hinihila ang kamay ng kung sino na nakatakip sa bibig at ilong niya. Ngunit sadyang malakas ito at madilim ang bahagi na kinaroroonan. Makalipas lamang ang ilang segundo ay unti-unti na nawalan siya ng lakas. Ang mga mata ay kusang pumikit. “Shh, everything will be fine, babe. It will be fine…” Yumakap ang braso ng lalaki sa katawan niya at ang mukha nito ay ibinaon nito sa kanyang batok. It’s him. Ito ang lalaki na kausap niya kanina. His warmth and voice makes it feel familiar. Ang t***k ng puso niya ay rumaragasa sa dibdib niya. Hanggang sa tuluyan ay bualot ang kadiliman at tinangay ang kanyang kamalayan. — — — — Tunog ng hampas ng alon ang gumising sa diwa ni Shayne. Marahan na iminulat niya ang kanyang mga mata. Mapusyaw na liwanag ang sumalubong sa kanyang paningin. Nasaan siya? Lumingon siya sa kanyang kanan na bahagi. Puting kurtina ang kanyang nakikita. Sinasayaw ng hangin ang kurtina. Naipikit niya ang mga mata. Tumatama kasi sa mukha niya ang malamig na hampas ng hangin. Nasaan ba siya? Sa pagpikit ng mata ay naglaro sa isip ang imahe ng anak niya. Bigla ay napabalikwas siya. Bumangon siya. Ang anak niya. Nasaan ang anak niya. Mabilis na bumaba siya ng kama. Hinanap niya ang pintuan palabas. Nang makita ang pinto ay agad na pinihit niya iyon pabukas. Ngunit sa kasamaang palad. Naka-lock iyon. Marahas at ubod lakas na hinampas niya ang pinto kasabay ng pagsigaw mula sa loob. “Pakiusap, pakibukas ng pinto. Buksan nyo itong pinto,” panay ang ginawa niyang paghampas kasabay ng muling pag-agos ng luha. “Ang anak ko. Ibigay ninyo sa akin ang anak ko, pakiusap!” Paulit-ulit. Walang tigil. Sigaw hampas ang kanyang ginagawa. Ngunit tila walang nakakarinig sa kanya. Boses lamang niya at ang tunog na likha ng bawat paghampas niya sa pinto ang kanyang naririnig. Natatakot siya. Sobrang natatakot para sa kaligtasan ng kanyang anak. “Stop it and go back to bed.” Natigil siya sa pag-iyak at napalinga sa loob ng silid. Inaaninag ng paningin niya ang nagmamay-ari ng tinig na iyon. Napatingin siya sa paanan ng kama. Isang malakig bulto ang kanyang nakikita. “N-Nasaan ang anak ko?” nangangatal ang kanyang tinig. “Kung gusto mong makita ang anak mo sundin mo ang bawat utos ko. Bawat utos ko na susundin mo kapalit ay makikita mo ang anak mo.” “S-sabihin mo lang. S-susundin ko.” walang pagdalawang isip niyang tugon. “Good, then let’s start,” isang marahas na pagbuga ng hangin ang ginawa ng lalaki. “Go back to bed and change your clothes. Suotin mo ang damit na nakapatong sa bedside table.” Agad na sinunod niya ang utos ng lalaki. Wala na siyang pakialam pa sa sarili niya. Ang anak niya ang mahalaga ngayon. Agad na kinuha niya ang damit na sinasabi nito. Napaawang ang kanyang mga labi ng makita ang damit. Hindi iyon matatawag na damit. Mas tamang sabihin na underwear iyon. It was a pair of red intimate underwear. Maliit na mga saplot na saktong matakpan lamang ang maselan na bahagi ng katawan niya. Napalunok siya ng mariin. Ang puso niya ay tila sumisipa na sa pagtibok sa loob ng dibdib niya. “What are you waiting for?” untag ng lalaki sa kanya. Napapitlag siya. Ayaw man niyang suotin iyon ngunit wala na siyang ibang choice. Kailangan na makita niya ang anak niya at masiguro na ligtas ito. Iniisip niya na baka umiiyak ito ngayon habang panay ang tawag sa kanya. Agad na humakbang siya tungo sa banyo upang magbihis. “Where are you going?” muli ay namayani ang baritono na tinig ng lalaki sa loob ng silid. Natigil siya sa paghakbang at mariin na napalunok. “Sa banyo. M-magbibihis.” “Nope. Hindi ka sa banyo magbibihis. Dito ka magbibihis. Dito mismo sa harap ko. Come closer to the edge of the bed and change your fvcking clothes, Babe.” Wala siyang nagawa kundi ang sundin ito. Marahan na hinubad niya isa’t-isa ang mga saplot sa harap nito. Nanginginig ang mga kamay na ginawa niya iyon kasabay ng paggapang ng lamig sa buo niyang katawan. “Oh, fvck!” Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang pagmumura ng lalaki kasabay ng marahas na pagsinghap nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD