My girl Friday.
Chapter 2
#foryoureyesonly.
#BossXerxes.
Nandito ako sa office ko.
Siguro nagtataka kayo kung sino ako?
Kilala nyo ako.
Pero di nyo kilala ang totoong ako.
Maging ang mga kaibigan ko ay walang alam sa pagiging gangster ko.
May pasugalan ako..
May club ako.
Club na puno ng mga babae.
Kung malalaman lang nila ang mga lihim ko malamang di na nila ako ituturing na kaibigan.
Pero anong magagawa ko.
Ito ako eh.
Ito ang sekretong yaman ng pamilya ko.
Ang daddy ko ang nagpamana nito sa akin.
"Boss X andiyan na po ang mga bisita natin."
"Sige ipaaliw sa mga babae."
"YEs boss."
Nakakapagod din ang buhay nato feeling ko ang sama sama ko...
Pero wala akong karapatang mamili ng buhay dahil simula pa lang ito na ang buhay na pinamulat sa akin ng Daddy ko.
"Boss hinahanap na po kayo ng mga guest natin."
"Naserve na ba ang mga babae?"
"Kanina pa po boss. Nasa vip room na po lahat ng mga bigating guest natin."
"Mabuti. Sige pupunta na ako."tumayo na ako,para lumabas ng biglang may naalala ako." yong babaeng dala ni Virgo ipasok nyo yon sa room ko,doon lang siya hanggat diko sinasabi na pwede na siyang lumabas."
Sumalute pa ang tauhan ko na kausap ko.
"Yes boss!"
"Sige.."Saka lumabas na ako para puntahan ang mga bigating customer ng Club X.
"Ang galing ng live show mo X. Nag-eenjoy kami,busog na busog ang mga mata namin. Pwede bang magtake-out ng dalawang babae?"sabi ng isa sa mga guest ko,isa itong maimpluwensyang Politiko.
Sa totoo lang naiinis ako sa mga pagmumukha nila ang mamanyak may asawat anak naman.
"Alam nyo naman ang rules ko. Strictly no take out. Pwede kang manood pero bawal hawakan."matigas na wika ko.Yon yong isa sa pinaka-rules ko dito sa Club!
"Ganon ba? Pinasasakit ng mga babae mo dito ang puson ko."Manyak na turan nito.
"I'm sorry,Mr. Sanyos pero ganon ang kalakaran ng negosyo ko.,"
"Ang sarap nila X ipahiram mo sila sa akin. Handa akong magbayad kahit ilang milyon name your price X."makulit talaga ang isang ito,palibhasa isang corrupt na opisyal.
Biglang nag-init ang ulo ko.
Napatayo ako sa kina-uupuan ko at agad kung hinila ang manggas ng suot niyang coat. Wala akong pakialam kong sino pa siya,ayaw na ayaw ko sa mga taong hindi sumusunod sa mga rules ko!Alam ko nagulat siya sa ginawa ko.
Pero asar talaga ako sa mga taong di nakakaintindi ng patakaran ko.
" Sinabi ko na bawal gamitin ang mga babae ko dito. Kaya for your eyes only ang pangalan ng Club ko diba!!"galit na wika ko. Kaya ayaw kong nasasagad ang pasensya ko kahit sino pa yan,wala akong pakialam.
Kitang-kita ko ang pagtaas baba ng lalamunan niya.
Halatang hindi siya makapaniwala na nagawa ko yon sa kanya.
Ganon ako kapag matigas ang ulo.
Umiinit ang ulo ko at nawawala ako sa kontrol.
"Fine,sorry X,nakakatakam lang talaga sila."ramdam ko ang pagpiyok ng boses niya. Mabuti naman,dahil wala talaga akong sinasanto maging sino pa man yan.
"Then maghanap ka ng ibang club,na nagpapagamit ang mga babae wag dito sa club ko. Dahil for your eyes only lang sila."
"Oo na wag ka ng magalit,X. Hindi na mauulit pa."mapagkumbabang wika nito.
Tuluyan na akong tumayo at lumabas sa vip room na yon.
Kaasar..
Bwesit.
Bat ba ang daming ganong klaseng tao sa mundo,sarap isaha-isahin!
"Relax lang Boss X."sabi sa akin ni Zandro assistant ko.
"Paalisin mo na ang lalaking yon ngayon din at wag ng hayaang makapasok dito ulit. Iblacklist mo na siya. Ayoko ng makita pa ang pagmumukha ng manyak na yon!"
"Huh? Pero malaki magbayad yon para sa mga liveshows ng mga babae natin."halata sa boses niya na hindi siya sang-ayon sa sinabi ko.
"Wala akong pakialam kung malaki siyang magbayad,ayaw ko sa taong yon. Masyadong bastos. My rule is my rule. So ngayon pa lang ilagay na yon sa blacklist."final na ang desisyon ko. Baka kapag naulit pa yon di na ako makapagpigil at makagawa ako ng di maganda sa taong yon.
Hindi na nakasagot pa si Zandro,wala na din naman siyang magagawa ako ang Boss kaya ako ang masusunod ang di sumunod mamatay.
Napatiim bagang ako.
Tama masama ako,nagiging normal lang ako kapag kasama ko ang mga kaibigan ko,kapag kasama ko sina Phaton,Ethan,Xyrll,Zain at Claude.
Sa kanila ko lang nararamdaman na mabuti akong tao na hindi ako salot sa lipunang ginagalawan ko.
Shit!
Bakit ba hinayaan kong maging ganito ang buhay ko.
Ito ang pinakatago-tagong lihim ko.
Ang sekreto ng pagkatao ko.
"Boss X,nasa silid nyo na po si Yleenna."magalang na wika ni Amber.
Tumango lang ako.
"Sige na ako ng bahala sa kanya."wala sa mood na wika ko,hanggang ngayon mainit pa rin ang ulo ko!
"Sige po Boss babalik na po ako sa trabaho."
Hindi ko na siya sinagot.
Naalala ko ang babaeng dinala sa akin ni Virgo kanina bilang paunang bayad sa mga utang niya sa akin!
Ah ang babaeng yon.
Napakainosente.
Hindi siya dapat nandito.
Agad akong tumayo mula sa pagkaka-upo ko,at nagmamadaling lumabas para puntahan siya!
#Yleenna.
Takot na takot ako.
Nang hinatid ako dito ni Amber naiiyak na talaga ako.
Ano ba kasing ginagawa ko dito.
Ano ba kasing mangyayari sa akin.
Bakit ba kasi ako napasok sa ganitong uri ng sitwasyon.
Nasaan ka na Virgo!
"WAg mong sayangin ang luha mo,babae!"malamig na boses mula sa likuran ko ang aking narinig.
Bigla ang pagsalakay ng di maipaliwanag na kaba sa buong sistema ko.
Nanghihina ako.
Wala akong lakas ng loob na harapin siya.
Ayoko.
Natatakot ako.
"Humarap ka sa akin!"utos niya.
Napailing ako.
Bukod sa nahihiya ako sa ayos ko.
Natatakot ako sa kanya.
"Humarap ka sa akin!"mariing ulit niya sa kanyang sinabi .
Pero hindi ako nakinig kaya nilapitan niya ako at malakas na hinila para makaharap sa kanya.
Napaigik ako sa sakit dahil sa paghila niya sa akin.
Halos matunaw ako sa uri ng tingin na pinukol niya.
Tinakpan ko ang dibdib ko.
Paano nakasuot lang ako ng ternong bra at panties.
Kinuha niya ang kamay ko,na nakatabing sa dibdib ko.
"bakit mo ba tinatakpan yan ha?"malamig na komento nito.
"Nakakahiya po,Sir."mailap na sagot ko. Gusto kong yumuko para di niya makita ang mukha ko,kaso hawak niya ang mukha ko.
"Nahihiya ka?"hindi ko alam kong pang-aasar yong nahimigan ko sa boses niya o pamilolosopo.
Pero alin man sa dalawang yon.
Tumango na lang ako.
Feeling ko nga nagblush ako..
"WAg nyo po akong tingnan na parang hinuhubaran nyo ako,kasi konti na lang ang kulang at nakahubad na talaga ako."mahinang wika ko. Sapat lang para marinig niya.
"Wala kang dapat ikahiya sanay na sanay na akong makakita ng babaeng hubad. At wala kang pinagkaiba sa kanila"
Tama siya.
Halos nakahubad na ang mga babae dito.
"Hindi ako sanay na nakaganito lang Sir."yon naman talaga ang totoo. Never kong naisip na darating ako sa puntong magbibihis ako ng ganito sa harap ng isang diko kilalang tao!
"Manang ka nga pala."
"Po?" Tinutukso niya akong Manang?
Grrrrr. Sa ganda kung to?
Napayuko na lang ako.
Ayoko ng makipagtalo sa kanya baka anong gawin niya sa akin.
Nakakatakot kasi siya.
"Natatakot ka ba sa akin?"
Ano daw?
Anong isasagot ko?
"A-ano po ka-kasi Sir."nagstammer na wika ko. Hindi ko alam kong nanginginig ba ako dahil sa ginaw ng aircon o dahil sa takot ko sa lalaking kaharap ko ngayon.
"Ano?!"malakas na sigaw niya na nagpaiktad sa akin mula sa aking kinatatayuan.
"medyo po."
"So natatakot ka nga sa akin?"tanong niya ulit.
"Nakakatakot naman po talaga kayo sir."lakas loob na wika ko.
Bahala na.
"Mabuti naman kung ganon. Dapat nga na matakot ka sa akin. Hindi mo pa alam ang mga kaya kung gawin sayo. Lalong-lalo na doon sa kapatid mong sira-ulo!"
"Hindi sira-ulo si Virgo!"pagtatanggol ko kay Virgo.
"Sira-ulo siya,nalulong na siya sa bisyo. Walang matinong tao ang ipangbayad ang kapatid niya sa kanyang mga utang. Kunsabagay hindi ka nga naman niya tunay na kapatid."nang-uuyam na wika niya sa akin." bakit ka nga pala pumayag sa gusto ng stepbrother mo?"nangangalit ang bagang na wika nito.
Napalunok ako may kakaibang galit ako na nakikita sa mga mata niya.
Hindi ko alam kung para saan.
"Kapatid ko siya. Itinuring ko siyang tunay na kapatid hindi man kami magkadugo. Pero kapatid ko siya."alam ko paulit-ulit na ako pero wala na akong ibang maisip na sasabihin,mahal ko si Virgo bilang kapatid. Mula ng maulila kami siya na ang kasama ko.
Ngumisi siya ng mapakla."Kapatid nga siguro ang turing niya sayo,dahil dinala ka niya sa lugar kung saan mapapahamak ka."nakangising asar niya sa akin.
Alam ko nang-uuyam lang siya.
Tama naman siya wala namang matinong kapatid ang ipapasok ang kapatid sa isang napakadelikadong sitwasyong gaya nito.
Pero wala na akong magawa magsisi man ako,nandito na ako.
At kaharap ko pa ngayon ang isang napakadelikadong tao..
????