Chapter 3 (Scared)

1793 Words
My Girl Friday. chapter 3 #scared. #yleenna. Nakayuko ako habang nakatayo pa rin sa harap ni Boss X. Hanggang ngayon diko pa pala alam ang pangalan niya. Tanging boss X lang ang naririnig kong tawag sa kanya ng mga tauhan niya dito. "Sir X."mahinang tawag ko sa kanya. Sa sobrang hina baka nga di niya ako narinig. "Bakit!?"malakas na sagot niya. Nagulat ako sa sobrang lakas ng boses niya. Halos di na ako makahinga sa sobrang kaba. Isa lang ang nasisiguro ko,nanginginig na ako sa takot sa kanya. Mas lalo akong napayuko dala ng matinding takot ko sa kanya. "Ano!? Anong kailangan mo? Magsalita ka!" "P-pwede na po ba akong magbihis ng disenteng damit. Nilalamig na po ako."nanginginig ang mga labing wika ko. Pakiramdam ko hihimatayin na ako dala ng matinding takot ko sa taong kaharap ko ngayon. "Disenteng damit? Pero alam mo naman siguro na wala ka sa disenteng lugar,diba?"nakakatakot ang mukha niya. Kung tutuusin di naman talaga nakakatakot yong mukha niya. In fact,napagwapo nito,meron siyang singkit na mga mata na may medyo makapal na kilay,katamtaman lang din ang jawline niya. At may kissable lips siya. Teka kaharap ko ngayon ang isang napakadelikadong tao tapos ito yong mga pumapasok sa isip ko. Umayos ka Yleena,nasa panganib ka! Napahiya naman ako sa sinabi niya. Tama siya nasa isang Club ako. "Halika."saka walang kaabog-abog niya akong hinila papunta sa glass na dingding na naroon. Glass ang dingding? Napakunot ang noo ko,kanina pa ako dito pero diko napansin na Glass yong dingding . Sa sobrang pag-alala ko sa kalagayan ko kanina di ko na nakuhang pag-aralan ang paligid na kinaroroonan ko!Napansin niya yata na mas lalo akong nailang ng malaman ko na glass yong dingding. Pano na lang kung nakita ako ng mga tao mula sa labas,sa ganitong ayos? Lulubog na ata ako dala ng matinding kahihiyan! "Wag kang mag-alala tayo lang ang nakakakita sa mga tao sa labas pero di tayo nakikita dito sa loob. "malamig na wika niya. Saka lang ako nakahinga ng maluwag,ng marinig ang sinabi niya. Mabuti na lang di ako nakikita dito sa loob kung hindi,ah basta nakakahiya talaga tong ayos ko! "So balik tayo sa disenteng damit. Tingnan mo nga ang mga babae sa paligid may nakita ka bang nakadamit?" Nilibot ko ang tingin sa buong paligid. Ang daming babae,pero wala ni isa ang naka damit. Kadalasan naka bra at panty lang. Yong iba naman alam kong nakahubad na pero magaling ang pagtira ng body paint sa kanilang katawan. Anong klaseng lugar ba to. Bakit ganito dito? Wala akong makapang salita para ilabas ang saloobin ko! Kinain din ng takot ang sistema ko,baka anong gawin niya sa akin kapag patuloy ko siyang kinukulit.. "Ano?!"dumadagundong na naman ang boses nito. Sa muli napaiktad na naman ako dala ng matinding gulat. Bat ba kasi ang hilig niyang manigaw,di naman ako bingi! Hay nako,ang tanga-tanga ko talaga! Yong mga babae na nakikita ko sa labas mukha naman silang masaya and contented sa ginagawa nila,parang wala lang sa kanila na halos nakahubad na sila sa harap ng ibang tao. Samantalang ako pakiramdam ko para na akong ninakawan ng dignidad dahil sa ayos ko sa harap ni Boss X. "SoRry,hindi ko naman alam na hindi uso ang damit sa lugar na ito."mapagkumbabang wika ko. Grabe naman tong si Boss X,napa-ungetlemen,kasi naman ee dapat di ganito ang ayos naming mga babae dito,! Kitang-kita kong napakamot siya sa batok niya. Halata din ang pagkairita sa mukha niya. "So magdadamit ka pa ba? Ma-out of place ka lang pag-nagkataon,manang." Ayan na naman siya sa pagtawag sa akin ng manang pasalamat siya malaki ang utang namin sa kanya kung hindi kanina ko pa siya sinapak. Nakakagigil siya. "Hindi ako manang sir X,sadyang conservative lang akong tao!"nanggigil na talaga ako sa kanya sa totoo lang. "Galit ka?"iritadong tanong niya. Yong mata niya mas lalong naningkit dala ng matinding inis. "Po? Ako galit nako naman sir hindi po noh,ano naman pong karapatan kong magalit."kabadong wika ko.. Nakakatakot talaga siya,kahit sobrang amo ng mukha niya. Napangiti siya sa sinabi ko. Masyado ba akong halatang natatakot sa kanya. Grrrr. Pinaglalaruan ako ng lalaking to. Ilang sandali pa ay sinuri na naman niya ako mula ulo hanggang paa. "Paano kaya kita mapagkikitaan.. Marunong ka bang sumayaw?"maya-maya pay wika niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Napailing ako. No way hindi ako sasayaw. Mamatay na muna ako. "Talaga? Di ka marunong sumayaw?"halata sa boses niyang di siya naniniwala sa sinabi ko. "Hindi po talaga ako marunong sumayaw sir,pareho pong kaliwa ang paa ko." Ganon na lang ang gulat ko ng tumawa siya ng malakas. Hmmmp. Parang villian,nakakatakot. Ano namang nakakatawa don sa sinabi ko. "Nakakatawa ka alam mo ba?"halos hindi na siya makahinga sa kakatawa. "Tama na sir wag mo na akong pagtawanan."nayayamot na talaga ako sa kanya,kaso wala din akong lakas ng loob para labanan siya. Baka di na ako maabutan ng sikat ng araw pagnagkataon! "Nakakatawa ka naman talaga." "nakakatawa pala ang di marunong sumayaw." "Fine may naisip na ako," Kinabahan ako sa naisip niya ano naman kaya yon. "Bagay na bagay ka don sa naisip ko." Kinabahan man ay lakas loob akong nagtanong sa kanya. Ano naman kaya ang plano niya! "Ano po yon Sir X. Ano pong gagawin nyo sa akin?" "Gagawin na lang kitang girl friday ko." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Girl friday ano naman kaya yon? Pambihira daming alam ng lalaking to! "Ano pong ibig sabihin non sir?" "Wala ka talagang alam." "Kaya nga po nagtatanong ako."hindi ko napigilang sagutin siya. "Lumalaban ka na?" "Hindi po sir X patawad po." "Ikaw na ngayon ang girl friday ko. Ibig sabihin gagawin mo lahat ang ipag-uutos ko." Kinabahan ako sa sinabi niya. Ano ba kasing ibig sabihin ng Girl Friday na yan? Katulong ba? Ai hindi slave ata? Ah ewan! Bahala na nga si Batman. "As in lahat Sir?" "Oo lahat,lahat. At wala kang karapatang tumanggi." Nanlamig yata ang buong katawan ko sa sinabi niya. Natatakot na talaga ako sa mga nangyayari sa akin ngayon. Ano ba tong napasukan ko. "O bat namumutla ka?" Kitang-kita niya siguro ang takot na unti-unting bumadha sa mukha ko. Sino naman kayang di matatakot aber? Gagawin niya akong isang Girl Friday. Na sa pagkakaintindi ko isang alipin,isang utusan! Isang babaeng dapat handang gawin ang lahat ng gusto ng amo niya. Ang ikinatakot ko baka kung ano-anong mga bagay ang ipagawa niya sa akin na labag sa kagustuhan ko. "Naririnig mo ba ako?"malakas na naman niyang wika. Na ikinagulat ko. Bat ba kasi siya sigaw ng sigaw. Eh kaming dalawa lang naman ang nag-uusap. Kainis talaga siya. "Excuse me lang po Sir,bakit po ba kayo sigaw ng sigaw? Tayong dalawa lang naman po ang nag-uusap at isa pa po di po ako bingi. Please lang po wag nyo po akong sigawan,"buong tapang na wika ko,hindi ko na kasi matiis mga pinaggagawa niya. Mamatay ako sa nerbiyos dahil sa kakasinghal ng lalaking to. "Huh!? This is ridicoluous,nangyayari ba talaga to? Nagrereklamo ka ba ha? Pwes wala kang karapatang magreklamo at mas lalong wala kang karapatang pangunahan ako. Ang gagawin mo lang ay sumunod ng sumunod sa utos ko. Nagkakaintindihan ba tayo?" Hindi na ako sumagot sa sinabi niya,paano beast mode na naman siya. Hay grabe hindi ako sanay na humarap sa ganitong uri ng tao. Kahit asar sa akin si Virgo at least hindi naman niya ako ganito tratuhin. "Mula ngayon,alipin na kita,gagawin mo ang lahat ng utos ko. Kapag hindi ka sumunod alam mo na ang mangyayari sayo." Anong mangyayari sa akin? Tsssk. Wala akong ideya sa pwedeng mangyari sa akin! "Anong gagawin mo sa akin?" Ngumisi siya sa akin ng nakakatakot. "Well cross the bridge when we get there. Subukan mo munang suwayin ang gusto ko para magkaalaman tayo" Kinilabutan na talaga ako sa mga pinagsasabi niya. Wala na siyang ibang ginawa kundi ang takutin ako at pagbantaan. "WAg kang magtapang-tapangan sa teritoryo ko,kung ayaw mong masaktan,sundin mo ang lahat ng utos ko,at mabubuhay ka. Subukan mo lang na suwayin ako o di kaya ay takasan,mamatay kayong dalawa ng kapatid mo. Lahat ng nagtangkang umalis o tumakas sa lugar na ito ng walang pahintulot mula sa akin ay namamatay. Pinapatay ko silang lahat. Kaya ikaw mag-isip-isip ka."duro niya sa akin,na mas lalong nagpatayo ng mga balahibo ko sa katawan. Ang harsh ng taong to. Ah,tama di pala to tao,isa pala itong halimaw! Halimaw na nagkatawang tao! Whew grabe talaga,ang tindi ng isang to. Mamatay tao pala siya o kung ano pa man ang tawag sa kanya. Basta isa lang ang alam ko nasa panganib ang buhay ko,hanggang nasa poder ako ng lalaking to! Kanina pa kami nag-uusap pero di ko pa siya natingnan ng maayos. Dahan-dahan kung inangat ang ulo ko at tumingin ako sa kanya. Hindi sinasadya na magtama ang mga mata naming dalawa! Nauna akong nagbaba ng tingin hindi ko kayang makita ang kakaibang tingin na pinukol niya sa akin. Puno ng kakaibang emosyon ang tingin niya,tingin na hindi ko maipaliwanag. "Sir X,totoo natatakot ako sa inyo pero alam ko,hindi mo ako sasaktan hanggat hindi ako sumusuway sa gusto mo. Wag po kayong mag-alala gagawin ko po ang lahat para di kayo magalit sa akin. Gusto ko pa pong mabuhay,marami pa akong pangarap na gustong tuparin." "Tama yan nga ang gawin mo,sundin mo lang ako malay mo,bigyan kita ng chance para makalaya." Dahil sa sinabi niya ay bigla akong natuwa may chance naman pala akong makalaya. Kahit na wala pang kasiguraduhan na tutupad siya sa sinabi niya ay masaya pa rin ako dahil sa tuwang naramdaman ko ay bigla ko siyang niyakap. Ganon na lang ang pagkapahiya ko ng marealize ang ginawa ko. "Lumayo ka sa akin!"walang emosyong wika niya. Dali-dali naman akong kumalas mula sa pagkakayap sa kanya. Shit,pahiyang-pahiya ako sa ginawa ko. Bakit ko ba kasi ginawa yon? "SoRry Sir X,promise di na po mauulit"kinakabang wika ko. Paano nakita kung biglang pagbagsik ng mukha niya. "Siguraduhin mo lang na di na mauulit ang paglapit mo sa akin. Kung ayaw mong masaktan." Nakayuko na lang ako. Takot na takot na talaga ako sa kanya. Sana lang dumating ang araw na makalaya na ako sa bangungot nato.. Sana..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD