My girl friday.
chapter 4
#rules.
#yleenna.
" Yleena,gising!"
Agad akong nagmulat ng mata ng marinig ko ang pagtawag ng kung sino man sa pangalan ko.
"Amber?"
Ngumiti siya sa akin.
"Gising ka na,kanina ka pa hinihintay ni Boss X."
"Si Boss X? Bakit? Anong oras na ba?"
"2am.. Huh nakatulog pala talaga ako."dali-dali akong tumayo mula sa pagkakahiga ko.Ayaw kong paghintayin si Boss X,nakakatakot kasi siya.
"Ok ka na ba?"halata ang pag-alala sa boses niya.
Tumango ako,kahit ang totoo di naman talaga ako Ok,pano naman ako magiging Ok,ee wala namang kasiguraduhan ang pamamalagi ko dito..
Pakiramdam ko nasa panganib ako palagi.
Napangiwi ako sabay hawak sa tiyan ko.
"Anong nangyari?"tanong niya ulit sa akin.
"Nagugutom na yata ako."nahihiyang wika ko,sabay yuko. Pano ba to.
"Nako lagot!"ramdam sa tono niya ang takot at pag-alala niya akin.
"Huh? Bakit? Baka may tirang pagkain nman kayo diyan. "
"ano kasi,may oras ang pagkain dito,yon ang rule number 1."nag-aalangang wika niya. Napakunot noo ako,wala kasi akong ideya sa sinasabi niya. Pambihira naman talaga,oo.
"Anong rule naman yon? Wala akong alam na rule."
Ano ba to?
Gutom na gutom na ako.
Hindi ako kumain buong araw kahapon.
Mamatay na ata ako sa gutom.
Pakiramdam ko hinang-hina na ako.
"Anong mangyayari kapag may sumuway sa rules?"di nakatiis na tanong ko.
"Pinaparusahan,pinapakain ng pagkarami-rami,yong tipong di mo talaga kayang ubusin. Kapag di mo naubos,tatlong araw kang di pakakainin."
Nanghina ako sa narinig.
Tatlong araw kang di pakakainin.
Buhay ka pa ba sa loob ng tatlong araw na walang kain?
Pambihira!
Anong klaseng tao ang kayang magpahirap ng iba.
Nakakalungkot naman.
Napakawalang puso talaga ng Boss X na yan!
"Ganon ba,sige lang ok lang ako. Titiisin ko na lang to."nawika ko nalang. Siguro naman aabot pa ako sa susunod na schedule ng pagkain nila dito. Sana nga aabot pa ako na di mahimatay sa sobrang gutom.
"Sigurado ka ba?"
Tumango lang ulit ako. Ayaw ko ng makaabala pa ng tao. Ayokong may ibang taong nadadamay dahil sa akin.
Pasasaan ba at mawawala din ito.
Lilipas din siguro tong gutom na nararamdaman ko ngayon.
Sana naman hindi ipinagbabawal ang pag-inom ng tubig,para kahit papano magkalaman naman tong sikmura ko.
Grabe na talaga to,dumaan naman kami ni Virgo sa hirap pero di ko pa naranasang di kumain.
"Halika ka na."aya niya sa akin.
Kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod.
Palabas na kami sa silid ng maalala ko ang ayos ko.
"Teka lang Amber!"nagdadalawang-isip na wika ko. Ano ba naman to.
"Ano?"nagtatakang tanong niya.
Hindi agad ako nakapagsalita.
Paano ko sasabihin na nahihiya akong dumaan sa harap ng maraming tao sa ganitong ayos.
Ito ang unang beses na lalabas akong nakaganito lang.
"Ano?"tanong niya ulit sa akin. Ng di man lang ako makapagsalita. Hindi ko na talaga alam kong makakasurvive ba akong buhay sa lugar na to!
"Paano ako lalabas na ganito ang suot ko.. Nakakahiya Amber. Hindi ko yata kakayaning maglakad sa labas na ganito lang ang suot."
"Ngayon pa lang magsanay ka na. Rule number 2. Walang uso ang damit dito."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
As in bawal ang magsuot ng damit.
Anong klaseng lugar ba to!
Grabe na talaga yong Boss X na yon,kung ano-ano na lang ang naiisip,bored ata ang lalaking yon sa buhay niya!
"WAg ka nang mag-inarte Yleenna,ikakapahamak mo yan. Kung gusto mong mabuhay ng matiwasay sa lugar na ito. Obey the rules. Tiyak hahaba ang tsansa mong mabuhay."payo niya sa akin.
Napalunok ako sa sinabi niya.
Tama,obey the rules.
Walang mangyayaring masama sa akin hanggat nakasunod ako sa mga gusto ng lalaking yon.
Titibayan ko na lang ang loob ko dito.
Nagpatuloy na siya sa paglalakad kaya sumunod na lang ako sa kanya.
Kung anuman ang kahihinatnan ko sa lugar na ito.
Isa lang ang dapat kung tatandaan.
Kailangan kung mabuhay.
Halos manayo ang balahibo ko ng dumaan kami sa gitna ng napakaraming lalaki.
Hindi ko alam kung nakatingin ba sila sa akin.
O guni-guni ko lang ang lahat.
Malamang naninibago lang ako kaya pakiramdam ko nakatingin lahat ng tao sa akin.
Conscious na concious ako sa ayos ko.
Pero hindi ako dapat magpaapekto.
Kailangan kung lumaban.
Kailangan kung mabuhay.
Kaya taas noo akong naglakad.
Binalewala ko ang mga tao sa paligid.
Wala ng mas mahalaga pa sa ngayon kundi ang buhay ko.
"Saan tayo pupunta Amber? Hindi ito ang daan papunta sa office ni Sir X ah."hindi na ako nakatiis kaya nagtanong na ako.
"Rule #3. Bawal ang makulit at matanong. Nasabi ko na ba sayo na may kaukulang parusa ang pagiging matanong mo."nanakot ba siya? Pero mukhang nagbibigay lang naman siya ng information about sa mga rules. Kaso ang daming alam ng lalaking yon. Bored ata talaga si Boss X sa buhay niya at kung ano-ano na lang ang mga naiisip na gawin.
Pati yon nasa rules din.
Hay sila na talaga.
Ang dami namang rules paano kung makalimutan ko ang iba doon eh di patay ako.
Kaya tumahimik na lang ako.
Mas mabuting manahimik na lang,para tumaas ang tsansa kong mabuhay!
"Nandito na tayo."
Napatingin na lang ako sa malaking pinto na nasa harap namin..
Shit nangangati na ang dila ko.
Gusto ko nang magtanong.
Hay nakakamatay naman kasi na rules yan..
"Alam ko gustong-gusto mo nang magtanong,"
Narinig kong wika niya.
Oo naman,kaso bawal magtanong kaya mananahimik na lang ako,baka pati ang masalita bawal din.
Hay buhay. Sana lang makayanan kong sundin ang mga patakaran sa lugar na to!
"pumasok ka na."
"Ako lang ang papasok?"s**t,diko talaga napigilan,hindi ko pa talaga kayang di magsalita!
Tumango lang siya sabay senyas na pumasok na ako.
"Bawal magtanong diba? Kaya para masagot ang mga katanungan diyan sa utak mo,pumasok ka na."
Nanginginig ang kamay ko habang dahan-dahang pinihit ang doorknob.
Pumikit muna ako.
Saka nagbilang ng hanggang tatlong beses,isa,dalawa,tatlo.
Ano naman kaya ang nasa likod ng pinto.
Nang mabuksan ko na ay huminga muna ako ng malalim.
Saka marahan akong pumasok.
Hindi ko inaasahan ang nabungaran ko,akala ko ano na. Halos mamatay na ako sa takot kanina,sa pag-aakalang death room na ang pupuntahan ko.
Mali pala ako.
Nakamamatay pala talaga ang sobrang pag-iisip ng kung ano-ano.
Pero in fairness,ang ganda.
Ang lawak ng garden,puno ng ibat-ibang klase ng mga bulaklak,may mga puno din na mas lalong nagpaganda sa lugar.
Ang daming bituin sa langit.
Akala ko di ko na makikita ang tanawing ito.
Ang lamig ng hangin na dumampi sa balat ko.
Ang ginaw naman.
"Maginaw ba?"
Muntik na akong mapatalon sa gulat. Nang marinig na may nagsalita sa may likuran ko.
Kaya ng makita ko na si X lang pala,napahawak ako sa dibdib ko.
Grabe lakas ng heartbeat ko..
Nagulat talaga ako sa biglang pagsulpot niya!
"Magugulatin ka pala."walang emosyong wika niya.
Napalunok na lang ako.
At hindi na sumagot.
Baka ano pa masabi ko na against sa rules.
Bat ang daming rules ng taong to.
"Hindi ka ba magtatanong kong anong lugar to?"
Magsasalita na sana ako ng bigla kong naalala ang sinabi ni Amber,bawal ang magtanong.
Baka plano niyang itrick ako.
No way.
Kaya tinikom ko muli ang bibig ko.
"So may alam ka na ba sa rules? Kaya ayaw mo ng magtanong?"
Tumango na lang ako.
"Mabuti naman,alam mo kasi pinakaayaw ko sa mga taong maiingay at curious sa lahat ng bagay. Kaya nabuo ang rules na yan."
Tumango ulit ako.
Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa.
Pero panandalian lang pala yon.
Dahil binasag ang katahimikan namin ng pagkalakas-lakas na tunog ng tiyan ko.
Shit.
Nakakahiya.
Paano naman kasi gutom na gutom na talaga ako.
"Ano yon?"
Bumaling muna ako sa ibang direksyon ayaw ko siyang makita na tinutukso ako.
"I'm sorry Boss X,nagugutom na kasi ako."
"So alam mo na rin ang rules tungkol sa schedule sa pagkain?"
Nahihiya akong tumango.
Magsasalita na naman ulit siya ng bigla na namang tumunog ang tiyan ko.
Shit.
Dalawang beses na akong pinapahiya nitong sikmura ko.
Grabe naman di na lang manahimik.
"Ah,Boss X baka naman po pwedeng uminom ng kahit tubig man lang. Siguro di na naman bawal uminom."
Mataman niya akong tinitigan.
Nag-iwas na lang ako ng tingin hindi ko na kaya,nahihiya na talaga ako.
"You can eat,"
"Ho??"hindi ako makapaniwala sa narinig,nabingi lang ata ako dala ng matinding gutom.
" I said pwede kang kumain."seryosong turan nito.
"Talaga!"di makapaniwalang wika ko. Legit kaya yong sinabi niyang pwede akong kumain,baka mamaya pinasasakay lang niya ako. Naks naman!
"Sumama ka sa akin."
Nauna na siyang naglakad kaya sumunod na lang ako.
Hay may bait naman pala siya.
Hindi ko napansin na bigla pala siyang huminto kaya nabangga ang noo ko sa malapad niyang likod.
"Aray."napadaing ako ng mabangga ang noo ko sa malapad niyang likod.
Galit siyang humarap sa akin."Watch your steps lady! O dahil sa gutom kaya naging dalawa na yang paningin mo?"
"Ho,sorry po Boss X."sabay himas ko sa aking noo.
"Ang tanga!"saka nagpatuloy na ito sa paglalakad.
Sumunod na lang din ulit ako sa kanya. Ng may pag-iingat,ayaw ko ng mabangga ulit sa malapad niyang likod.
"Ako na nga tong nasaktan,siya pa ang nagagalit. Haissst."bulong ko sa sarili ko. Habang himas-himas pa din ang noo ko.
"Hoy,! Anong binulong-bulong mo dyan!"
Napaiktad naman ako sa gulat ng bigla na naman siyang sumigaw.
Hay mamatay yata ako ng maaga sa lugar na to.
Mamatay sa sakit sa puso.
Napailing na lang ako.
Ayaw ko ng magsalita.
Baka magalit pa siya sa akin at biglang magbago ang isip niya.
Baka hindi na niya ako pakainin.
"Were here!"
Naputol naman ang pagmuni-muni ko ng marinig ang sinabi niya.
Nandito na kami.
Sa wakas makakain na din ako.
X Secret Resto,sabi sa karatula.
Pati Resto secret pa din.
Ang hiwaga naman ng isang ito.
Ang daming sekreto.
Hindi ba siya natatakot na balang araw isa-isang maglabasan ang mga sekreto niya.
Hay bahala na nga siya sa buhay niya. Ang mahalaga maka-kakain na din ako.
Nauna na siyang pumasok.
Kaya sumunod na lang din ako.
Yah right,
Walang crew sa resto ang nagsusuot ng damit.
Hay nako.
Pati mga lalaki.
Hmmmm abs yumminness.
Busog na ata ako,panay ang lingon ko sa paligid na parang batang ngayon lang nakapasyal sa park,kaso hindi mga laruan ang nandito kundi mga lalaking may naggandahang katawan.
Ewws,may innocent eyes.
First time kong makakita ng mga lalaking nakahubad sa personal hanggang Tv at magazine lang ako.
Whoooa.
Grabe,ang sasarap nila.
Este ang fifit ng katawan nila.
"Welcome po Boss X."narinig kong bati ng nga crew na nandoon sabay yukod ng mga crew na madaanan namin.
Wait teka paano ako? Kailangan ko din bang yumukod..
Akmang yuyukod na ako ng marinig ko siyang magsalita."Dont you dare vow!"para akong nanigas sa sinabi niya.
So di ako kasali.
Sa magbibigay pugay sa mahal na hari,ganon!
Ee di mabuti,ayaw ko naman talagang magvow sa kanya.
"Sit!"utos niya sa akin na parang aso.
Hoy tao ako.
Hindi ako aso!
Kainis.
Tahimik na lang akong umupo at di umimik..
"Ako ng pipili ng pagkain mo."
"Okey Boss X."masusunod ang gusto nyo kamahalan! Basta makakain lang ako okey na ako doon.
He just snap his fingers at nagkakandarapa ng nagsilapit ang mga crew doon.
Wow so powerful.
Paano nakakatakot naman talaga siya.
May sinabi siya sa mga ito.
Pero di ko maintindihan kaya nanahimik na lang ang beauty ko.
Ilang minuto pa ay nasa harap ko na ang pagkasarap-sarap na mga pagkain.
Napalunok ako sabay tingin sa kanya.
Wow mas lalo akong nagutom ng maamoy palang ang pagkaing nakahain sa harap ko.
"Pwede na po ba akong kumain Boss X? "hinging permiso ko sa kanya.
Tumango siya."Go,on. Enjoy your food"
Yes ang saya ko sa wakas magkakalaman na din ang tiyan ko.
Ngumiti ako sa kanya.
Pero kataka-taka ang reaksiyon niya.
"Kailangan mong ubusin ang lahat ng yan. Kung hindi,alam mo na ang naghihintay sayo."
Punishment!
Tiningnan ko ang mga pagkain na nakahain mabuti naman konti lang.
Kaya ko tong ubusin, sa gutom kung to.
No need to worry.
??