chapter5(Foodtrip)

1749 Words
My girl Friday. Chapter5 #foodtrip. Yleenna. Tumingin muna ako sa mukha ni Boss X bago dahan-dahang nilapit ang pinggan. Kailangan ko pa ding maging pino sa mga kilos ko kahit pa takam na takam na ako sa mga nakahandang pagkain. "Bilisan mo ng kumain I will just give you 30minutes to finish your meal."walang reaksiyong wika niya. Napatingin ako sa mga pagkaing nakahain,nasa apat na putahe,hindi ko lang alam ang pangalan ng mga pagkaing nakahain sa harap ko. Isa lang ang masasabi ko mukhang napakasarap nila. Mukhang madali ko lang tong mauubos,sa gutom na ako ee. "Okay Boss X,ayaw mo po ba akong sabayang kumain?"aya ko sa kanya nakakahiya din naman kasing kumain mag-isa. "May I remind you,na ako ang boss dito. Saan ka ba nakakakita ng Boss na sumasalo sa pagkain sa isang utusan. Alam ko merong mangilan-ngilan but count me out,hindi ako isa sa kanila. Hindi ako makamasa. Kaya bilisan mo ng kumain diyan bago ka pa maubusan ng oras." Hmmm,ang strikto. Ang suplado. Ang bossy.. Ang sama ng ugali niya. Inaya lang naman siyang kumain. Pwede naman siyang tumanggi ng maayos. Ang sama niya. Kainis. Bahala na nga siya.. Para inaya lang kumain ang dami pang satsat. Hindi ko na lang siya pinansin na nakaupo sa harap ko. Bahala na nga siyang maglaway. Ang sasarap nila. Pinakiramdaman ko muna ang temperatura ng pagkain. Hindi na mainit. Mabuti naman,gutom na talaga ako. Agad kung binilisan ang pagsubo. Para lang maiyak at maubo. Shit! Anong klaseng pagkain to? Pagkain ba to? Oh no,hindi ito nangyayari sa akin. Sana na lang pala tiniis ko na lang ang gutom ko. Sana hindi na lang ako kumain. Ang daming sana,kaso huli na,para magsisi. "O,anong nangyari sayo,? Akala ko ba gutom ka?"prenteng wika niya sa akin. Shit alam ko nagpipigil lang siyang wag matawa. Grabe. Naiiyak na talaga ako. Tubig. Tubig. Kailangan ko ng tubig. Akmang kukunin ko ang lalagyan ng tubig na nasa harap ni Boss X ng bigla niya itong iniwas. "No,no,not yet. Isang subo pa lang ang nakain mo,akala ko ba gutom ka? Bawal ang diet dito."itinaas niya ang kamay niya na may hawak ng tubig. Ang sama niya. Ang sama-sama niya. Talaga palang nag-eexist ang masasamang taong kagaya niya. Isa siyang buhay na patunay na talagang nag-eexist ang halimaw! "Kain ka pa,tumatakbo ang oras."parang wala lang dito ang ginawa niya. Napailing ako. No way mamatay yata ako ng dahil sa pagkain na yan. Hindi pa naman ako sanay na kumain ng maanghang. At ang pagkain na nasa harap ko ay napaka-anghang ilang libong sili kaya ang nilagay diyan. My Ghad anong gagawin ko? Paano ko to uubusin? Ang sarap niyang upakan,pakiramdam ko umuusok na ang tainga ko. Wala ba talaga sa bokabolaryo niya ang salitang awa? "May option ka?"parang halimaw na ang tingin ko ngayon kay Boss X. "Ano?"walang choice na tanong ko,sana naman,talagang may option nga ako. Sana di niya lang ako basta pinagtritripan. "Choose one food,at yon ang dapat mong ubusin.." Napalunok ako.Saka napatingin sa apat na klase ng pagkain na nakahain sa harap ko,kung titingnan mo di mo talaga aakalain na pagka-anghang-anghang ng mga pagkaing yan. Hindi pa naman ako fan ng spicy foods. Takot ako sa sili. O sa kahit anong maanghang na pagkain. Kaya yong option na inooffer niya mukhang di din ako mananalo diyan. Kahit yata kalahati diko kakayaning ubusin. "May hint ako."wika na naman niya. Hindi ba siya mauubusan ng pakulo! Bored ata talaga ang lalaking to! "Ano?"mahinang wika ko. Pakiramdam ko hindi na ako makakaahon sa sitwasyong to! He smiled at me wickedly. Villian na villian talaga ang dating niya. Kulang na lang talaga tubuan siya ng sungay at buntot! "May isang pagkain dyan na hindi maanghang." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Shit may apat na putahe sa harap ko,natikman ko na ang isa bali tatlo na lang. Takte naman o,alin sa kanilang tatlo ang di maanghang.. Grabeng foodtrip to. "Choose wisely,"nakangiting wika niya. Ang saya-saya niya. Ang saya niya lang kahit alam niyang nakapanakit na siya ng tao. Napailing na lang ako,grabe na talaga to. Halimaw talaga ang lalaking to! Focus lang Yleena,bulong ko sa sarili ko. Pero ang hirap talaga. Walang palatandaan na may pampaanghang silang nilagay. Kung titingnan mo ang pagkain napakasarap at normal lang naman. Yon pala napakaanghang to the next level! "Wala pa ba?"naiinip na tanong nito. Bahala na. Bahala na. Bahala na si Batman. Hay grabeng laban to. "Yon! Yong mukhang adobo na ewan."turo ko sa isang pagkain na nasa malapit sa kanya. He mockingly smiled at me."Is that your final pick?" Shit paano kung yon ang maanghang. Kinabahan na talaga ako. Parang laro between life and death. "Pwedeng gumamit ng lifeline?"parang baliw na wika ko. "Another hint." Bwesit na hint yan. Naasar na talaga ako. Bakit ba ang dami niyang alam! Grrrrrr! "Iba-iba ang level ng mga pagkain na nasa harap mo. May mas maanghang pa sa kinain mo kanina,may slight lang,may halos wala ka ng maramdamang anghang. So I say choose wisely." Arrrrgh! Naman,wala bang ibang paraan! Ayoko na! "Ang daya mo."naiinis na wika ko. "Talaga madaya ako?" "Bukod sa madaya ka,masama ka pa walang kasing sama. Sana hindi mo na lang ako pinakain kung pati sa pagkain ay pagtritripan mo ako.. Sana hinayaan mo na lang akong mamatay sa ulcer."galit na galit na wika ko. Bahala na hindi ko na talaga kaya ang kalokohan ng taong to. Hindi ko masakyan ang trip niya. "Bakit mo pa sinasabi sa akin yan? Eh matagal ko ng alam ang mga bagay na yan. Actually hindi ko na mabilang. Alam mo yong wala na yong epekto sa akin. Kaya nagsasayang ka lang ng laway. Ang mabuti pa kaysa magdrama ka dyan,kilatisin mo na lang kung anong pagkain diyan ang di masyadong maanghang."malamig na wika niya. Alam ko may bahid siya ng galit pero kinontrol niya lang. Napayuko na lang ako. Naiiyak na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Buong buhay ko hindi ko pa nasubukang kumain ng maanghang. Takot talaga ako sa mga spicy foods! "Parusahan mo na lang ako."nakayukong wika ko. Kung diko man din kakayanin ang parusa niya. I guess hanggang dito na lang talaga ang buhay ko. Grabe mamatay akong virgin. Ang bata ko pa,22 lang ako. Wala pa akong masyadong nagawang achievement sa buhay ko. Nakakalungkot naman. Pero ayaw ko ng lumaban sa laban na alam kung wala akong panalo. Anong malay ko maanghang yan lahat. Baka pinagtritripan niya lang ako. "Do you trust me?"dahil sa sinabi niyang yon napaangat ako ng tingin,hindi sinasadya na magtama ang paningin naming dalawa. Pero nauna siyang nag-iwas ng tingin. "Wala akong tiwala sa taong kagaya mo."wala na,nasagot ko na talaga siya. Siguro naman di bawal ang sumagot,isa pa tinatanong niya naman ako kaya marapat lang na sumagot ako! Wala akong makitang kahit anong emosyon sa mukha niya. Huh,hindi din naman siya tinatablan ng sakit. Kasasabi niya lang kanina na wala lang sa kanya ang lahat ng mga masasakit na salitang ibinabato sa kanya. Bato na yata si Boss X.. "Fine! Then nagbago na ang isip ko,you need to eat all of that. Kung hindi mamatay ka."bigla ang pagbangis ng mukha niya. Ramdam ko ang galit sa bawat salitang binitawan niya. Ito na yon. Paalam world. Mamatay lang pala ako ng maaga sana pumayag na lang akong magpadiverginized sa ex boyfriend ko. Kahit hindi ko talaga alam ang ginagawa sa mga ganoon. Sana hindi ako mamatay na virgin ngayon. Napapikit ako ng mariin. Inaalala sa huling sandali ang masasayang nangyari sa buhay ko. "Nagdadasal ka ba?"nang-uuyam na wika niya. Walang hiya talaga ang lalaking to. Agad akong nagmulat ng mata at nagsalita. "Hindi ako nagdadasal,alam ko naman malakas ka kay S kaya wala na ding magawa ang angel dela guardia ko sa kasamaan mo. Naisip ko lang ayoko pa sanang mamatay na Virgin."napatakip ako sa bibig ko dahil sa huling sinabi ko. Naman ee. Ang clumsy ko din talaga. "Hahahahaa."ang lakas ng tawa niya. Sa sobrang tawa niya,nawala yata ang mata niya.. Pakialam ko sayo.. Sana mamatay ka dyan sa kakatawa. Letse pinagtatawan na naman niya ako. Nakarami na sa akin ang hudyong to. "Ayaw mamatay ng Virgin. Grabe kang babae ka. Uso pa ba ang virgin sa panahon ngayon? Asos,wag mo nga akong pinagloloko! Wala ng ganon ngayon,Yleenna!" What di siya naniniwala? Letse talaga! "Tumigil ka na po sa kakatawa Boss X baka bigla po kayong atakihin ng heart attack.. Dahil sa sobrang saya." "You're really funny,"sa wakas tumigil na din siya. Ang bipolar ng isang to! Kanina lang galit na galit na siya. Ngayon naman halos atakihin na sa kakatawa! "Patayin nyo na po ako Boss X."seryosong wika ko."Wala na din naman akong halaga,mahirap ako. Wala akong kahit anong maipagmamalaki,kundi ang virginity ko. Siguro nga nakadestined na mangyari to,"ang drama ko. May talent pala ako. Sana may future ako. Hahaha. "Hoy,di uubra sa akin yang paawa epek mo!" Ang sungit talaga nito. Luha,lumabas ka luha kailangan kita ngayon. Kailangan kung magmukhang kaawa-awa sa paningin ng halimaw na to. Pero duda ako don manhid yata talaga ang lalaking to. "Boss X sa inyong mga kamay ko na po iaalay ang aking buhay. Total kayo naman po ang nagmamay-ari sa akin ngayon. Kayo na pong bahala sa akin." Kitang-kita ko ang pagdilim ng mukha niya. O kitams,bipolar talaga! Hahahha. Buti nga sayo. "Hindi ako Diyos,para gamitan mo ng ganyang linya,Virgin," Ano? Tinawag niya akong virgin. Shit naloko na. "Boss X, Yleenna po ang pangalan ko." "I know pero mas gusto kitang tawaging Virgin , The virgin. Diba bagay naman sayo."nang-aasar na wika niya. Abat talagang ang hambog ng lalaking to. Umuusok na yata ang ilong ko sa inis. Nako kung hindi lang siya ang amo dito. Baka kanina ko pa siya nasapak. Pero hindi ko gagawin yon,baka hindi na ako abutan ng umagang kay ganda dito. Sige lang laitin,pagtawanan at pagtripan mo lang ako,makakaganti din ako sayo balang-araw. ????????
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD