chapter 6( Chores)

1254 Words
MyGIRLfriday. Chapter 6 #chores #yleenna. Ilang araw na ba akong nandito sa poder ni X,tatlo?apat? Isang linggo? Hay ewan. Pero isa lang ang alam ko. Ang buhay habang nandito sa lugar na ito,ay hindi payapa. Hindi ko alam kung anong trabaho ko dito. Dahil hindi naman ako kasama sa mga babaeng nagseserve,o di kaya sa mga babaeng performers.. Nasa isang tabi lang ako,at nanonood. Hindi ko din nakikita si X. Nasaan na kaya ang lalaking yon? Napahinga na lang ako ng malalim habang nakatingin sa mga nangyayari sa paligid. "Yleenna,natanggap na namin ang listahan ng trabaho mo." Napatingin ako sa nagsalita mula sa likod ko. Bahagya akong tumango si Zandro pala assistant ni Boss X. "Ano po yon,Sir?"magalang na wika ko. Ang pagiging mabait sa lugar na ito ang magiging susi para sa pagkakaroon ng mahabang buhay. "Ito,kailangan mong gawin ang lahat ng ito sa loob ng isang araw. Yan na ang official trabaho mo." Bahagya ko lang tiningnan ang listahan. Saka marahan akong tumango. "Salamat po Sir." "Sige maiwan na kita." Nang maiwan ako ay saka ko lang tiningnan ang listahan ng mga gagawin ko. 1.tagahugas ng pinggan. 2.tagalaba ng mga ginamit sa bar. 3.tagalinis. 4.tagadilig sa mga halaman sa garden. Ah ok madali lang naman pala ang mga inaatang sa akin na trabaho kayang-kaya ko ang lahat ng ito. Napangiti ako. Sana magampanan ko ng maayos ang mga trabahong to. .... Kinabukasan maaga pa lang ay gising na ako. Inuna kung puntahan ang kitchen kailangan kung maghugas ng pinggan. Papasok na ako sa kitchen,para gawin ang trabaho ko ng halos malaglag ang panga ko sa nakita. As in? Ganito karami,matatapos ko kaya to. Grabe naman pang isa linggo yata ang daming dapat hugasan at linisin. Nang tingnan ko ang paligid,grabe ang kalat. Grabe akala ko magiging madali lang ang lahat,hay akala ko lang pala yon. Kinuha ko ang apron na nasa lalagyan at isinuot ko. Napahinga na lang ako ng malalim habang isa-isang inayos ang mga nagkalat na mga hugasin. Kahit yata buong araw kukulangin sa dami ng kalat dito. Naikuyom ko na lang ang kamay ko,alam ko pinagtritripan na naman ako ng lalaking yon. Ang sama niya talaga. Grabe. Hindi niya ba talaga gagawing madali ang buhay ko dito. Hay nako naman. . Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nandito sa kitchen at naglilinis. Basta ang alam ko di pa ako nangangalahati. Busy ako sa aking ginagawa ng maramdaman kong parang may nakamasid sa akin kaya dahan-dahan akong lumingon para lang makita ang isang taong siyang dahilan ng lahat ng paghihirap ko. "Kumusta Virgin,?" Aba masaya yata si Boss X ngayon. Nakangiti ka pa talaga. O baka naman tuwang-tuwa lang siya sa nakitang ayos ko. Bahagya lang akong yumukod sa kanya,at nagapatuloy na sa aking ginagawa. Hindi ko ka siya pinansin o nag-abalang sumagot man lang. Ang busy ko kaya para makipagchikahan pa sa kanya. For sure,pagtritripan na naman niya ako. "Makinig ka Virgin kapag tinatanong kita matoto kang sumagot."may diin na sabi niya hindi ko man lang namalayan na nasa likuran ko na pala siya at halos gahibla na lang ang layo niya sa akin. Napapikit na lang ako dahil ramdam na ramdan ko ang init ng katawan niya. Dahil wala naman akong matinong suot na damit. As usual nakasanayan ko na ring bra at panty lang ang suot. Kaya siguro naramdaman ko ang init ng katawan niya. Bahagya akong yumuko,"Sorry Boss X,ok lang po ako."mahinang wika ko,kahit ang totoo labag sa loob ko ang sagutin siya. Atsaka di talaga ako ok. Masakit na ang katawan,pero wala akong balak na magreklamo. "Mabuti naman,ok lang ba ang lahat dito,ilang araw kasi akong nawala. Umaatend ako sa kasal ng kaibigan ko." This time,hindi na gahibla ang pagitan namin,as in wala na. Ramdam na ramdam ko na siya na nasa likuran ko. Ano ba kasing ginagawa niya sa akin. Hay kaloka ang lalaking to. Kaibigan? May kaibigan pala siya. Kasing sama rin kaya niya yong mga kaibigan niya. "Boss X baka pwede pong lumayo kayo kahit konti lang po,di po kasi ako makagalaw eh."hindi ako makagalaw ng maayos,pano nasa likuran ko kasi siya. "Paano kong ayoko." Dahil malapit siya sa akin. Tumama ang mainit niyang hininga sa batok ko. Napaiktad ako sa kakaibang sensasyong naramdaman ko. "Boss X,naman eh,"hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Bahala na nga siya. Kaya ang ginawa ko ay ako na lang ang umalis. Pinagpapawisan yata ako. Ano ba kasing ginagawa niya akala ko ba bawal ang lumapit sa kanya. Tama,bawal pag ako ang lumapit sa kanya pero pag siya ok lang. Kainis. Ang unfair talaga niya. "Iniiwasan mo ba ako,Virgin? Baka nakakalimutan mo kung ano kita?" Ayan na naman siya,ano ba talaga? Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Hindi pa nga ako nangangalahati sa ginagawa ko,tapos nanggugulo pa siya. "Boss,ang dami ko pa pong dapat tapusin please lang naman po wag kayong magulo."mahinahong wika ko. Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo niya. Hay,magagalit na naman siya? As usual,ano pa bang bago. "Fine,aalis na ako at di na kita guguluhin pa"nagdadabog na wika niya. Tumango lang ako sa kanya,saka bumalik na agad ako sa ginagawa ko. Masyado na akong abala para mag-aksaya pa ng oras,baka hindi ko na naman matapos sa tamang oras itong mga gawaing iniatang sa akin! Hindi ko na alam kong umalis na ba siya. Pero ganon na lang ang gulat ko ng maramdaman kung may mga kamay na biglang pumulupot sa beywang ko. Muntik ko ng mabitiwan ang pinggang hawak ko dahil sa gulat. "Boss?"halos lumuwa ang mata ko dala ng matinding gulat sa ginawa niya."Ano pong ginagawa nyo?" Hindi siya sumagot basta nakahawak lang siya sa beywang ko,gustuhin ko mang pumalag pero alam kong wala akong karapatang gawin yon.. "Diba bawal magtanong?Bakit ka nagtatanong?"malamig na wika niya sa may punong tainga ko. Napapikit na lang ako,dala na rin ng kakaibang sensasyon na aking naramdaman. Ang init ng hininga niya ay ramdam na ramdam ko. Magkadikit ang aming mga katawan. Bakit niya to ginagawa? Anong plano niya? Kinabahan ako sa mga ikinikilos niya. "Boss,kailangan ko na pong matapos to."mahinang bulong ko. "I will give you options," Option na naman? Ano na naman kaya? Ano na naman kayang pakulo ng lalaking to? Ang dami niyang option ha,infairness! "Anong option na naman yan Boss X?" "You have two choices,una magpapatuloy ka sa mahihirap mong gawain,pangalawa magbubuhay reyna ka,pero papayag ka sa lahat ng gusto kong gawin sayo," Ano? Huh? Shit, Teka lang naman ano naman ang nakain ng lalaking to at bigla may ganoong offer na naman siya.. Kung papayag ako sa gusto niya,magbubuhay reyna ako pero anong kapalit? Arrrrgh. Hindi ko alam kung anong kapalit ang gusto niya. Dapat ba akong pumayag? O hayaan ko na lang na gawin lahat ng mga gawain ko na obviously sinasadya akong pahirapan. Hindi pa rin nagbago ang posisyon namin. Hindi pa rin niya ako pinakakawalan. Kaya ang ending wala akong nagawa kong di ang magparaya sa kanya. Shit anong dapat kung gawin? Papayag ba ako sa options o offer niya? Pero baka anong mga kapalit ang hihingin niya. Hay ang lalaking to talaga ang lakas mantrip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD