Mygirlfriday
Chapter 7
#hide
#Yleenna
"Boss,bigyan nyo po ako ng oras."mahinang sagot ko sa tanong niya. Natatakot kasi ako sa mga hihingin niyang kapalit,hindi ako handa sa ganitong mga bagay.
Hindi siya sumagot pero ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya sa beywang ko.
"Boss di na po ako makahinga."
"Sandali lang to,"bulong niya sa may punong tainga ko.
Na naghahatid ng kakaibang init sa buong sistema ko.
Nakahinga ako ng maluwag ng marahan ng lumuwag ang hawak niya sa akin.
"Salamat Boss,pwede ko na po bang tapusin ang ginagawa ko. Baka mapagalitan mo na ako."paglihis ko usapan. Hindi talaga kasi ako komportable sa ayos naming dalawa.
"Pag-isipan mo Yleenna,kukunin ko ang sagot mo mamayang gabi."yon lang at iniwan na niya ako ng walang paalam.
Naiwan naman ako na nasa malalim na pag-iisip anong dapat kung gawin?
Haiissst.
Walang katapusang paghihirap to.
Ilang oras pa't patapos na ako,ang sakit na ng beywang at likod ko..
Hay salamat naman.
Sa wakas..
Hindi pa pala.
Maglalaba pa pala ako.
Nagmamadali na akong matapos ng biglang dumating si Amber,nagtaka ako sa kinikilos niya.
Mukhang wala ito sa sarili.
"Anong nangyari Amber?"
Saka lang siya tumingin sa akin at hinila ako sa isang tabi. Ang wierd ng kilos niya. Mas tamang sabihing mukhang balisa siya.
"Bakit anong nangyari?"tanong ko ulit sa kanya.
"Kailangan mong magtago sabi ni Boss X."halata ang panic sa boses niya.
"Magtago bakit?Ano ba kasing nangyayari?"nagtataka na talaga ako kay Amber. May nangyari ba sa labas na diko alam?
"Basta kailangan mong magtago. Kailangang di ka makita ni Boss Xander."
"Boss Xander sino naman yon?"nakakunot noong wika ko. Ano namang kinalaman ko don,pakialam ko ba kong makita ako ng Xander na yan! Bakit kailangan ko pang magtago!
"Kapatid siya ni Boss Xerxes."
"Xerxes pala ang buong pangalan ni Boss X,ganda naman ng pangalan niya.."out of topic na wika ko. Wala lang ang ganda kasi ng pangalan niya.
"Oo kaya pwede sumunod ka na lang sa akin."sabay hila niya sa akin ng malakas. Halos masubsob na ako sa lakas ng paghatak niya sa akin.
"Teka lang naman,Amber,dahan-dahan naman,"nakangiwing reklamo ko,ano ba kasing meron.
"Sorry,wag kang mag-alala ipapaliwanag ko sayo ang lahat kung bakit kailangan mong magtago."wika niya sa gitna ng pagmamadali naming maglakad kung saan man niya ako dadalhin.
Tumango pa rin ako kahit di niya nakikita.
Ano kayang nangyayari kinabahan tuloy ako.
Grabe,ang gulo na ng buhay ko magmula ng mapunta ako dito sa lugar ni Xerxes.
"Nandito na tayo."
"Anong lugar to?"palinga-linga ako sa paligid.Nasa isang room kami na parang mini-apartment,kompleto sa mga kagamitan,may maliit na sala,may maliit na kitchen,isang silid,at yong isang pinto ay mukhang comfort room.
"Nasa underground tayo. Secret hiding place to ni Boss X kapag ayaw niyang harapin ang kapatid niya."
"Bakit sino ba yon?"curious na tanong ko. Grabe ang suspense naman nitong si Amber.
"Nandito ang kapatid mong si Virgo kasama si Boss Xander."
"Nandito si Virgo? Bakit niya kasama ang kapatid ni Boss Xerxes?"
"Dahil gusto niyang kunin ka at ipambayad din kay Boss Xander."
Hindi ako makapaniwala sa narinig na sinabi ni Amber,for real,nakayang gawin ni Virgo sa akin yon. Napatanong tuloy ako sa sarili ko,itinuring ba talaga akong kapatid ni Virgo o isa lang ding bagay na pwedeng ipambayad kung kani-kanino.
Bakit,naging ganon si Virgo anong nangyari sa kanya?
Tama nga si Xerxes sira-ulo nga si Virgo.
"Nagkakagulo sila ngayon dahil ayaw kang ibigay ni Boss X sa kapatid niya. Kaya naisipan kung itago ka. Alam mo kasi mas safe ka dito. Kaysa doon sa poder ni Xander. Mas walang puso yon."
Napayuko na lang ako.
Bakit naging ganon si Virgo tuluyan na ba talaga siyang nalulong sa bisyo niya?
Kaya nawala na siya sa matinong pag-iisip?
Alam ko namang hindi kami close dati,pero diko talaga inasahan na gagawin niya sa akin to.
"Umupo ka muna. Relax ka lang hindi hahayaan ni Boss X na makuha ka ng kapatid niya "
"Sana nga,"ang lakas ng heartbeat ko,kinabahan ako sa mga pwedeng mangyari sa paghaharap ng magkapatid. Dahil sa akin nag-aaway na tuloy sina Xerxes at Xander.
Ito kasing si Virgo,tinamaan ng lintik,nawala na ata sa matinong pag-iisip.
"Hindi niya hahayaan na makuha ka ni Boss Xander una pa lang alam kong kakaiba ka na. Kaya kahit magkamatayan pa silang magkapatid mananatali ka sa poder ni Boss X. Kaya relax ka lang."napatingin ako kay Amber ng wala sa oras.
Magkakamatayan?
Paano kung may masamang mangyari kay Xerxes,ng dahil sa akin.
No,hindi pwede to.
Bigla akong napatayo mula sa kinauupuan ko,"Saan ka pupunta?"napatayo na din si Amber, para pigilan ako.
"Kailangan kung harapin si Virgo."buong tapang na wika ko kahit ang totoo,kabadong-kabado na ako.
'Upo ka lang dyan,hindi kita hahayaang lumabas. Kayang-kaya kang iligtas ni Boss X,kaya please maupo ka. Wala ka na ding magagawa,wala na ata sa tamang huwisyo yong kapatid mong hilaw! Tanging ang kaligtasan mo lang ang maitutulong mo kay Boss X ngayon. Wag ka ng lumabas mababalewala lang yong pagtatago niya sayo para protektahan ka kung lalabas ka rin pala."mahabang litanya ni Amber sa akin,tama naman siya. Wala na ring saysay ang kausapin si Virgo ngayon,mukhang malala na ang tama nito at nakuha pa nitong idouble cross si Boss Xerxes!
Umupo ulit ako.
Nakaramdam na naman ako ng kakaibang takot.
Takot para sa sarili ko at takot para kay Boss X.
Oo,maaring masama siya pero dahil sa akin nag-aaway silang magkakapatid.
Hindi naman niya ako kaano-ano para maging dahilan para magkasira silang magkapatid.
"Magiging ok lang ang lahat,Yleenna. Dito ka lang,"
"Sana nga Amber,sana nga hindi magkasakitan ang magkapatid ng dahil sa akin."
.....
Nakatulugan ko na pala ang kahihintay sa resulta ng paghaharap nina Boss X at yong kapatid niya,marahang haplos sa aking pisngi ang nagpagising sa akin.
Dahan-dahan kung iminulat ang aking mga mata,seryosong mukha ni Xerxes ang nabungaran ko.
"Hi?"mahinang wika ko. s**t bakit pakiramdan ko gustong-gusto kong hawakan ang mukha niya.
No way,bawal siyang hawakan,kaya pinigilan ko ang sarili ko na gawin yon..
"Anong nangyari?"tanong ko sa kanya. Kahit alam kong bawal magtanong,nagtanong pa rin ako. Gusto kong malaman kong anong nangyari sa pagitan nilang dalawa.
"Ok na wala ka ng dapat na ipag-alala."
"Si Virgo nasaan na siya?"
Kitang-kita ko ang pagdilim ng mukha niya ng mabanggit ko ang pangalan ni Virgo.
"Walang hiya ang kapatid mong yon!"kitang-kita ko ang galit sa mukha niya.
"Bakit anong ginawa niya?"kahit may alam na ako sa ginawa ni Virgo.
"Hindi ko alam na lumapit siya kay Xander at ibinid ka niya sa mas mataas na halaga! Hindi na normal yang kapatid mong hilaw,Yleenna,mas lalo ka lang niyang inilalagay sa panganib!"
Ano bang pumasok sa utak ng lalaking yon.
Tinulungan ko na nga siya tapos,ito pang gagawin niya sa akin.
Bakit ginagawa ni Virgo to?
"Hindi na tama ang pag-iisip ng kapatid mo,kailangan ko na siyang turuan ng leksyon."
Hindi ako sumagot.
Kasalanan din naman ni Virgo kung bakit nangyayari ang lahat ng ito.
Ngayon ginalit niya lang ng tuluyan si Boss Xerxes!
Wala na akong magagawa para pigilan pa si Boss X sa plano nitong turuan siya ng leksyon.
"O-ok ka lang ba Boss X?"diko napigilang tanong sa kanya,s**t,ano bang pumasok sa kukote ko at nasabi ko yon.
Arrrgh kainis naman.
Tunog concern pa ata ako!
Kitang-kita ko ang pagkislap ng mga singkit niyang mata. Sa simpleng tanong na yon.
Ang cute ni Boss Xerxes,nawala yong mata niya.
"Ok lang ako.Pero hindi titigil si Xander hanggat di ka niya nakukuha."poker face na naman ang mukha nito.
Napayuko ako. Nahihiya na ako sa inasal ni Virgo,hindi ko na talaga alam kong ano pang gagawin ko sa kanya.
"Anong gagawin natin?"nag-aalala na tanong ko sa kanya.
"Itatago kita sa kanya."
"Pero hindi mo ako habambuhay na maitatago. Natatakot ako Boss X,"yon ang totoo,natatakot ako sa mga posible pang gagawin ni Virgo.
"Wag kang matakot,hanggat nandito ako hindi ko hahayaan na madapuan ka kahit isang daliri ni Xander. Mamatay na muna ako bago yon mangyayari."napatingin ako sa kanya ng wala sa oras,tama ba yong narinig ko? Seryoso ba siya? Hindi ako makapaniwalang maririnig ko ang mga linyang yon,buhat sa kanya.Si Boss Xerxes na walang puso,may malasakit pala sa ibang tao.
"Bakit mo gagawin yon? Hindi ka naman ganon,isa pa,isa lang naman ako sa mga babaeng,Slave mo."
"Gagawin ko yon dahil pag-aari kita. Walang ibang pwedeng magmamay-ari sayo kundi ako lang."napayuko ako ng marinig ang sinabi niya. Oo nga pala,pag-aari niya nga pala ako. Walang ibang pwedeng magmamay-ari sa akin maliban sa kanya! Kaya marapat lang na hindi niya ako hahayaang mapunta kay Xander.
"Wag kang mag-alala Yleenna, I will protect you at all cost,"nakakatouch naman. I felt secured ng marinig ang sinabi niya.
"Salamat Boss X."tanging nasabi ko na lang. Kahit ang totoo,halos di na ako makahinga dahil sa mga sinasabi niya. Ang sarap lang pakinggan ng mga linya niya. Kahit walang kasiguraduhang matutupad niya ang mga yon,but still sapat na yon,para gumaan ang pakiramdam ko.
Naalala ko kasi ang sinabi ni Amber na mas ligtas ako dito kay X kaysa kay Xander.
"Pwede na po ba akong lumabas? Kailangan kung tapusin ang naiwan kung gawain."mayamaya ay tanong ko sa kanya.
"No dito ka lang hanggat hindi ko nasisiguro na hindi na muling babalik pa sina Virgo at Xander."
May kakaibang init na humaplos sa puso ko ng marinig ang sinabi niya.
Akala ko talaga masamang tao siya pero may bait din naman pala siyang itinatago.
Sana mabait na lang siya palagi.
Mas maigi siyang kasama kung ganito siya yong Boss X na hindi nakakatakot.
Yong Boss X,na may puso.
Sana di na niya ibalik yong isang katauhan niya,yong Boss X na walang puso,yong Boss X na walang pakialam!
Mas gusto ko ang bagong Boss Xerxes na nasa harap ko ngayon.
"Stay here Yleenna,pasasamahan kita dito kay Amber para malibang ka naman. Para may kausap ka. Aayusin ko lang ang problema na dala ng kapatid mong hilaw. Matanong nga kita,maayos ba ang trato sayo ng lalaking yon?"
Napayuko ako dahil sa tanong niya,pilit kung inaalala ang lahat sa amin ni Virgo.
Saka ko lang napagtagpi-tagpi ang lahat,wala akong maalala na happy memories kasama siya.
Nong buhay pa ang mga magulang namin,harap-harapan ang pag-ayaw niyang maging kapatid ako.
I felt so stupid by that time,pero sinubukan ko siyang intindihin.
"Hindi naman masama,hindi rin maayos,ano kasi hindi niya ako pinapansin noong buhay pa sina mommy at daddy palagi din siyang wala sa bahay na hindi namin alam kung saan siya nagpupunta. Maging noong nakaburol ang mga magulang namin wala siya. Nakita ko na lang siya noong inihatid na sa huling hantungan mga magulang namin. Mag-isa kung inayos ang lahat. Napakalungkot ko ng mga panahong yon,pakiramdam ko wala akong kasama. Pakiramdam ko nag-iisa na ako sa mundo."bigla ang pagsalakay ng pamilyar na sakit ng maalala ko ang pagpanaw ng mga magulang ko dahil sa isang aksidente,hindi naging madali ang lahat ng mawala sila. Naiwan akong mag-isa,dahil hindi ko mahagilap si Virgo. Parang may sarili na itong mundo at sa mundong binuo niya ay di ako kasali!
"Hindi ka na mag-iisa,mula ngayon,Yleena,kasama mo na ako palagi."namilog ang mga mata ko ng marinig ang sinabi niya. Parang hindi si Boss yong nagsasalita,parang dummy niya lang. Ibang-iba kasi ito sa dating Boss X na kilala ko.
"Talaga? Nagbibiro ka lang yata Boss eh?"biro ko sa kanya para mapagtakpan ang kilig na unti unti ng bumabalot sa buong pagkatao ko. Yong mga kilig lines niya,kanina ko pa napapansin.
"Im not joking. Seryoso ako. Mula ngayon sasamahan na kita palagi ako ang magiging sandalan mo sa lahat ng oras.."nyemas naman tong si Boss X,pafall pa ata ang peg!!! No,no,hindi ako dapat maniwala sa mga sinasabi niya..Wala akong ibang dapat asahan kundi ang sarili ko lang.
Bahagyang haplos mula sa likuran ang nagpatayo ng balahibo ko.
No way.
Bakit ganito.
Bakit pakiramdam ko may kung anong init akong nararamdaman sa simpleng haplos lang niya sa akin.
May kung anong kuryenteng unti-unting dumaloy sa katawan ko.
"Stop please "mahinang wika ko patungkol sa ginawa niyang paghagod sa likod ko.
"Why?"namamaos ang boses na wika niya.
"Naiilang ako Boss X. Please tumigil ka na. "magalang na wika ko,sa kabila ng paglukob ng kakaibang init sa katawan ko.
Baka magalit na naman siya sa akin.
"Ah ganon ba,ok,sorry."saka dahan-dahan siyang tumigil mula sa ginagawa niyang paghaplos sa likuran ko.
What the F****.
Si boss X nagsosorry sa akin?
Tama ba yong naririnig ko o pinaglalaruan lang ako ng pandinig ko?
Hay hindi na yata ako makahinga sa mga nangyayari sa akin sa ngayon.?