MygirlFriday Chapter 8 #callmeX.. #yleenna. "Palayain mo na lang ako Boss X,yon lang ang tanging bagay na makapagpaligaya sa akin." Kitang-kita ko ang pagdilim ng mukha niya. Hindi ko alam kong dahil sa sinabi ko o ano. "Sa tingin mo ba mas makakabuti yon sayo ha!?"galit na wika niya sa akin. Napayuko naman ako dahil sa takot na lumukob sa buong sistema ko. Ayan na naman siya nagiging beastmode na naman siya. Mainitin talaga ang ulo niya. "Tandaan mo to palagi Yleenna,wala ng lugar na mas ligtas ka kundi sa piling ko." Napakurap-kurap ako ng marinig ang sinabi niya. Ano daw piling ko o poder ko dapat. Hahahhaa. Nakakatawa naman. Grabe natatakot na nga ako sa kanya pero natatawa pa rin ako sa mga banat niya. "Hindi ka aalis sa piling ko Yleenna dito ka lang. Hindi ko hahayaa

