Yleenna. Ano ba? Bakit parang may yumuyogyog sa akin habang natutulog ako. Antok na antok pa ako. Sino ba kasi tong storbo na to. Kainis. Kahit hirap na hirap akong ibukas ang dalawang mata ko ginawa ko ang lahat ng makakaya para maidilat ito! Para makita na rin kong sinong walang puso ang nangdidistorbo sa tulog ko! "Yleenna,Yleenna,gising,buhay ka pa ba?" Saka lang ako tuluyang nagising,ng marinig ang nag-aalalang boses ni Xerxes. Agad kung minulat ang mga mata ko. Saka marahan akong napakurap-kurap,may nangyari ba? Bakit mukhang nagpanic ata yong mukha ni Xerxes. "X?"naguguluhang tanong ko. Idagdag pang loading pa yong utak ko,kagigising ko lang naman. Saka ko lang nakita ang relief sa mukha niya,ng marinig na nagsasalita na ako. Anyari sa lalaking to? "Hoy anong nangyari

