Xerxes Wala sa akin ang atensyon ni Saffron nandoon kay Yleenna na hindi din alam kung paano aakto sa kasalukuyang sitwasyon. Ramdam ko ang namumuong tensyon sa paligid. Lalong-lalo na si Yleenna alam kong kinabahan siya. Ang sama-sama na din ng tingin niya sa akin. "Sino yang babaeng kasama mo X?"may diing wika niya. Halatang galit si Saffron,dahil hindi niya ako tinawag sa endearment namin na,Honey.. Pero alam ko nagpipigil lang siya. "Ah,let me introduce to you,Hon this is Yleenna,my friend,Yleenna this is Saffron my fiance."kaswal na pagpapakilala ko sa dalawang babae sa harapan ko. Kahit punong-puno ng tensyon ang paligid pinilit kong umaktong parang walang kakaibang nangyayari. Kahit ang totoo,kinabahan na din ako. Kahit naman ganito ako,tao pa rin naman ako kahit papano di nama

