BYE, AURORA!

2180 Words
        Mula sa kinatatayuan ni Aurora sa pusod ng gubat ay kitang-kita n’ya ang buwan na animo’y may dugo sa sobrang pula nito. Hindi pangkaraniwan ang buwan ng gabing iyon subalit sa ‘di mawaring dahilan ay nabibighani s’ya sa pwersang hatid nito sa kanya. Pakiramdam n’ya ay nagliliyab s’ya sa sobrang init ng kanyang katawan.     Nakarinig s’ya ng kaluskos mula sa ‘di kalayuan kaya humakbang s’ya papalapit kung saan galing ang ingay na nagmumula sa natatapakan na tuyong dahon. Bahagya pa n’yang ikinagulat na bukod sa kanya ay may tao rin sa lugar na ‘yon.     “Sino ka?”     Katahimikan...     “Kung sino ka man ay lumabas ka sa kinatataguan mo!” may babala n’yang utos sa “nilalang”.      Hahakbang na sana s’ya palapit sa isang malaking puno nang lumitaw ang isang bulto ng tao mula sa puno. Nakasuot ito ng itim na duffel coat. Bumilis ang t***k ng puso n’ya hindi dahil sa takot kundi dahil sa kumpirmasyon.    Ganito palagi ang laman ng panaginip n’ya noong bata pa s’ya subalit iba ngayon dahil nagpakita na sa kanya ang ‘tao’ na lumilikha ng ingay sa katahimikan ng gabi!    Nakatayo lang ito at nakatingin sa kanya gamit ang dalawang pares ng mga—ginintuang mga mata! Hindi s’ya maaaring magkamali! Ginto ang kulay ng mga mata nitong nagniningning sa ilalim ng sinag ng pulang buwan. Nang unti-unti nitong tinanggal ang hood nito ay doon lang s’ya nakaramdam ng takot.     Nanginginig s’ya sa sobrang takot nang tumambad sa kanya ang hitsura nito! Matutulis ang dalawang pangil nito; mahahaba ang patulis na mga tainga, kulay abo ang makakapal nitong balahibo at matulis ang nguso nito. Hindi sya naniniwala sa lobo, subalit… Sigurado s’ya na isang lobo ang kaharap n’ya!      Tatakbo na sana s’ya nang bigla itong magsalita.    “Hindi mo kailangang matakot, Aurora. Kakampi mo ako, isang kaibigan—at gabay simula ng sanggol ka pa lang. Kailangan mo lang magtiwala. Kauri mo ako kaya sana pagkatiwalaan mo ako.”          Napabalikwas s’ya mula sa kinahihigaan n’ya. Ito na naman ang kakatwa n’yang panaginip subalit sa pagkakataong ‘yon ay nakita na n’ya ang hitsura ng anino.    Umaalingawngaw pa rin sa pandinig n’ya ang narinig buhat sa lalaki. Pinagpapawisan s’ya sa sobrang kaba. Panaginip lang ‘yon pero parang totoo dahil ramdam n’ya pa rin ang pagkabog ng dibdib dahil sa takot!      Magdamag na naging balisa si Aurora kaya hindi na uli s’ya dinalaw ng antok matapos magising dahil sa kakatwang panaginip. Alam n’ya sa sarili na hindi totoo ang mga lobo subalit parang totoo ang mga pangyayaring naganap sa panaginip niya! Hindi niya maiwasang panindigan ng balahibo kapag lumalarawan sa isip niya ang anyo ng anino.     Umaalingawngaw pa rin sa pandinig n’ya ang sinabi ng tao sa panaginip n’ya.   Kauri mo kami!   Kauri mo kami!     Pagbaba n’ya sa hagdan kinabukasan ay may nakita s’yang babae sa sala kasama ng apat na kalalakihan.     Himala, kompleto ang apat na mga dyos ngayon! Tumingin s’ya kay Fiel na mukhang ‘di man lang s’ya napansin. Hindi ako nagseselos! Napasimangot na lang s’ya nang makita ang matamis na ngiti ng doktor.     “Good morning, ganda, pero mas maganda ka pa sa umaga,” nakangiti na sabi sa kanya ni Gray, ito parati ang bati ng binata sa kanya kapag nagkakatagpo sila.     “Ohh, hi! Kung ‘di ako nagkakamali, ikaw si Aurora, ‘di ba?” nakangiting bati ng babae sa kanya. Una n’yang napansin ang mga mata nito, katulad ito ng mga mata ni Thor.      Bakit ba ang gaganda ng mga mata ng mga taong ‘to? himutok n’yang tanong sa sarili. Hindi n’ya alam kung bakit kumukulo ang dugo n’ya ng umagang iyon. Sa puyat yata, bulong niya sa sarili. Malamang ay iyon talaga ang dahilan at wala ng iba.     “Come, join us! Hmm, ‘di ka ba nakatulog nang maayos?” tanong ni Fiel sa kanya.     So, ngayon mo lang ako napansin? Kulang na lang ay sigawan n’ya ito pero syempre hindi n’ya gagawin ‘yon. Nginitian n’ya na lang ito.     “Nakatulog naman, na-miss ko lang si daddy,” pagkakaila n’ya. Ayaw n’yang malaman ng mga ito na may bumabagabag sa kanya dahil ayaw n’ya nang makadagdag sa alalahanin ng mga ito. “I’ll get a sandwich then I’ll join you.”      “May kakaiba nga sa kanya. Interesting! Wala ba s’yang sinasabi sa inyo?” tanong ni Meg sa apat nang masigurado n’yang wala na si Aurora. Feral vampire rin s’ya katulad ni Leron at Thor.     Sinadya n’ya lang na dalawin ang apat dahil sa sinasabi ng mga itong ‘magandang bisita’. Siya man ay nagtaka dahil sa babae subalit may naglalaro sa isipan n’ya. Ayaw n’ya na munang sabihin sa apat dahil napakaaga pa para makasiguro.     “Tumatawag ang ama ni Aurora,” untag ni Leron sa kanila. Tatawagin na sana nito ang dalaga nang lumabas ito galing sa kusina.    “Si daddy ba ‘yan?”     Tumango naman si Fiel sa dalaga.     “Hello, daddy? I miss you, how are you?” tanong n’ya agad sa ama.    “I miss you too, my princess. Ito miss ko na ang anak ko. How are you?”     “Okay lang naman ako, dad, pero sobrang miss na kita.” Narinig n’ya ang pagbuntong-hininga ng ama n’ya. “My birthday is fast approaching pero ‘di mo pa rin ako dinadalaw. Nakalimutan mo na yata ako eh,” malungkot n’yang sabi sa ama.    “Hindi ’yan totoo, baby, sa katunayan nga ay may sorpresa ako sa’yo sa kaarawan mo. ’Wag ka nang magtampo sa akin.” Hindi n’ya napigilang umiyak nang marinig n’ya ang lungkot sa boses ng daddy n’ya. Simula kasi noong mawala ang mommy n’ya ay silang dalawa ng daddy n’ya ang magkaramay sa lahat ng problema. Gusto n’ya itong yakapin ng mga oras na ‘yon.     “I love you, dad, and I’m sorry, hindi ko sinasadya ang sinabi ko. Na-miss lang po talaga kita.”    “Sssh.. ’wag kang umiyak, mas nalulungkot si daddy kapag umiiyak ka,” pag-aalo nito sa kanya. Susubukan n’yang magpakatatag para na rin sa kanyang ama. “I love you very much, anak. Sana… Sana kahit na ano ang malaman mo, ’wag mong kakalimutan na mahal ka namin ng mommy mo at ikaw lang ang nag-iisang prinsesa namin.”     “D-daddy naman, eh, mas pinapaiyak pa ako. Oo, dad, alam ko kung gaano n’yo ako kamahal ni mommy.” Pinasaya n’ya ang kanyang boses para ‘di na ito gaanong malungkot. “Si daddy, naglalambing na naman.”   “Na-miss lang kita, hija. Sige na, may kailangan pa kaming asikasuhin ng kinakapatid mo. Mag-ingat ka parati riyan. Mahal na mahal kita.”    “You too, dad, take care and I love you.”    Lingid sa kaalaman ni Aurora ay palihim s’yang pinapakinggan ni Fiel.    Kung may magagawa lang sana ako, piping bulong ng binata sa sarili.     Ramdam n’ya ang kalungkutan sa boses ng dalaga at kung hindi siya magpipigil ay gusto n’ya itong lapitan at yakapin subalit ‘di n’ya kayang gawin. Naduduwag s’ya dahil sa takot—sa takot na baka ‘di s’ya tanggapin ng dalaga kapag nalaman ang lihim n’ya. Hindi n’ya maintindihan ngunit may humihiwa sa dibdib n’ya kapag nakikitang malungkot ang dalaga.      How he wish he could ease the pain. Gusto n’yang ikulong sa bisig n’ya ang dalaga at sabihin dito na okay lang ang lahat.    Hindi n’ya mabigyan ng pangalan ang strangherong damdamin sa kanyang puso subalit alam n’ya na kaya n’yang gawin ang lahat para sa dalaga.     Iniiwasan nilang makihalubilo sa mga mortal pero sa oras na ‘yon ay handa syang ‘sumugal’ para maipasyal ang dalaga. Oo nga at lumalakad sila minsan kasabay ng mga tao subalit walang may alam na hindi nila sila katulad. Ang iba sa kanila ay kasintanda na ng panahon. Mas malakas sila  kumpara sa pinakamalakas na tao. Ilang siglo na nilang tinatago ang lihim nila sa mga tao dahil alam nilang kakatakutan lang sila at ang masaklap pa ay maaari silang sirain dahil kahit kailan ay hindi sila maiintindihan. Ang akala ng karamihan ay isa lang silang mga alamat. Tanging silang mga ‘kakaiba’ at ang d’yos na lumikha sa kanila ang tanging may alam ng pinanggalingan nila.    Gusto n’yang makasama sa labas ang dalaga at makalimutan nito pansamantala ang lungkot. Aayahin n’ya ito. He will seize the enchanting moment, whatever it cost.    “Gusto mong mag-shopping?” tanong n’ya sa dalaga nang makalapit na ito sa kanila.    “Sure.” Nakita n’ya ang pag-aalinlangan sa mga mata ng dalaga na agad namang napalitan ng pagkagulat. “Sigurado ka, Doc? Ikaw ba talaga ‘yan? Baka kinuha na ng alien ang totoong Doc Fiel. OMG!” Eksaheradang nagtakip pa ito ng bibig.     Hindi n’ya talaga ito maintindihan minsan, tulad na lang ngayon. Ang bilis magbago ng mood nito sa isang iglap lang.   “Nako, Doc, magbibihis na ako at baka iwan n’yo na naman ako rito.”    “Tayong dalawa lang,” sagot n’ya na mas ikinagulat nito. He can see that her eyes is sparkling.    “Mag-de-date tayo doc? Paano sila?”    “Aalis kami nila Gray, may aasikasuhin kami. By the way, I’m Megan—Fiel’s cousin.” Si Megan na ang sumagot sa dalaga, mukhang natutuwa rin sa dalaga ang pinsan n’ya.     “Magpinsan kayo?” Hindi n’ya alam kung bakit natatawa ito bago ilahad ang kamay sa pinsan. “Aurora.”     Magkakasabay na silang umalis lahat. Dalawa lang sila ni Fiel sa sasakyan nito.     “Baka matunaw ako n’yan.”     “Feeling ko, doc, nagkita na tayo dati.”     “Saan naman?”     “’Di ko matandaan, eh.”       “Pero ba’t mo nasabing nagkita na tayo?”     “You look familiar, Doc, kilala ka ng puso ko. May nakapagsabi sa akin, minsan daw, ang hindi naaalala ng isip mo, naalala naman ng puso mo.”    “Sino naman nagsabi sa’yo n’yan?”    “Si mommy.” Sigurado s’ya na nakita n’ya na ang doktor subalit ‘di n’ya lang talaga matandaan kung saan.    “I’m sure, maganda ang mommy mo dahil ang ganda mo,” kapagkuan ay sabi nito.    Maganda ang mommy n’ya subalit ‘di s’ya nito kamukha. “Hindi kami magkamukha ni mommy o kahit na nga rin si daddy, eh, nakita n’yo na naman si daddy, eh.” Naalala n’yang madalas s’yang tuksuhin ng mga kaklase n’ya na ampon daw sya. Minsan pa nga ay naririnig n’ya sa kapitbahay nila na baka ampon din s’ya kaya nga lumipat na sila ng ibang lugar para iwasan ang mga taong nanghuhusga sa kanya.   “It doesn’t matter dahil ang mahalaga ay anak ka talaga nila. ’Wag ka nang malungkot. Everything will be back to normal,” nakangiti nitong saad sa kanya.    Umismid s’ya sa narinig. “Back to normal? Kasama ng pagsusungit mo sa akin?”    “Hindi, ah. Nandito na tayo. Ngiti ka na r’yan.”       Nauna itong bumaba at naglakad ito sa tapat n’ya para pagbuksan s’ya ng pinto. Pagpasok nila ng mall ay pinagtitinginan sila ng mga tao. Ang iba ay kilala s’ya. Ang iba naman ay kumukuha ng stolen shots, may iba rin na ‘di na nakatiis at nagpapa-picture sa kanila. May isang binata na magpapa-picture sana sa kanya subalit ‘di pumayag si Fiel.    “Bakit?” natuwa s’ya dahil sa pagiging possessive nito kaya napagdiskitahan n’ya itong tuksuhin. “In love ka na sa akin, no? Aminin! Bawal ang magsinungaling!” nakangiti n’yang  tanong sa binata.    “Narinig ko lang kasi na ipagyayabang n’ya sa kaibigan n’ya na girlfriend ka raw nya.”       “Oo na.” Sabay turo sa isang resto. “Doc, doon tayo kumain, nagugutom na ako.”     After nilang kumain ay  namili sila ng gamit ng dalaga including cellphone. Hindi n’ya maitatanggi na kilala talaga ang dalaga dahil sa dami ng lumalapit at nagpapa-picture dito. May nakita rin s’yang malaking tarpaulin nito sa isang clothing line sa loob ng mall. Ngunit sa kabila ng kasikatan nito ay nandoon pa rin ang kababaan ng loob, ito ang nagustuhan nya sa dalaga—oo, gusto n’ya na ang dalaga, napagtanto n’ya ito kanina. Sa tanang buhay n’ya ay ngayon lang s’ya naging masaya. Isang beses lang magmahal ang mga kagaya nila kaya hindi s’ya nagsisisi na si Aurora ang pinili ng puso nya.     Namimili sila ng damit nang bigla s’yang makaramdam ng kakaiba. Sa totoo lang ay kanina n’ya pa nararamdaman na may mga matang nakasubaybay sa kanila, ‘di n’ya lang ito pinagtuunan ng pansin dahil sa akala na isa lang din itong katulad n’ya na nakikihalubilo sa mga mortal. Ngunit sa oras na ito ay iba na ang pakiramdam n’ya. Mabuti sana kung wala s’yang kasama. Inaalala n’ya ang dalaga. Kapakanan nito ang nasa isip n’ya kaya inaya n’ya na itong umuwi lalo’t papagabi na. Pumayag naman ang dalaga at ‘di na nag-usisa.     Habang nasa daan ay patuloy pa rin sa pagkekwento ang dalaga habang tahimik lang n’yang pinapakiramdaman ang paligid. Nagpasalamat s’ya nang masiguro n’yang wala na ang kaninang sumusubaybay sa kanila.         Paghinto ng kotse ay agad binuksan ni Aurora ang pinto ng sasakyan at bumaba. Nakangiti naman ang tatlo kaya kinawayan n’ya ang mga ito nang maramdaman n’ya na may tila malakas na hangin na biglang pumalibot sa kanya at parang tinatangay s’ya. Nakita n’yang papalabas na si Fiel nang biglang sumigaw si Thor habang patakbo naman ang dalawang lalaki palapit sa kanya.    “Fiel, protektahan mo si Aurora!”     Naramdaman n’ya na lang ang pag-angat n’ya sa lupa kasabay ng pagkawala ng malay tao n’ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD