REVEALING THE TRUTH

2482 Words
                 Ilang araw na buhat nang mawala si Aurora.    Walang iniwan na bakas ang kumuha sa dalaga at kahit isang palatandaan ay walang nakuha ang apat na kalalakihan. Simula nang mawala ang dalaga ay ‘di na mapalagay si Fiel. Ilang araw na silang naghahanap ngunit ‘di nila matunton ang pinagdalhan sa dalaga at wala silang ideya dahil hindi nila napaghandaan ng gabing sumugod ang kalaban.     Ngayon lang napagtanto ni Fiel kung gaano kahalaga sa kanya si Aurora… And yes! Mahal n’ya na ang dalaga. Napagtanto n’ya ang isang bagay: Every man needs a woman in his life when his life is a mess. Sa bawat minuto na wala sa kanila ang dalaga ay unti-unting namamatay ang pag-asa n’ya na magkikita pa sila ng dalaga.    Pagbabayarin n’ya ang sinumang may kagagawan sa pagkawala ni Aurora!     Susuko ka na, Fiel? Napasabunot s’ya sa buhok dahil sa naisip. Hindi siya susuko! Gagawin n’ya ang lahat ng paraan para makita ang dalaga at muling madama ang init ng katawan nito sa bisig niya.    “Are you okay?” Napabuga s’ya nang marahas nang magsalita si Thor. Hindi n’ya namalayan ang pagdating nito. Ilang araw na s’yang wala sa sarili at alam n’yang hindi maganda ‘yon lalo na sa panahong hinahanap nila ang dalaga.   “Yeah.” Tumayo s’ya upang kunin ang Ivory dagger bago hinarap uli  ang kaibigan. “What made you think that I’m not okay?” Pagkakaila n’ya sa kaibigan kahit alam n’yang ‘di ito naniniwala sa kanya.    “Oh, come on! We’ve been together  for how many decades kaya kahit nga ang mumunting pagpihit mo ay kabisado ko na tapos ngayon ka pa magkakaila na okay ka lang? For what? For you to hide the pain? If you want to do so, just try harder para mas kapani-paniwala.” Tama si Thor, magkakasama na sila sa simula pa kaya hindi s’ya maaaring magsinungaling sa mga kaibigan, knowing them, alam n’yang hindi s’ya papabayaan ng mga ito sa problemang kinakaharap nya.     “It’s just ridiculous to think.” Bahagya pa s’yang tumawa nang pagak. Umupo  naman ang kaibigan sa isang swivel chair na nasa bandang bintana.    “Ang alin?”    “Sa t’wing may napapanood akong palabas o may nababasang kwento tungkol sa ating mga bampira, isa lang ang nababatid kong alam ng mga mortal sa katulad nating mga bampira: we are cruel, blood sucker creatures na mga hayok sa dugo nilang mga mortal at mga walang pakiramdam. Pero ngayon, may tao kayang maniwala o kaya ipagpalagay na lang natin na si Aurora ang mapagsabihan ko kung ano’ng nararamdaman ko and at the same time sabihin ko sa kanya ang tunay kong pagkatao, maniniwala kaya s’ya na nahihirapan din ang isang tulad ko at nasasaktan dahil sa pagkawala n’ya?” Umiiling-iling s’ya at naihilamos ang mga palad sa naisip na sagot sa tanong n’ya. “Hangal ako kung iisipin kong ‘di s'ya matatakot. Sino nga ba namang mortal ang gustong mapalapit sa isang tulad ko— sa tulad natin?”  Matiim na nakikinig lang ito sa kanya habang nakatanaw sa labas.     “Nasubukan mo na bang sabihin sa kanya ang totoo?” tanong nito sa kanya, umiling s’ya bilang sagot. Wala s’yang binabanggit sa dalaga at kahit kailan ay hindi n’ya ito sasabihin. “Hindi mo pa pala nasusubukan. Pero bakit sumusuko ka na? Hindi na ikaw ang Fiel na nakilala ko. Sa pagkakakilala ko kay Aurora, hindi s’ya babaeng duwag na magpapadala na lang sa takot bago pag-isipan ang lahat ng bagay; hindi makitid ang utak n’ya at alam kong alam mo ‘yon.”     “Alam kong magiging masakit ang katotohanan kaya ayokong subukan; ayokong subukan sapagkat ayokong malaman, ayokong malaman sapagkat ayokong masaktan.”    “Sa tagal ng inilagi ko rito sa mundo, may mga nakilala akong mga mortal na pinagsisihan ang hindi nila pagtuklas sa katotohanan dahil para lang itong tanikala na nakagapos sa mga nilalang dito sa mundo. Parte na ng buhay ang kasiyahan maging ang kalungkutan. Kung masaktan ka man, at least nalaman mo kung ano ang totoo. May mga bagay rito sa mundo na mahirap pakibagayan at mahirap maintindihan, subalit mahirap man sa tingin ng iba, nasosolusyunan pa rin nila dahil alam mo kung bakit? Dahil kumakapit pa rin sila sa katotohan na masaktan man sila sa nalaman nila, hindi naman nila ikinulong ang sarili nila sa tanong na nabigyan ng kasagutan sapagkat pinili nilang sumugal at labanan ang takot nila.” Tama ito. Hindi n’ya sana pinangunahan ang tadhana.     “Hindi ko na alam ang gagawin ko, Thor. Pakiramadam ko, para akong kandilang unti-unting nauupos dahil sa kawalang pag-asa.”     Tumayo na ito at lumapit sa kanya. “Nandito lang kami, Fiel. Ayusin mo ang sarili mo dahil ikaw na rin ang magbibigay ng solusyon sa problemang kinakaharap mo. Paano na lang si Aurora kung mahina ka?” Ngumiti ito at tinapik-tapik ang balikat nya. “Ang mabuting gawin natin ngayon, hanapin at ibalik natin si Aurora sa daddy n’ya para malaman mo na ang sagot sa mga tanong na bumabagabag sa’yo.” Ngumiti ito bago tuluyang tumalikod.    “Gracias.”    “De nada, Fiel,” WOLF’S CRADLE   Ang bundok na tahanan ng mga lobo! Ito ang tanging lugar kung saan malaya silang nakakakilos, malayo sa mapanghusgang mata ng mga tao. Tanging ang mga nilalang na kagaya nila ang may alam sa tunay nilang pinanggalingan. Pilit nilang kinukubli ang katotohanan sa mga tao.     Sa t’wing gabing maliwanag ang buwan katulad ng gabing ‘yon, may mga nilalang na nagkakasiyahan sa naturang bundok. Everything is right and perfect around them. The stars up above shines so brightly na para bang nakikisaya sa mga nilalang na nasisinagan ng bilog na buwan.        Habang nagkakasiyahan ang iba, may isang dalaga na nagdadalamhati sa isang gilid ng malaking bato na malapit sa kumikinang na tubig sa talon. Isang dalaga na hindi matanggap ang katotohanan na kahit sa hinagap ay mangyayari ang sa tingin n’ya ay isang panaginip lang. Isang dalaga na umaasam na sana magising s’ya isang araw at mapagtanto na panaginip lang ang lahat ng nalaman nya—lahat ng bagay na nangyari sa kanya.    Ilang araw na s’ya na nasa gano’ng sitwasyon. Pilit nagbabalat-kayo sa tunay na nararamdaman sa harap ng karamihan. Malinaw na malinaw pa sa kanya ang mga nangyari ng huling gabing magkasama pa sila ni Fiel.     Papalapit na s’ya sa may pinto nang maramdaman n’ya ang tila hangin na pumalibot sa kanya hanggang sa namataan n’ya na lang na naka-angat na pala s’ya sa lupa. Ang huling narinig n’ya ay ang sigaw ni Thor bago s’ya nawala sa paningin ng apat na kalalakihan. Hinimatay s’ya kaya ‘di n’ya na nalaman ang mga sumunod na nangyari.    Nang nagising s’ya, nakita n’ya ang ‘di pamilyar na inuukopahang silid at ang tunog na nagmumula sa ingay ng panggabing kulisap.    Pinakiramdaman n’ya ang sarili. Ayos lang naman s’ya. Nagpasalamat s’ya sa D’yos dahil walang nangyaring masama sa kanya—wala nga ba? Natutop n’ya ang kanyang dibdib dahil sa sobrang kaba. Dahan-dahan s’yang tumayo at lumabas ng silid.    Pagkalabas n’ya ng silid ay nakita n’ya ang maraming pares ng mga mata ang nakatingin sa kanya. Kulang ang salitang ‘magaganda at gwapo’ para ilarawan sa mga nilalang na nakikita n’ya sa kasalukuyan. Nakangiti ang mga ito sa kanya. Hindi n’ya alam ang tunay n’yang nararamdaman. Naguguluhan sya, oo… subalit, payapa na ang loob n’ya na ‘di n’ya mawari.     Nakamasid lang s’ya sa mga ito nang may lumapit sa kanyang batang lalaki at tinawag sya.    “Binibini, pinapatawag po kayo. Sumunod po kayo sa akin,” magalang na sabi nito sa kanya.    Nakahinga s’ya nang mag-Tagalog ito, ibig sabihin ay nasa Pilipinas lang s’ya.    Agad s’yang tumalima at sumunod sa bata. Sa tingin n’ya ay safe s’ya sa mga kamay ng ‘di pa mga kilalang ‘tao’.    Malayo-layo na rin ang nilakad nila ngunit nanatili pa ring tahimik ang bata kaya pinagmasdan n’ya na lang ang paligid na nasisinagan ng liwanag ng buwan.    “Ang ganda naman dito sa inyo. Kitang-kita rito ang nag-niningning na mga tala at buwan.” ‘Di n’ya napigilang humanga sa mga nakikita n’ya. Nakapunta na s’ya sa iba’t-ibang bansa pero ngayon lang sya nakakita ng mala-paraisong lugar.    “Oo, binibini, tama ka dahil napakaganda po talaga ng lugar na ito.” Sa pagkakataong ‘yon ay tumingin sa kanya ang bata. “Nagagandahan din po ba kayo sa buwan? Alam mo po, yan ang nagsisilbing lakas namin,” nakangiti nitong sabi.    “'Wag nang binibini ang itawag mo sa’kin, Ate Aurora na lang.” Natutuwa s’ya sa bata dahil magiliw at magalang ito sa kanya. Hindi na rin ito naiilang sa kanya ‘di katulad kanina.   “Ang ganda po ng pangalan n’yo, kasingganda mo...Bukang liwayway po ang ibig sabihin ng pangalan mo, ibig sabihin ay pag-asa. Ikaw na yata ang hinihintay namin,” paliwanag nito sa kanya, medyo naguluhan s’ya sa sinabi nito kaya nag-usisa s’ya rito.   “Ano? Bakit? Hindi kita maintindihan.” Tumingin lang uli ito sa kanya. “Ano nga pala ang pangalan mo?”   “Nexus po, ate.” Magtatanong pa sana s’ya tungkol sa sinabi nito kanina nang makarating sila sa isang mansion. “Nandito na po tayo. Pumasok ka na po, ate Aurora.” Ngumiti na lang s’ya rito at nagpasalamat, agad naman itong tumalikod at umalis.    Naguguluhan pa rin s’ya sa sinabi ni Nexus sa kanya. Hindi naman nito nasagot ang tanong n’ya.   Pagpasok n’ya sa loob ay saka n’ya lang nakita na hindi lang ordinaryong mansyon ang pinasukan nya kundi isang magarang citadel na may red carpet pa sa gitna. The surrounding caught her attention, kaya hindi n’ya napuna ang lalaking nasa may ‘di kalayuan. Nagulat pa s’ya nang tumikhim pa ito. Ilang hakbang pa ang kailangan n’yang gawin upang makalapit dito. Habang papaliit ang kanilang distansya, nangingiti s’yang pumapalatak. The guy is PERFECTLY HANDSOME!    Kumurap muna s’ya upang malaman kung namamalikmata lang s’ya sa nakikita, ngunit napagtanto nyang totoo pala ang kagwapohang nakikita nya. Wew! Lahat ba talaga ng tao rito ay magaganda at gwapo? namamangha n’yang tanong sa sarili. Pinagmasdan n’yang maigi ang lalaking nasa harapan n’ya. Hindi n’ya lubos maisip na may ibang  tao pang biniyayaan ng kagwapohan at kakisigan maliban sa apat na lalaking nakasama n’ya at syempre, pati  daddy nya. Aware din s’ya na tinititigan din s’ya ng lalaking kaharap.    “Kumusta ka na, Aurora?” Nakakaloka! Pati ba naman ang boses ng lalaki ay sexy? Umayos ka, Aurora! Hindi ‘yang parang teenager ka na kinikilig! saway n’ya sa sarili. Isa ito sa ‘di magandang ugali n’ya sa t’wing nagpa-panic—ang kausapin ang sarili n’ya.   “H-hmm, I’m f-fine…” nauutal n’yang sagot. “Kilala mo pala ako?” Kilala s’ya nito? Yeah, Of course! Magtataka pa ba sya, halos yata ng taong nakatira sa lugar na ‘yon ay kilala sya.   Tumango at ngumiti ito sa kanya kaya sumilay naman ang magaganda nitong mga ngipin. “Lahat ng mga nilalang na makikita mo rito ay kilala ka,” paliwanag nito sa kanya. Sa totoo lang ay hindi n’ya talaga ito maintindihan. “Ang tagal din ng panahon na hinintay namin upang makita at makasama kang muli. Alam kong naguguluhan ka lalo na sa mga panahong ito.”    Ito na naman ang mga palaisipan sa kanya. Hindi lang s’ya naguguluhan kundi parang sasabog na ang utak n’ya sa mga tanong na wala pa ring kasagutan! “Sobrang gulong-g**o na ng utak ko kaya pwede bang ipaliwanag mo ang lahat sa akin nang ‘di ako nagtataka kung ano’ng ginagawa ko sa lugar na ito!”    “Wala ka ba talagang kaide-ideya kung bakit nandito ka?” tanong nito sa kanya. She bit her lower lip para pigilan ang sarili n’yang bulyawan ito.       Breath, Aurora... Take a deep breath! “Magtatanong ba ako kung alam ko?” Narahas s’yang napabuntong hininga. Nauubos na ang pasensya nya!   Sa inis n’ya ay tumawa pa ito. Ngali-ngaling lapitan n’ya at batukan ito. “Oo nga naman, ‘di ka magtatanong kung alam mo na. Malaki ang posibilidad na mabigla ka sa sasabihin ko kaya pakiusap—panatilihin mong maging kalmado.”   Katahimikan. Hindi na s’ya nagsalita upang magpatuloy ito.   “Alam kong ’di lingid sa’yo na nagkakaroon ka ng mga kakaibang panaginip. Lahat ng nakikita mo sa panaginip mo ay totoo. Iyong lalaking may ginintuang mga mata na nagsabi sa’yo na isa ka sa kanila—lahat ng ‘yon ay totoo.”   “’Wag mong sabihing…” Natutop n’ya ang kamay sa reyalisasyon. No! Ginu-good time lang s’ya nito. Baka ito ang sinasabi ng daddy n’ya na surpresa sa kanya… pero…pero, ang nangyari sa kanya ng gabing ‘yon, hindi n’ya mabigyan ng paliwanag. Hindi magsisinungaling ang daddy n’ya sa kanya kaya nagagalit s’ya sa kausap! “Hindi totoo ’yang sinasabi mo! Nagsisinungaling ka lang upang linlangin ako!” Hindi n’ya na napigilan ang galit n’ya sa oras na iyon, wala na s’yang pakialam kung sino ang kaharap nya! Bigla s’yang nagulat—posible kayang… Alam n’ya na sya ang nagsalita—sa kanya galing ang boses na ‘yon ngunit bakit? Wala na ang dating malamyos na boses n’ya kundi napalitan na ito ng paos ngunit malakas at baritonong boses.   “I don’t need to explain it, Aurora. You can prove it to yourself. Bakit ‘di mo na lang tingnan ang sarili mong repleksyon sa salamin?” tila kalmado pa nitong utos sa kanya.   No! No! This can’t be happening!!!    Ngunit hindi n’ya maaaring ikaila na s’ya mismo ang nasa harapan ng salamin! May matutulis at mahahabang mga tainga, malaking katawan at mabalahibo, matutulis na dalawang pangil at mga kuko; at nagniningning na mga ginintuang mga mata! Ngunit kahit nagpalit siya ng anyo ay makikita pa rin ang ibang anggulo ng taong Aurora.    “Ganyan ka kapag nagpapalit ng anyo, Aurora. Isa ka rin sa amin,” paliwanag nito sa kanya.    “Paano na-” Agad ring naputol ang sasabihin n’ya nang magsalita ang lalaking hangang ngayon ay ‘di n’ya pa rin kilala.   “Kailangan mo munang ibigay sa pangangalaga ng mga ordinaryong tao upang ‘di ka masaktan ng mga nilalang na nagnanais na gamitin ka sa kasamaan. Malakas ka, Aurora. Walang kahinaan. Hindi lang iisa ang lahing pinagmulan mo. Ang ina mo ay katulad namin na lobo, isa s’yang Alpha katulad ko. Ang ama mo naman ay isang bampira. Pareho silang nawala noong sanggol ka pa lang dahil namatay sila sa pagliligtas sa’yo. Hindi na rin namin nakita ang bakas nila simula nang may makasagupa silang nilalang na nagtangkang kumuha sa’yo kaya ibinigay ka namin sa tao para mapangalagaan ka.”    Nagulat s’ya at nalungkot sa rebelasyon nito. “Bampira at lobo? Hindi ba ang dalawang lahi na ‘yon ang mortal na magkaaway?” Ito ang pagkakaalam n’ya base sa mga nababasa at napapanood n’ya kaya imposible na paniwalaan iyon.    “Walang imposible pagdating sa pag-ibig, Aurora. Walang mali o tama kapag natuto kang magmahal. Bukas ka sa lahat ng posibilidad dahil ang puso ang makakaintindi sa ‘di kayang maintindihan ng isipan. Ikaw, tulad mo ay nagmamahal ka sa ‘di mo kauri,” makahulugang sabi nito.    “Hindi kita maintindihan.”    “Hindi mo ako kailangang intindihin, kailangan mo lang na tanggapin ang katotohanan, Aurora. Maaari ka nang bumalik sa silid mo upang makapagpahinga ka nang maayos dahil alam kong pagod ka.”    Tinaasan n’ya ito ng kilay. Bumalik na sa normal ang anyo n’ya. “Wala ka man lang balak magpakilala?”    Natawa ito sa tanong nya. “Yfraim.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD