CHAPTER 12

1994 Words
Maruem Kasalukuyan... Naalala ko na naman si Mang Inuwa, Inuwa Wolfbane, ang guro ko noon na nagturo sa akin kung paano ako magiging malakas. Siya rin ang nagpatatag ng loob ko, ang nagpakita sa akin na may pag-asa sa lahat ng bagay basta at magtitiwala sa sarili. Kaya simula rin noon ay hindi na ako umiinom ng dugo sa mga normal na bampira. Sa mga mahaharlika ay tiyak kong walang lason ang dugo dahil mga purong bampira kami. Kaya mas matalas ang aking senses salamat na rin kay Mang Inuwa. Ngunit wala na ngayon si Mang Inuwa, kahindik-hindik ang kaniyang sinapit dahil sa hindi magandang pamamalakad ng lahat. Hindi pantay na pagtingin, mga walang awang mayayaman. Naubos ang lahat ng nakatira noon sa taas ng bundok matapos ipasunog ng isang negosyanteng gustong bumili ng kanilang lupa. Nakulong ang lalaking iyon dahil sa isang lihim na testigo. At ako ang naghanap ng testigo para mabigyan sila ng hustisya. Namatay si Mang Inuwa dahil sa pagprotekta sa mga mamamayan sa bundok. Doon din kumalat ang tungkol sa kaniya. Marami ang natakot ngunit hindi ako sila. Kilala ko si Mang Inuwa, mabait pa sa kahit sinong hari siya. Kahit sa aking mismong ama. "Isang daang ikot mula sa buong baryo, Yusef! Kapag hindi mo ito naikot ay dadagdagan ko pa ng singkwentang ikot! Bilisan mo! Gamitin mo ang bilis mo gaya ng isang bampira!" sigaw ni Mang Inuwa. Muli akong tumakbo. May limang bato pang nakalaylay sa aking bewang. Hinihingal na ako dahil sa mabagal na pagjo-jogging kanina. Ngayon naman ay mabilis na. Halos ganito kami araw-araw ni Mang Inuwa ngunit hindi niya ako ginugutom. May tagapagluto siya sa unahan ng baryo na si Aling Celia. Talagang napakasarap ng mga hinahain. Akala mo ay mula na rin sa mga sikat na chef ng kaharian. Hindi lang nakikilala dahil mahirap lamang sila. Kulang sa pansin maski pag-aaral ng mga bata rito ay hindi pinapakialaman ng namumuno. Karamihan pa ay hindi nakakapag-aral at ang mga nakakatanda lamang ang nagtuturo sa mga bata. Mabuti na lamang at may malasakit sila sa bawat isa. Talagang iniidolo ko ang bayanihang mayroon sila dito. Wala na ang baryo na ito sa Coran Kingdom, hindi ko namalayan na nakaabot na pala ako sa karatig na kaharian ng Coran na Leviste Kingdom. Mayaman din ang kaharian na ito ngunit talagang sobra ang hindi pantay na pagtingin. Sa mayayaman lamang at mahaharlika ang mga oportunidad. Napakahina ng ekonomiya sa mga baryong marami ang mahihirap. Ni hindi man lang nila binibigyang pansin. Matapos kong makatakbo ng isang daang ikot ay pagod akong nahiga sa kama. Agad kong pinatigas ang aking mga buto sa kamay at winasak ang tali sa aking bewang. Pagod akong humilata sa lupa. Nakaya kong patigasin ang aking mga buto dahil sa grabeng pagtuturo ni Mang Inuwa. Pinipitpit niya ng bato ang aking kamay, nagawa ko ring gayahin ito sa kaniya na nagagawa ng mga taong-lobo. Tinuro niya sa akin ang kaniyang mga metodo. Marami man akong napagdaanan gaya ng pagtitiis sa liyab ng apoy ay naging malakas naman ako. Pulido ang aking bawat paggalaw. Matikas ang aking katawan at hindi na ako ang dating Maruem na mahina at inaapi. Ako si Maruem na susunod na hari ng Coran Kingdom at magiging emperador ng Prime Continent. Hintayin lamang nila ang paglaki ko. Kahit wala pa ang aking abilidad ay malakas na ako. "Yusef, bumalik ka rito! Inumin na pampalakas para sa iyo!" sigaw ni Mang Inuwa. Agad akong tumakbo papunta sa kaniya at ininom ang inumin. Tiniis ko ang mapait na lasa nito. Kulay berde ang inumin, mukhang dinikdik na mga herbal na dahon. Pina-upo ako ni Mang Inuwa sa tapat niya at nagtitigan kami hanggang sa mapapikit ako. Naramdaman kong kumukulo ang aking tiyan kaya malakas akong dumighay. Tinambol ko rin ito kaya maya-maya ay ayos na ang aking pakiramdam. "Malakas ka na, Yusef. Sa halos mahigit isang taon na pamamalagi mo sa akin ay napakarami mong natutunan. Mabilis ka ring natuto. Mukhang handa ka nang bumalik sa Coran Kingdom, Yusef. O dapat na ba kitang tawaging Maruem?" tanong ni Mang Inuwa na nagpalaki ng aking mata. "Paano mo nalaman, Mang Inuwa?" gulat na tanong ko. "Alam ko na noon pa, Prinsipe Maruem. Ikaw lang ang tanging nilalang sa Underworld na walang abilidad pa o kapangyarihan. Bumalik ka na sa iyong pamilya dahil hinahanap ka na nila. Tiyak kong kaya mo na ngayon na ipagtanggol ang sarili mo ngunit huwag kang titigil sa pagsasanay. Ipagpatuloy mo ang iyong nasimulan hanggang sa maabot mo ang perpeksyon. May tiwala ako sa iyo. Ang mga bilin ko ay huwag mong kakalimutan," nakangiting paliwanag ni Mang Inuwa. Napaiyak ako dahil sa kaniyang sinabi at niyakap siya. Ngayon ko lamang ito naramdaman, ang pag-iyak dulot ng kasiyahan. Ni hindi ko kailan man naramdaman na may nagmahal sa akin, si Mang Inuwa lamang na tinuring akong parang anak. Inalagaan ako at hinulma para mas maging matatag na bampira. "Ngunit, paano niyo pala nasabi na handa na ako, Mang Inuwa? Dahil ba natalo ko ang aking dating pinakamabilis na pagtakbo?" tanong ko. "Dahil sa ipinainom ko sa iyo. Iba't ibang lasong halaman iyan at mga bulaklak na aking dinikdik. Kung namatay ka, hindi ka makakaalis dito ngunit buhay ka. Paniguradong sasakit lamang ang tiyan mo mamaya," nakangisi niyang sagot sa akin. "Mang Inuwa naman!" sigaw ko at kasabay noon ay ang paglabas ng mabahong hangin mula sa aking pang-upo. Napa-utot ako! Napailing na ako nang maalala iyon kasama si Mang Inuwa. Binibisita ko noon ang kaniyang puntod bago iyon tayuan ng mga kabahayan sa kaharian ng Leviste. Hinding-hindi ko makakalimutan si Mang Inuwa na aking naging unang guro. Ang nilalang na nagturo sa akin kung saan sa kaniya mismo ako may natutunan. Ibang klase rin siyang nilalang, matalino kaya naturuan niya rin ako sa eskwelahan ng mga bagay na napag-iwanan ako bago ako bumalik sa kaharian. Dahil din kalahating bampira at kalahating taong-lobo si Mang Inuwa, kakaiba ang kaniyang abilidad. Kaya niyang pagsabayin ang natural na abilidad ng isang bampira at taong-lobo ng sabay. Kaya niya ring maging lobo kahit anong oras. Napaayos naman ako ng upo mula sa aking sasakyan. Pauwi na ako sa kastilyo ng aming kaharian. Nalaman ko pang may magaganap na selebrasyon dalawang linggo mula ngayon sa kaharian ng Leviste Kingdom. Selebrasyon para sa bagong hihiranging hari ang patungkol sa pagdiriwang. Titingnan ko rin kung maayos ba ang papalit o isa sa dudurugin ko kapag lalaban iyon para sa pwesto ng pagka-emperador. Basura ang pamamalakad nila. Malapit na kami sa kaharian. Maayos kong naisagawa ang pagpapalinis, lalawakan ko pa at sasabihan ang bawat otoridad sa bawat syudad. Malawakang paglinis at gagawin kong modelo ang aming kaharian para sa iba. Lagi nilang sinasabing kulang ako sa pagpapabango ng pangalan, wala akong pakialam doon. Pagpapabango ng propaganda, mga batas, at ng kaharian ang gusto ko. Matagal na rin naman akong mabango. Nang makarating kami sa kaharian ay agad akong bumaba ng sasakyan. Bago pa ako makapasok sa loob ay may humarang na sa akin. Mukhang maharlika, halos kasing edaran ko lamang din. Lalaki ito ngunit hindi katikasan ang tindig. "Huwag kang humarang sa daan ko, mahina. Huwag ka ring lumapit sa akin dahil baka mahawa ako sa iyo," mayabang nitong sabi ngunit para namang ipit ang boses. "Huwag mo rin akong lapitan. Paminta ka, baka mahawa pa ako sa iyo," malamig ko namang sabi sa kaniya. Nilampasan ko na siya ngunit muli itong humarang sa harap ko. Huwag niyang masubukan ang aking pasensiya. Baka hindi ako makapagtimpi at hindi ko siya masanto. Wala akong awa kahit may muli pa akong balian. Ang sarap niyang balian ng tadyang. Halatang gusto nito akong subukan at ipahiya. Basa ko na mula sa kaniyang pagngisi. "Bakit ba ang angas mo, ha? Sa tingin mo ba ay bading ako? Baka pakitaan kita r'yan! Ako si Haring Sebastian ng Esocrates Kingdom kaya huwag kang haharang-harang sa aking daan!" malakas niyang sigaw. Napaatras ako dahil sa kaniyang mabahong hininga. Napamasahe naman ako sa aking sintido. Nawawalan na talaga ako ng pasensya, kailangan ko na rin ng beauty rest. Kahit may isang tumubong tigyawat sa aking mukha ay uubusin ko ang lahi niya. "Pwede bang umalis ka sa dinaraanan ko? Magpapahinga na ako at galing pa ako sa malayong lugar. Kaya kung ayaw mong balian kita ng buto gaya ng ginawa ko kay Prinsipe Dominique, umalis ka sa harap ko. Isa pang salitang lalabas sa bibig mo ay sisirain ko ang buong palapag na ito gamit ang iyong katawan," seryoso kong sabi. Nilampasan ko ito ngunit agad itong pumalakpak kaya napatigil ako. Pinalabas ko ang aking kuko at pinatibay ang aking buto. Bumwelo na rin ako ng lakas sa aking binti. "Ang angas–" Agad kong hinuli ang kaniyang leeg at ibinaon siya sa sahig. Agad kong hinagis ang kaniyang katawan sa dulong kwarto. Tumagos siya roon kaya agad ko siyang sinundan. "Kuya Maruem naman!" sigaw ni Chadler na nakikipaglaro sa isang bata ng baraha. "Bitawan mo ang kuya ko!" sigaw ng batang babae. Hawak ko na ulit sa leeg si Haring Sebastian. Binitawan ko ito ngunit agad niyang pinalipad sa aking mukha ang kaniyang kamao. Hinarang ko naman ang aking palad upang hindi madumihan ang aking gwapong mukha ng kaniyang maruming kamay. "May bata," sabi ng aking isip. Inosente ito kaya nagtatalo ang aking isip kung dudurugin ko ang kamao ng kuya niya o hindi. Nang murahin ako ng batang ito at agad kong dinurog ang kaniyang kapatid. "Mahina ka sabi ni kuya kaya huwag mo siyang simulan! Kahit ako ay kaya kitang patumbahin tanga!" matapang niyang sabi. Kahit mga bata ay mapang-maliit na rin. Agad kong dinurog ang kamao ni Haring Sebastian. Namilipit ito sa sakit at napahiga sa sahig. Hinuli ko ulit ito sa leeg at dinala sa labas. Lumubog ang aking paa sa sahig at hindi ako makaalis. Nakangisi naman si Prinsipe Sebastian na umiinda pa rin sa sakit. "Mamamatay ka na ngayon," matapang niyang sabi. Binitawan ko ang kaniyang leeg at dinurog ang aming sahig. Napakalaking butas ang aking nalikha gamit lamang ang aking kamao. Nang magpagpag ako ng damit ay pinakita ko ang aking mahabang pangil sa kaniya. Agad itong natakot. "Halimaw, halimaw ka!" takot niyang sigaw. Tumakbo siya papalayo sa akin. Nang liliko na siya ay mabilis kong hinuli ang kaniyang leeg. Ibinalibag ko siya sa bakanteng kwarto. Tumagos ang katawan ng kawawang si Haring Sebastian hanggang sa dulo. Matamlay na ang kaniyang paghinga nang pakinggan ko. Rinig ko na rin ang mga nagmamadaling paa na papunta sa aming direksyon. Agad naman akong tumakas na at umakyat sa aking silid. Kasalanan niya, wala akong kasalanan. Siya ang nagsimula ng gulo. Talagang halimaw lang ang lakas ko. Nang makapasok ako sa aking silid ay agad akong nagtanggal ng damit. Ibinato ko ito sa labahan at dumiretso sa banyo upang maligo. Napakapresko, ang sarap ng lagaslas ng tubig. Matapos kong maligo ay nakahubad akong lumabas ng aking silid. Tulo-tulo pa ang tubig mula sa aking magandang katawan. Agad naman akong kumuha ng boxer na maisusuot. Humiga na ako sa kama para matulog. "Hayop na haring iyan, tingnan mo ang ginawa sa anak ko! Napakahinhin ng aking anak at mabuti pagkatapos ay sasaktan ng ganito! Hindi ako makakapayag, kailangan niyang maparusahan!" rinig kong sigaw mula sa labas. Umaalingawngaw ang boses na iyon. "Huwag na ama, nakakatakot siya! Umalis na tayo rito! Kasalanan ko, ako ang may kasalanan! Ayaw kong mabalian pa ulit ng buto!" rinig ko namang sigaw ng Haring Sebastian na iyon. Nagtalukbong ako ng kumot dahil ang iingay nila sa labas. Narinig ko na rin ang boses ng aking ama na mukhang kakarating lang. Paniguradong galit na galit na naman sa akin iyon. Kasalanan ko bang lapitin ako ng gulo dahil sa mayayabang na mahaharlika. Kung marunong lamang sila na trumato ng tama ay hindi nila iyon aabutin sa akin. Hindi ko na pinakinggan pa ang pag-uusap sa ibaba at sinubukan nang matulog. Agad naman akong nagpadala sa antok. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD