LEAN MACAROV Sa kadiliman ng buwan, dahan-dahan akong naglakad palabas ng kwarto ko. Tumakbo ako sa gitna ng madilim na hallway, nararamdaman ang mga mata ng mga tao sa portrait painting na nakadikit sa mga pader ng mansyon. Sinilip ang ang hagdan at nakitang walang tao dito. Bumaba ako, bawat yapak pababa ng hagdan, mas lalong lumalakas ang t***k ng puso ko. Pumasok ako sa likod ng mansyon kung saan pumupunta ang mga tagasilbi para kumuha ng mga lulutuin. Sa likod ng napakalaking pintuan ay sunod-sunod na mga naglalakihang istante kung saan nakalagay ang mga sangkap, sa gilid naman ay ang malaking metal na pintuan na pinaglalagyan ng mga frozen goods tulad ng mga karne, poultry at iba pang kailangan ng lamig para hindi masira. Naglakad ako sa gitna ng mga estante, hinahanap ang isan

