LEAN MACAROV Bumalik sila a pagkakaupo, kinumpas ng hari ang kanyang kamay at mabilis na inilagay ng mga tagasilbi ang mga pagkain sa mesa. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sobrang dami nito. "Alam kong nagugutom na kayo kaya sige" sabi ng hari at kinumpas ulit ang kamay niya, sabay-sabay namang kinuha ang cover ng mga pagkain. Mabilis na kumalat ang masarap na mga amoy. Sa katapusan ng mesa, may inilagay ang mga tagasilbi. Isang maliit na fountain, di nagtagal ay gumana ito at may lumabas na itim na likido. Napakagat labi ako, Chocolate Fountain? Hindi lang iyan pero may inilagay din silang iba't-ibang sweets at chocolate sa mesa. "You must be the Weaver" napalingon ako nang magsalita ang reyna. Walang emosyon ang makikita sa mukha niya, parang masnakakatakot siya kumpara sa hari.

