LEAN MACAROV "Lean" hindi ako makapaniwala. Bakit hindi ko napansin? "Hoy!" Napatili ako nang tinapik ni Shane ang balikat ko. Tiningnan ako ni Tracy. "Kanina ka pa tulala" sabi niya sa akin. Bigla akong natauhan, nasa loob kami ng kwarto ni Tracy at bagong ligo. Ginamot na din ang mga sugat ko ng mga Healers nila. Napahawak ako sa kumot ng kama ni Tracy na inuupuan ko. Ang kwarto niya ay malaki at kulay rosas. May mga bulaklak na nakapinta sa mga pader, may kabinet din siya na para sa mga libro, may mesa para sa pag-aaral at yung kumikinang niyang mesa na para sa pagpapaganda. May mga maliliit na ilaw na nakapaligid sa napakalaking salamin. May kabinet din siya para sa mga pampaganda niya. Naalala ko bigla ang kwarto ko sa mansyon, yung mg alibrong binabasa ko at ang higaan ko na

