bc

Bloody Rain: the card game ( book II )

book_age18+
19
FOLLOW
1K
READ
murder
others
mafia
gangster
drama
tragedy
twisted
detective
war
serial-killer
like
intro-logo
Blurb

Guys ito na Ang book 2 Ng My wife has a secret.

Paalala kung mahina ang sikmura mo ay skip ka na dito mas brutal Ang magaganap dito kaysa una. and take note Kung di mo pa nababasa ang book 1 skip ka muna kasi Hindi mo maiintindihan Ang magaganap dito. Kung sino ba si Agnes at Ang 7 cards pati na din si Bright sa buhay ng ating Bida.

.

.

Akala Ng lahat ay ayos na Malaya na sila sa gulong dinulot Ng nakaraan nila. Ngunit hindi nila inaasahan ang pagbabalik ng kanilang kalaban . Hindi lang pagbabalik Ang ginawa nito kundi pinasok nito Ang organisation nila Ng hindi nila nalalaman. Bukod doon malaya siyang Gawin Ang lahat Ng nais niya Ng walang nakakaalam na Siya Ang kalaban. Pinaglaruan niya Ang mga ito at pinatay Isa isa habang nagkakagulo Ang lahat sa pag iisip kung sino ang kalaban ay siya namang Kasiyahan na nararamdaman nito .

" Ang magdusa sila sa kamay ko Yan Ang gusto kong mangyare."

chap-preview
Free preview
chapter 1 " 10th card Died"
Kamusta guys ito na ang book 2 Ng My wife has a secret. kung di nyo pa nababasa ang book 1 skip muna kayo dito dahil hindi nyo maiintindihan Ang mga mangyayare dito. kung sinu ba si queen at Ang grupo Ng cards. And take note Po brutal Ang mga mangyayare dito kaya kung mahina ang sikmura mo skip ka na Hindi to bagay sayo. Sana suportahan din ninyo ito kagaya Ng sa part 1. thank you. Almirabella . . . . . . . Third Person point of view Halos magkagulo Ang lahat dahil sa nangyare na namang pagpatay. Laganap na ang kasamaan at halos madami na Ang nabibiktima . Pinuno Ng tunog Ng ambulansya at tunog ng serin Ng pulisya Ang buong lugar Ng pinangyarihan ng krimen. Isang lalaking nakahandusay sa sahig habang nakahiwalay naman Ang ulo nito sa katawan niya, isang brutal na pagpatay. Pinalilibutan ito ng mga kapulisan may mga kumukuha ng larawan at may mga reporter din sa paligid at yung iba nakiki isyuso lamang. " Grabe naman Ang ginawa sa taong ito." kumento ng mga nakapaligid dito. " Tsk nakakaawa. " . . Sa di kalayuan ay iniinterview Ng isang pulis Ang lalaking naka saksi sa pangyayare. " pwede Po ba ninyong ilahad sa akin Ang inyong nasaksihan. " turan nito habang may hawak na papel at ballpen. " Ganito ho kasi yun sir. Akoy naglalakad pauwe sa amin pero naisipan kong dito dumaan sa short cut para mapadali Ang aking pag uwe Ang kaso ay may nadinig akong nagsisigawan sa hindi kalayuan, binabantayan nila yung kawawang lalaki , pinapaamin siya Hindi ko alam kung tungkol saan. Basta ayaw umamin Nung lalaki kaya ayon pinutol nila yung dila pagkatapos ay pinutol Ang ulo napasigaw pa nga ako nung pinutol nila yung ulo Ng lalaki , Kaya Nakita din nila ako Akala ko katapusan ko na... pero hindi may inabot sila sa akin " may Kinuha ito sa kanyang bulsa at ini-abot sa pulis na kausap niya. " Sabi sakin nung lalaki ay iabot ko daw sa pulis ito pagkapos ay umalis na sila." paliwanag pa niya. Pinagmasdan iyon Ng pulis , isang baraha iyon 10 Diamond tapos may ekis ito sa gitna. Anong ibig sabihin noon.? Nagpasalamat Ang pulis sa lalaki. Lumayo ito sa mga tao sa paligid at kinuha ang cellphone niya . " hello." bungad Ng sa kabilang linya. " Spade , umatake na naman sila, Si 10 Diamond Patay na. Papadala ko sa inyo Ang details. " sabi nito sa kausap. " Salamat 2 of Spade. " sabi nito sa pulis. . Ilang taon din Ang lumipas nang mapagpasyahan Ng 7 card na mag recruit Ng bagong member Ng 7 card at iyon nga ay binubuo Ng 10 members bawat suit . Kay Flower Ay mula sa Ace- 10 club, Kay diamond ay Ace-10 , also kay Spade at Heart, pero Sina king , jack, At Queen ay Tig apat lamang at binubuo iyon Ng Jack of hearts, Diamond, flower o clubs, at spade , ganun din kina King at Queen. Pero nitong mga nakaraang Araw tila pinaglaruan Sila Ng kalaban, paano nila nalaman kung sino ang mga kasapi sa grupo , Isa lamang Ang ibig sabihin nito may traydor sa grupo ngunit sino yun.? Patay na lahat Ng 10, nina flower , Diamond, Spade at Heart , si 10 of Diamond Ang huling napatay at lahat sila pinugutan Ng ulo. Ano ang gusto Ng kalaban at sino Ang kanilang kalaban? . . Kaagad nilang tinignan ang email na dumating, silang 7 Ang naroon at nag uusap usap. " Bakit nila ginagawa ito? anong Plano nila.? " si Jack Ang nagsalita " Sa palagay ko ay may traydor sa grupo natin , " saad naman ni Diamond " sa palagay ko din . Ngunit sino? " Ani flower " Yan Ang dapat nating alamin." wika ni king nakikinig lamang Sina Queen at Spade sa mga sinasabi Ng mga ito at pinag iisipan ang mga dapat nilang Gawin. " Sa palagay ko ay alam na nila ang hideout natin at itong modeling station, kaya dapat na siguro tayong lumipat ng mas maganda at mas malaking station yung kakasya tayong lahat pati Ang mga armas natin." Suggest naman ni Spade . " Sa palagay ninyo si Dela Costa pa din Ang nasa likod nito? diba Siya lamang yung Hindi natin nahuli. Si Angelique naman ay Patay na so baka lang Siya ang may pakana Ng lahat Ng ito, Baka gusto gumanti sa atin." si Diamond Ang nagsalita Nagkatinginan Ang mga ito na wari'y nag iisip. " Okay." tumayo si Spade " maghahanap ako Ng bagong hide out yung magiging safe tayo." . . . Lumapit si Agnes sa Asawa nitong nakaupo sa sofa habang nakatutok sa kanyang laptop. " Oh andiyan ka na pala.! " wika ni Bright sa asawa at humalik sa labi nito Humugot Ng malalim na hininga si Agnes bago nagsalita. " Umatake na naman Sila. " aniya ramdam ni Bright na nalulungkot Ang Asawa. " sino ? iyong pumatay ba kina 10 of Flower, 10 of Spade at 10 of heart ?" tanong nito Kay Agnes , alam na ni Bright Ang lahat Ng nangyayare sa loob Ng organisasyon nila Agnes dahil ito ay kasali na grupo nila, noong una ay ayaw ni Agnes pero mapilit Ang Asawa kaya pumayag na ito. Under Siya ni King , Ang code name niya ay king of spade. " Oo Patay na din si 10 of Diamond. kagaya Ng tatlo pinugutan din Ng ulo" aniya sa asawa. napaayos Ng upo si Bright sa narinig " Ibig mo bang sabihin naubos na Ang 10ths? " tumango naman si Agnes sa Asawa . Isinarado nito ang kanyang laptop at bumuntong hininga. " Sinu na naman kaya Ang may gawa nito.!? "tanong niya. " Ang totoo hindi naman ako natatakot para sa sarili ko. Natatakot ako para sa mga anak ko. Paano kung Sila ang balingan Ng kalaban. Kilala na siguro nila ako. " wika ni Agnes sa Asawa. Niyakap siya ni Bright " Kaya nga tinuturuan natin silang lumaban Hindi Ba? Para kung sakali na Wala Tayo sa tabi nila ay kaya nila protektahan Ang isa't isa. " Sabi ni Bright Kay Agnes. 10 taon Ang kambal nila Ng turuan Ng mga ito kung paano humawak Ng baril at spada Ang dalawa. Tinuruan din ni Agnes Ng martial arts Ang kambal at si Bright. lahat Ng natutunan nito ay itinuro niya sa mga ito. Sa ngayon ay 16 years old na Ang dalawa at magtatapos na sa high school. Si Cloudine na siyang nakamana Ng mata ni Agnes ay hindi ikinahiya Ang kulay Ng mata niya at proud pa Siya na blue Ang mata niya. Ngunit Isa iyon sa ipinag tataka ni Agnes paano namana Ng anak nito ang kanyang mata gayong device lamang ito na inilagay sa kanyang mata .Maaari kayang humalo sa DNA niya ang kung ano mang Inilagay sa mata niya kaya namana ito Ng anak.? Hindi niya ito masagot at Wala nang makakasagot pa nito dahil Patay na Ang taong naglagay noon sa mata niya. Lumaki Ang dalawa na mabuting bata, Lalo na si Sky , Namana nito Ang ugali Ng kanyang papa samatalang kay Agnes naman ni Cloudine ang ugali, masyadong matapang at panlaban ito. Siya ang Taga pag tanggol ng kapatid. Lalo na tuwing nabubully ito. " Good evening mom." bati ni Cloudine sa kanyang mama. kalalabas lamang nito sa kwarto niya at mukhang kukuha Ng tubig dahil may dala itong baso. Lumapit ito sa kanyang ina at humalik sa pisnge. " Good evening, nasaan Ang kapatid mo?" tanong nito dito. " Nasa kwarto nya mom nag lalaro na naman ng Mobile legend." pagsusumbong nito " pero okay lang yun mom tapos na naman siya sa Assignment niya , " dagdag pa nito at pumunta na sa kusina. Alam kasi nito na mapapagalitan si Sky kapag inuna ang paglalaro kesa sa assignment niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
16.9K
bc

Beyond the Divine States

read
1K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
550.9K
bc

Nanny And Her Four Alpha Bullies

read
22.9K
bc

Dominating the Dominatrix

read
52.5K
bc

The Slave Mated To The Pack's Angel

read
378.2K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
783.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook