Third Person point of view
.
Halos magkagulo ang Card society Ng malaman nilang inambush ang kanilang mga kasamahan Apat sila at sa magkakaibang lugar , tadtad Ng bala Ang mga katawan Ng mga ito at tila Isa silang mga hayop dahil sa ginawang pagpatay sa mga ito ,walang awang pagpatay. Bukod sa bala ay Nakita na laslas din ang bandang tiyan nila at nawawala Ng ilang parte ng laman loob Ng mga ito . Ang hinala nila ay kinuha iyon at ibenebenta sa black market, Dahil Hindi lamang kasapi sa card ang kanilang binibiktima pati na din Ang mga walang kamuwang muwang na bata, matatagpuan na lamang Ang mga ito na wala Ng buhay at labas Ang mga bituka .
Hindi pa din nila alam kung sino ang nasa likod Ng lahat Ng ito .
May inilabas si Spade mula sa kanyang bulsa at ipinatong iyon sa lamesa.
Ipinatawag nito Ang ilang meyembro na walang misyon
" Ito Ang mga card na nakuha sa katawan Ng ating mga kasamahan, at mukhang balak nila tayong ubusin, " wika ni Spade
" Patay na Ang 9ths lahat sila ay iisa Ang ikinamatay , Ganon din Ang 10ths ," Sabi pa niya, mababakasan ng takot sa mga mukha ng ilang member ng cards
" Sana mas pagbutihan ninyo ang pagsasanay upang Hindi kayo madaling magapi Ng ating kalaban. Ihanda palagi ninyo Ang inyong sarili dahil Hindi natin kilala Ang ating kalaban . " saad pa niya
.
.
.
8th of hearts POV
Nang matapos ang meeting ay kaagad akong umalis sa aming hide out dahil may lakad pa ako. Naka pag paalam na ako Kay Master Heart na kailangan kung puntahan Ang aking anak sa hospital dahil isinugod ito Ng aking asawa dahil sa taas ng lagnat.
Nakilala ko si Master Heart sa isang bangketa kung saan napalaban ako dahil sa isang magnanakaw na kinuha ang aking wallet, Kailangan ko Ang pera na yun kaya kahit buwis buhay ay nakipaglaban ako. Mabuti na lamang at napadaan doon si Master Heart, at tinulungan ako, inalok ako nito na sumali sa grupo niya Nung una ay nag alinlangan ako dahil Hindi ko naman Siya ganun kakilala, siguro ay naisip din niya iyon kaya ibinigay nito Ang kanyang contact number sa akin at tawagan ko daw siya kung mag bago ang isip ko, Aniya ay hindi lamang daw ako tuturuan na lumaban kundi may trabaho din na naghihintay sa akin, Sakto naman noon na natanggal ako sa trabaho Nung araw din na iyon kaya mahalaga sa akin yung pera na kinuha sa akin ng magnanakaw .
Pinag isipan ko iyong mabuti dahil kailangan ko Ng trabaho ay tinawagan ko ito.
ipinaliwanag nito ang tungkol sa kanilang organisasyon at Ang pagtulong nila sa mga tao, Doon pa lamang sa sinabi nito ay naingganyo na ako , Sabi niya ay magtatrabaho ako bilang isang Staff Ng modeling station medyo Malaki din Ang sweldo kaya napa oo na ako.
Hanggang sa sumabak na nga ako sa pag te- training Nung una ay nahirapan ako pero di naglaon ay natuto din , pati mga armas ay itinuro din niya.
Nalaman ko na 7 lamang Sila noon sa grupo at napag isipan nila na bumuo ng isang organisasyon at padamihin Ang kanilang meyembro para mas madami silang matulungan na tao. Ang 7 cards noon ay nadagdagan Ng 52 plus yung dalawang joker 54 Ang lahat Ng tao na kinuha nila pero ni Minsan ay hindi ko pa nakikilala Ang 2 joker. Bali 61 kami lahat sa grupo pero Ngayon ay Patay na Ang apat na 10ths at Ang apat na 9ths , Hindi ko pa din maiwasan na matakot dahil sa pagkamatay nila paano kung ako na pala Ang sunod. Paano na Ang pamilya ko.
Pumara ako ng taxi para mapuntahan ko kaagad Ang aking anak sa hospital, Pagkasakay ko ay siyang pagharurot naman ng isang kotseng itim mula sa likuran ng taxi na sinasakyan ko.
Shit , napahawak ako sa aking noo na tumama sa pintuan ng taxi , dumugo iyon nanlalabo na Ang aking paningin dahil sa pagkahilo, natanaw ko Ang mga lalaking lumabas ng kanilang sasakyan may dala ang mga itong baril at nagmadaling tunguhin ang kinaroroonan ko. Nakita ko si Manong driver na lumabas ng sasakyan at nagmadaling umalis dahil sa takot.
Hindi pa kami ganun kalayo sa station kaya nagawa ko pang humakbang palapit Doon habang hawak ko pa din Ang aking ulo na dumudugo, pero kaagad din nila akong naabutan , naalala ko Ang Relo na suot ko na ibinigay sa akin ni Master heart galing daw iyon Kay Master Spade , Pinindot ko iyon upang makaagaw Ng pansin sa kanila.
Nakipaglaban ako sa lalaking humawak sa akin pero pinalo Ng baril Ang ulo kaya natumba ako, nadinig ko pa ang palitan Ng putok Ng baril bago ko naramdaman ang pagtama Ng bala sa aking likuran
"A.. anak ko.."
.
.
7th of Diamond POV
Nang Makita ko ang pag ilaw Ng aking Relo ay kaagad akong napatayo , Si 8th of heart nasa panganib. Nakita ko na naalarma na din Ang iba kong kasamahan kahit Hindi ko sila sabihan ay alam kong alam na nila ang ibig sabihin noon.
Mabilis akong lumabas ng station,
At Nakita ko Ang eksena na naganap kaya mabilis kung kinuha ang aking baril at pinaputukan ang mga kalaban, naka suot Ang mga ito Ng Bonet kaya Hindi namin Makita ang kanilang mukha,
Gumanti Ang mga ito Ng baril , Nakita ko na binaril ng isa si 8Th of hearts sa likod habang naka dapa ito, hindi ko mabilang kung ilang putok Ang ginawa nito basta Ang alam ko ay Patuloy lamang kami sa pagbaril sa mga ito . Nakatago Ang mga ito sa sasakyan, pero kita ko na may inihagis ang mga ito sa katawan ni 8th bago mabilis na sumakay sa sasakyan nila at umalis,.
Nakita ko na tumakbo si 5th of heart dito Ang alam ko ay mag best friend Ang dalawang ito .
" 8th, Ric please wake up." nadinig kong Sabi nito habang hawak ang kamay Ng kaibigan, itinihaya niya ito.
" A... ang, anak k.. ko." huling salita nito bago nalagutan Ng hininga.
Nakita ko kung paano niyogyog at iniyakan ni 5th si 8th , Nilapitan ko ito at hinagod Ang likod ,
," Guys look." turan naman ni 8th of diamond, Napalingon kami dito at hawak nito Ang isang baraha.
" 8th of hearts " basa ko dito may malaking ekis ito sa gitna tanda na Wala na si 8th.
" What happened here, ?" boses Ng bagong dating na si Master Heart, nanlaki pa ang mata nito Ng Makita si 8th na Wala nang buhay nilapitan niya ito at hindi nakaligtas sa paningin ko Ang mga luhang dumaloy sa pisnge nito. Kasunod niya si Master Queen at Master Spade.
Iniabot ko Kay Master Spade ang baraha na nakuha ni 8th of diamond, Nakita ko ang Galit sa mukha nito.
Dinukot nito Ang Cellphone at tinawagan si SPO2 aka 2 Spade kasapi siya sa card at under Siya ni Master Spade.
Nadinig ko na sinabi nito na magpadala Ng mga pulis dito upang imbistigahan Ang nangyare,
Nakita ko na pumasok sa loob ang mga master namin mukhang may pag uusapan sila. Sana talaga mahanap na kung sino man ang may pakana nito dahil sa totoo lang Hindi na ito nakakatuwa. Pinaglalaruan kami at iniisa isa.