Hazzle POV
Maaga akong umalis Ng station para puntahan iyong bagong company na ipinapatayo ni Spade mas Malaki ito at mas maluwang , Ang Sabi niya ay papangalanan niya itong FASHION NOVA COMPANY, mas pinalaki at mas Pina hightech Ang mga gamit , para saan pa daw Ang natutunan niya sa kanyang ama amahan kung hindi niya gagamitin.
Kasama ko si Agnes at si Emely ayaw magpaiwan Ng dalawa gusto din daw nilang Makita . Ang Sabi ko ay bago na kapag tapos na pero gusto daw nila na Makita yung area. Sabi ni Victor ay susunod na lamang siya sa amin at isasama niya ang 3 na Sina kristoff , Reymond , at si Famela .
Iniiwasan din namin na ipaalam ito sa ibang meyembro dahil alam namin na may nakapasok na namang traydor sa grupo ngunit hindi pa namin iyon alam kung sino. Kaming 7 lamang muna ang makakaalam ng mga Plano dahil mahirap na at baka mabulilyaso pa ang aming plano. Sigurado naman kami na walang traydor sa aming 7 dahil sa tagal na nang aming pinagsamahan ay sigurado akong loyal na kami sa isa't isa.
.
Nang makarating kami sa area ay malulula ka sa lawak , madami ding mga trabahador na gumagawa. Isinuot namin ang dilaw na helmet bilang protector sa ulo namin kung sakaling may bumagsak na bagay mula sa itaas .
Lumakad na kami papasok nakasalubong ko pa si Engineer Jayson, kaibigan Siya ng Asawa ko Hindi ko alam kung saan sila nagkakilala pero Sabi ni Victor ay matagal na niya itong kilala at tiwala Siya sa husay nito pagdating sa pagdedesenyo ng gusali at sigurado daw siyang masusunod Ang lahat ng style na gusto niyang mangyare sa building.
O di ba Ang Arte Ng Asawa ko. Ganon kasi talaga iyon pag may gusto siyang gawin o may mga bagay na gusto niyang mangyare ay talagang pinaghihirapan niyang gawin o mas pinagtutuunan niya Ng pansin . Sa kanya din siguro namana Ng anak namin Ang ganong ugali .
sa ngayon ay 11 years old na Ang anak namin ni Victor , Ang anak ni Agnes ay 16 years old na medyo natagalan din kasi bago kami nakabuo ni Victor, ang anak naman nina Emely at kristoff ay babae 10 years old lamang ito kahit Bata pa ay makikita mo na talagang magandang bata, Ang anak naman ni Famela at Reymond ay lalaki din at kasing edad lamang Ng anak ko nauna lamang na ipinanganak Ang aking anak Bali 5 buwan Ang pagitan nila , April 10 Ang aking anak samantalang September 27 naman ang anak nilang dalawa.
Graduating na Ang dalawang lalaki sa elementary samantalang grade 5 pa lamang Ang anak ni Emely at Kristoff, Ang kambal naman nila Agnes at Bright ay graduating na din Ng high school. Mga Bata pa ang mga anak namin pero hinahasa na namin sa pakikipaglaban upang kaya nilang maipagtanggol ang kanilang sarili sa Oras nang pangangailangan.
.
Nang makapasok kami sa loob ay inilibot namin ang aming paningin maganda ang style kahit Hindi pa tapos.
" Ma'am Emely ito Ang desenyo na gusto ni boss Victor. " ipinakita nito sa akin Ang layout ng pinapagawang building.
Ibinuklat nito Ang isang malaking papel at naroon naka drawing Ang magiging itsura ng building, maganda Ang design at sigurado akong mas maganda ito kapag ayos na Ang building.
Nilibot lamang namin iyon at Maya maya ay Nakita namin na dumating na sila pero hindi kasama si Famela,.
" Nasaan si Famela ? " tanong ko Kay victor pagkatapos kong humalik sa labi nito.
," Nagpaiwan na siya dahil walang maiiwan sa station kung sakaling may mangyare na naman na Hindi maganda. " wika ni Victor.
Tumango aKo dito at iginaya Sila sa may lamesa kung nasaan ang layout ng building.
Pinagmasdan niya iyon at napangiti Siya sa itsura nito.
" hindi ako nagkamali sa pagkuha sa kanya. " Ani ni Victor Ang tinutukoy nito ay si Jayson.
" Hmm guys , Una na ako sa inyo pupuntahan ko pa kasi Si Bright sa opisina niya. " wika ni Agnes.
Tumango naman kami dito bago ito umalis , Napansin ko lang na isinusuot na ulit ni Agnes Ang kanyang contact lens dati kasi ay hindi na nito isinusuot iyon dahil Ang Sabi niya ay Wala na siyang dapat na itago pa dahil alam na ni Bright Ang lahat pero bakit tila nag iba ang ihip Ng hangin at nagsuot na ulit siya Ng contact lens. But it's okay bagay naman sa kanya Ang black na kulay Ng mata .
Naglibot lamang kami sa area pagkatapos ay napagdesisyunan na namin na bumalik sa station.