Nagulat si Crane. Ramdam ko iyon sa pagtigil ng katawan niya, sa pagkunot ng noo kahit nakapikit kami, sa pag-hesitate ng labi niya sa una. Hindi niya inaasahan. Hindi ito ang sagot na hinahanap niya. Pero ilang segundo lang, sumabay na siya. Sumagot na siya sa halik na parang nalulunod. At iba ang halik na ito. Hindi tulad ng dati—yung possessive, yung aggressive, yung puno ng galit o selos o pagnanasang nag-aapoy. Hindi. Ito ay... ibang klase. Malambot pero desperado. Tender pero may halong iyak. Parang paalam na hindi pa sinasabi ng malakasan. Hinila ko siya papalapit sa akin. Ang mga braso ko ay pumulupot sa leeg niya, ang katawan ko ay dumikit sa kanya nang walang pagitan. Gusto kong maramdaman niya ang init ko. Gusto kong matandaan niya ito. Humiwalay siya saglit, hinihingal.

