Chapter 47

1810 Words

Malamig ang hangin sa London, iyong tipong tumatagos hanggang buto kahit pa balot na balot ako ng mamahaling trench coat na gawa sa cashmere. Tatlong buwan na ang nakalilipas mula nang lisanin ko ang Pilipinas—mula nang iwan ko ang buhay na kinagisnan ko bilang Meisha Rivera. ​Ngayon, nakatayo ako sa harap ng isang dambuhalang salamin sa loob ng aking silid sa Ashford Manor. Hindi ito kulungan, dahil malaya akong nakakalabas, pero bawat hakbang ko ay may nakabantay. Bawat kilos ko, kailangang perpekto. Binura ng mga stylist ang bakas ng pagod sa mukha ko, pinalitan ng mamahaling kolorete, at binihisan ako ng damit na nagkakahalaga ng milyun-milyong piso. ​Pero sa likod ng lahat ng ito, ako pa rin si Meisha. Ang babaeng nagmahal at nasaktan sa kamay ng isang De Vera. ​Isang katok ang bum

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD