Pinaulanan ko ng matatalim na irap si Baste habang nasa harap kami ng hapag kainan. "Honey, why you look mad?" tanong sa'kin ni Mommy sa malamyos na tinig. "Nothing, Mom!" sagot ko naman sa ina. "Nag-aaral ka pa pala, Baste?" kapagkuwa'y tanong ni Mommy kay Baste. "Opo!" magalang na sagot ng binata. "Mainam 'yan. Keep learning!" nakangiting turan ni Mommy sa binata. "Medyo matanda na nga po ako para mag-aral. Pahinto-hinto rin po kasi ako dahil hindi na rin po kayang sustentuhan ng mga magulang ko ang pag-aralin pa ako. Kaya ako na lang po ang nagpatuloy kahit pahinto-hinto ng taon," paliwanag naman ni Baste. "Hindi pa naman huli ang lahat, Iho. Ano bang kurso ang kinukuha mo?" patuloy na tanong ni Mommy. "BS Management po!" nakangiting tugon ni Baste. Patuloy kong tinapunan ng m

