Naalimpungatan ako sa sunod-sunod na katok mula sa may pinto ng aking silid. "Sino 'yan?" humihikab kong tanong at saka nag-inat ng mga braso ko. "Ms. Cassy, pinapatawag na po ikaw ng Daddy mo," sagot naman sa akin ni Ella, ang dalagang katulong namin dito sa mansion. "Susunod na kamo!" pasigaw kong anas kay Ella. Tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa may pader at nanlaki ang mga mata ko nang makitang pasado alas siyete na pala. "Tiyak na sermon na naman ang aabutin ko nito kay Daddy." Dali-dali akong tumayo at saka nagtungo sa loob ng banyo upang mag-asikaso ng sarili. Pagbaba ko sa dining room ay tapos nang kumain sina Mommy at Daddy. "You're late again, Honey," sita sa akin ni Daddy na nakayuko habang nagbabasa ito ng diyaryo. "Dad, are you still getting mad at me?" malungkot

