Pinagmasdan ko ang natutulog na dalaga sa aking tabi. Napakaamong pagmasdan ng kaniyang mukha kahit pa nga ubod ng suplada ito. Nangiti ako nang maalala kung paanong wala itong magawa nang isubo ko sa kaniyang bibig ang kutsarang may lamang kanin at ulam. Para itong batang walang kakayahang makapagprotesta dahil tiyak na tatamaan siya ng pamalo. Mahirap ang trabahong ibinigay sa akin ng kaniyang ama ngunit may isang bahagi ng pagkatao ko ang pumapabor doon. Kung tutuusin ay 'di ko naman masasabing matapobreng tao si Cassy, dahil ilang beses ko na siyang kinakitaan ng kabutihan ng kalooban para sa ibang tao. Kagaya na lamang nang pagtatanggol niya sa batang babae mula sa mga lasenggong nambastos dito. Sadyang mataray at suplada lang talaga ang dalaga kaya't nami-misinterpret. Ngun

