"Bitiwan mo siya!" sigaw ng pamilyar na tinig ang nagpalingon sa'kin.
Tumambad sa'king paningin ang basurerong kinaiinisan na ngayo'y knight in shining armor ko na.
Dumako ang mga mata ko sa kaniyang katawan at wala sa loob na napalunok ako ng laway nang mapagmasdang maigi ang malapad nitong balikat pati na rin ang namumutok nitong mga muscles.
Simple lang ang suot niyang t-shirt ngunit hakab na hakab nama ang matipuno nitong dibdib na tila alaga sa work out.
'Kanto Boys!' pausal kong sambit sa sarili.
Tiyak akong pagkakaguluhan ito ng mga kababaihang naghahangad na makabingwit din ng isang kauri nito.
"F*ck! Nasa gitna ka na nga ng panganib pero nagagawa mo pa ring lumandi!" asik ko sa sarili.
"Huwag kang makialam dito," ganting sigaw ng manyakis na lalaki. "Problemang magsyota 'to!"
Napangiwi ako nang marinig ang sinabi ng manyakis na lalaki.
"Eeew!" nandidiring bulalas ko.
Hinila ko ang kamay na mahigpit na kinakapitan ng lalaking manyak ngunit hindi nito iyon binitiwan.
"You!" turo ko sa lalaking basurero.
"Alisin mo nga ang lalaking 'to sa harapan ko," utos ko pa sa lalaki.
Ngumisi lang sa'kin ang lalaking basurero, "At bakit naman ako makikialam sa problema ninyong dalawa ng syota mo?"
"Do you think papatol talaga ako sa isang manyak na lalaki," asik ko sa lalaking basurero kasabay nang pagtapon ng matalim na irap sa kaniya.
"Sorry, Miss, pero away magsyota 'yan kaya labas ako riyan." Tumalikod sa'min ang lalaking basurero saka humakbang na ito palayo.
"Ang walanghiya! Iniwan talaga ako sa manyakis na lalaking 'to!" nanggigigil kong turan sa isipan.
"Sabi ko naman sa'yo walang maniniwala sa mga sinasabi mo eh," anas naman ng manyakis na lalaki.
Muling hinila ng manyakis na lalaki ang kamay ko patungo sa kaniyang ari. Ngunit bago pa tuluyang sumayad ang kamay ko roon ay may matigas na brasong humila sa'king kamay kasabay nang pagsuntok ng isa pa nitong kamay sa mukha naman ng lalaking manyak.
Nanginginig ang mga tuhod ko kung kaya napaupo ako sa sahig. Takot na takot ang aking pakiramdam. Kung kaya kinagat ko ang pang-ibabang labi upang pigilan ang nagbabantang pag-iyak.
"P*tang-*na!" mura ng manyakis na lalaki at hinaplos nito ang pumutok na labi.
Tumayo ito upang gantihan ang taong nagligtas sa'kin mula sa kaniya.
Tumingin ako sa nakatalikod na lalaking nagligtas sa'kin at gusto ko sanang tawagin ito ngunit naunahan ako ng takot nang makitang inundayan ito ng suntok ng manyakis na lalaki.
Isang malakas na suntok muli ang tumama sa mukha ng manyakis na lalaki saka tuluyan na itong bumulagta sa sahig.
Humarap sa'kin ang lalaki at ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang makitang ang lalaking basurero pala ito.
"Ikaw?!" manghang bulalas ko.
Inilahad nito ang palad niya sa'kin upang tulungan akong makatayo.
"Salamat!" pasasalamat ko sa kaniya.
"Marunong ka naman palang magsalita ng hindi nakaangil," nakangisi nitong sabi.
"Cassy, Dear!" singit naman sa'min ng baklang Manager ng bar.
"I heard the reports of my staff, are you okay?" tanong sa'kin nito pero nasa lalaking tumulong sa'kin ang kaniyang mga mata.
"Kanto Boys..." usal pa ng baklang manager.
Nakaramdam ako ng inis sa ipinakitang atensyon ng baklang manager sa binata.
"Next time, tell your guards or staff na tulungan agad ang mga customer ninyong humihingi ng saklolo. Hindi 'yong aanga-anga sila sa isang tabi," mataray kong anas sa manager upang agawin ang atensyon nito sa binata at nagwagi naman akong maagaw iyon.
"And remember the face of this guy, hindi lahat ng nakapormal suits ay matinong lalaki. Nagkalat na ang mga manyakis sa paligid ng bar ninyo," mataray ko pang sermon sa baklang manager ng LiquidDoze Bar.
Narinig ko ang mahinang pagtawa nito. "Cassy, Dear. Normal na sa bar namin ang nagkalat na manyak.
Lumapit ito sa binatang nagligtas sa'kin.
"Dear, gusto mo bang maging empleyado ng LiquidDoze Bar?" malanding tanong nito sa binata sabay himas sa matipunong katawan ng lalaking basurero.
"Hindi na po, Sir!" magalang na sagot naman ng lalaking basurero.
Nakahinga naman ako ng maluwang sa sinabi nito.
"Kuya Baste!" Napalingon kami pareho sa batang sumigaw.
Tumakbo palapit sa kinaroroonan namin ang batang tumawag ng Kuya Baste.
"Ayos ka lang po ba, Ate Ganda?" tanong sa'kin ng bata.
May kung anong naramdaman akong sinseridad sa tanong na iyon at naramdaman ko ang totoong pakitang tao na natural na natural sa bata.
Nilapitan ko ang bata saka masuyong hinaplos ko ang pisngi nito.
"Oo, ayos lang ako. Salamat!" nakangiting turan ko sa bata.
"Botchok, natapos mo na ba ang trabaho natin?" tanong ng binata sa batang tinawag nitong Botchok.
"Opo, Kuya!" nakangiting sagot naman ng bata.
"Ang cute naman ng pangalan mo," nakangiting saad ko kay Botchok.
"Salamat po, Ate Ganda!" nakangiting tugon naman nito.
"Ano po palang pangalan mo, Ate Ganda?" tanong pa sa akin ng bata.
"Cassy!" Inilahad ko ang palad sa batang si Botchok.
Hindi ko alam kung anong mayroon ang bata, pero hindi ko maramdaman ang pandidiri sa kaniya nang maglapat ang aming mga palad kahit pa nga alam kong 'di hamak na basurero rin ito sapagkat kapatid ito ng lalaking basurero.
Narinig ko ang pagsinghap ng maarteng baklang manager ng LiquidDoze Bar at tumalikod ito sa'min.
"Siya naman po ang Kuya Baste ko." Turo naman ni Botchok sa binatang nagtanggol sa'kin mula sa manyakis na lalaki.
Hindi ko alam kung ilalahad ko rin ba ang palad sa binata o mananatili na lamang kay Botchok ang kamay ko.
"Tara na, Botchok!" aya ng lalaking basurero sa bata.
"Sandali!" Pigil ko sa kanila.
Dinampot ko ang bag na nahulog sa semento. Dumukot ako ng ilang libong pera roon at pilit kong iniabot iyon sa kanila.
"Para saan 'yan?" malamig na tanong sa'kin ng lalaking basurero.
"Pasasalamat ko sa pagtulong mo sa'kin," tugon ko naman sa kaniya.
"Itago mo na lang 'yang pera mo, Miss. Hindi ko naman pinababayaran sa'yo ang pagtulong ko," tiim bagang nitong sabi.
"Hindi ito bayad," pagpupumilit ko pa sa lalaki.
Matagal niya akong tinitigan sa mukha saka tinalikuran ako nito.
"Botchok!" tawag ko sa batang si Botchok na patakbong sumunod sa lalaki.
"Tago mo na lang 'yan Ate Cassy. Sa susunod mo na lang po kami ilibre ni Kuya Baste," pasigaw na sambit ni Botchok at nag-flying kiss pa ito.
"Baste pala ang pangalan niya!" wala sa loob na sambit ko sa sarili habang pinagmamasdan ang papalayong bulto ng katawan ng dalawang lalaki.
**********
"Good morning, Honey!" bati sa'kin ni Mommy.
Kasalukuyan na silang nasa hapag kainan at kumakain ng almusal.
"Good morning, Mom!" ganting bati ko rin sa ina at humalik ako sa pisngi nito.
"Good morning, Dad!" bati ko naman sa ama na humihigop ng kape sa tasa. Humalik ako sa pisngi nito.
"I heard a news about what happen to you last night at LiquidDoze Bar," seryosong sabi ng ama.
"Patay!" bulong ko sa sarili.
"Honey, ang katapangan ay inilalagay sa tamang huwisyo at hindi rin ito nababayaran ng kahit na anong halaga," pangaral pa sa'kin ni Daddy.
"I know, Dad!" nakayukong turan ko sa ama.
"Anyway, you need to train yourself on our company starting tomorrow," maawtoridad na pahayag ni Daddy.
"But, Dad!" bulalas ko sa ama.
"You need to train, Honey, or else I'm gonna cut all your cards and allowances," seryosong banta pa sa'kin ni Daddy.
"Mom?" hinging tulong ko sa ina.
"I'm sorry, Honey, but your Dad is right." Hinaplos nito ang kamay kong nakapatong sa mesa.
"This is unbelievable!" pabulalas kong anas sa magulang.
"Believe it now, Honey, cause it's true." Tumayo si Daddy mula sa pagkakaupo.
"After all, your a grown up lady now not a young teenager one." Lumapit ito sa'kin upang halikan ako sa pisngi.
"I love you, Honey!" bulong pa sa'kin ni Daddy bago ito tuluyang humakbang palayo.
"Mom?" Nagpapaawang mukha ang hinarap ko kay Mommy upang tulungan ako nito kay Daddy.
"You can do it, Honey!" nakangiti nitong sambit at saka tumayo na rin ito.
"I love you, Honey!" Hinalikan pa muna ako ni Mommy sa pisngi bago ito tumalikod palayo sa'kin.
Nakukunsuming naisapo ko ang palad sa noo. Hindi pa ako handa sa employment world na gusto ni Daddy na pasukin ko.
I really know my Dad, titiyakin nitong sa mababang posisyon ako magsisimula at hindi sa pagiging boss ng isang kumpanya.
Tiyak, sira na rin ang maliligayang araw ko!
"This can't be happen!" natitilihang bulalas ko
"I need to do something!" Tumayo ako mula sa pagkakaupo at saka bumalik sa loob ng kwarto ko.
Matapos kong maligo ay agad akong nagbihis at saka umalis na ng bahay.
Nagtungo ako sa opisina ni Airah ngunit hindi ko ito roon naabutan dahil out of town daw ito and to hell with her, ikinasal na pala siya ng 'di niya man lang iyon ipinaalam sa'min.
Sunod kong pinuntahan si Laureen, na 'di ko rin nakausap dahil sa maya't mayang meeting nito.
I next stop on Teria's office. Alam kong 'di ako mabibigo sa kaibigan kong 'yon. But, to my disappointment, Teria is not here because she is somewhere down the road.
Marla is my last hope, kahit naman papalit-palit 'yon ng boyfriends ay seryoso pa rin naman 'yon sa buhay.
Pagdating ko sa office niya ay naabutan ko siyang may kahalikang lalaki.
"Ehem!" Tikhim ko upang agawin ang kanilang atensyon ngunit 'di man lang sila nag-abalang lingunin ako.
"Ehem!" Muling tikhim ko.
"Better come back tomorrow, Cassy," saad naman ni Marla.
"What?!" mulagat kong sagot sa kaibigan na sinagot din ako nang pandidilat ng kaniyang mga mata.
Naiiling na umalis na lamang ako ng opisina nito.
"Bruha ka talaga!" bulalas ko kay Marla sa'king isipan.
"Makagat niyo sana ang mga labi ninyo!" dagdag ko pang sumpa sa kanila.
Napabuntong hininga na lamang ako. Wala na akong ibang choice kundi ang sumunod kay Daddy.
Sasagarin ko na ang pag-e-enjoy ngayon pa lang. Kinabig ko ang sasakyan patungo sa isang sikat na mall kung saan madalas akong mamili ng mga mamahaling gamit.
Idadaan ko na lang sa pagwi-window shop ang lahat ng inis na nararamdaman ko.
Habang nasa biyahe ay napansin ko sa gilid ng daan ang isang pamilyar na mukha ng lalaki.
Nakasabit ito sa likod ng truck ng basura habang inaabot ang basurang ibinibigay sa kaniya.
"Baste..." salitang nanulas sa'king bibig.
May kung anong sumibol na mahiwagang damdamin sa'king dibdib. Hindi ko alam kung awa, tuwa, o inis ba iyon.
Awa dahil sa nakita kong uri ng trabaho niya na kung saan natitiis nito ang mabahong amoy upang makapaghanap buhay lang ng maayos.
Tuwa dahil sa kabila ng kahirapan sa buhay ay mas pinipili pa rin nitong kumayod kaysa umasa sa iba o dili naman kaya'y gumawa ng maling bagay.
Inis dahil sa nakikitang paghaplos ng mga bakla at babaeng bruha sa kaniyang kamay partikular na sa ma-muscle nitong braso.
"The nerve of them!" asik ko sa isipan.
Inihinto ko ang sasakyan sa isang tabi at siniguro ko munang naka-locked iyon bago ako tumawid patungo sa lalaking basurero na pinagkakaguluhan na ngayon.
"Excuse me!" mataray kong saad sa mga bakla at babaeng bruha.
Hinawi ko ang mga 'to at saka nilapitan ko si Baste.
"Basura lang ang trabaho niya sa inyo at hindi kasama 'ron ang pahaplos ninyo," mataray kong sita sa mga bakla.
"Sino ka ba, Miss?" mataray na sagot ng isang pangit na bakla.
"Oo nga, Miss. Bakit ka ba nambabasag trip," maangas na sabi naman ng matabang babae.
Akmang dadakmain na nila ako nang hinarang ni Baste ang katawan niya sa'kin.
"Kalma lang, Ladies!" Kinindatan pa nito ang mga pangit.
Malakas na nagtilian naman ang mga bakla at bruhang babae.
"Epal naman kasi siya, Papa Baste," nakalabing sumbong ng bakla sa binata at 'di ito nakuntento sa pagsumbong dahil humimas pa talaga ito sa may bandang tiyan ng binata.
Nanggigigil na tinapunan ko ito ng matalim na irap.
"Aba't dukutin ko kaya 'yang mga mata mo." Muling susugurin sana ako ng babae nang yakapin ako ni Baste sa kanilang harapan.
Malakas na singhap ng mga taong nasa paligid namin ang siyang narinig ko kasabay nang malakas na pagkabog ng aking dibdib.
"Sabi ko naman sa inyo, magagalit ang Misis ko 'pag makita niya tayong hinaharot niyo ako," nakangiting wika ni Baste habang titig na titig ito sa'king mukha.
Napanganga naman ako sa kaniyang sinabi. "Ano raw?!"