Chapter 7- Cassandra “Cassy” Concepcion

1681 Words
"What did you say?!" mataray kong bulalas sa kaniya ngunit mabilis tinakpan nito ang bibig ko ng palad niya. Oh my! Ginamit nito ang palad sa paghakot ng basura tapos ipinantakip niya lang sa bibig ko. Eeww!!! "Sakyan mo na lang, Honey. Kung ayaw mong kuyugin ka nila rito," nakangiting bulong sa'kin ni Baste, na may riin sa bawat bagsak ng kaniyang mga salita. Inalis nito ang kamay na ipinantakip sa'king bibig. Pasimple ko namang inamoy iyon. "Pasalamat ka't hindi amoy basura ang kamay mo!" ani ko sa isipan. Magkaharap pa rin ang mga mukha namin at gahibla na lamang ang layo niyon sa isa't isa. Tila may magnet ang mga mata nitong pilit hinihila ang aking mga mata na tumitig sa kaniya. Napansin ko ang mahahaba niyang pilik mata na binagayan ng malamlam nitong mga mata. Napalunok ako nang mapadako ang mga mata ko sa mapupula niyang mga labi na parang kaysarap kuyumusin ng halik. "Huwag masyadong pakatitigan at baka magkaroon ng live show sa harap nila," nakangising bulong nito sa'kin dahilan para mamula ang pisngi ko. "Uwi na tayo mga Mamsh, may nanalo na kay Papa Baste," nanghihinayang na anas ng babaeng siyang gigil na gigil sugurin ako. "Asawa mo ba talaga siya, Papa Baste?" nagdududang tanong ng pangit na bakla. Malalakas na singhap ang sumunod kong narinig ng walang kaabog-abog na halikan ako ni Baste sa kanilang harapan. Nandidilat ang mga matang sinalubong ko ang kaniyang mga mata. Hindi ko alam kung anong espiritu ng k*tangahan ang sumapi sa'king katawan at tinugon ko rin ang halik ng basurerong ito. Ikinunyapit ko pa ang dalawang braso sa leeg nito! Palakpakan ng mga taong nasa paligid namin ang gumising sa tila lumilipad kong diwa gawa ng halikang iyon. Sasampalin ko sana ito nang bumulong siya sa'kin. "Tandaan mo, ikaw ang sumugod dito kaya panindigan mo ang dramang ito kung gusto mong makauwi sa inyo ng buo." Kinindatan pa ako nito at saka muling dinampian ng halik sa'king labi na siyang nagpatigagal sa'king katawan. "F*ck! Bakit ba kasi bumaba pa ako ng sasakyan para lamang sundan ang gunggong na basurerong ito!" nanggigigil kong turan sa sarili. "Sabi ko na basta gwapo, may asawa na talaga eh," naiiling na sabi ng isang babaeng tila kinulang sa tela ang kasuotan. "Bagay naman silang dalawa. Aminin natin mga Mamsh, maganda si Ateng Lukresya!" maarteng wika ng pangit na bakla. Napataas ang isang kilay ko sa narinig na sinabi ng pangit na baklang ito. Tawagin ba naman akong Ateng Lukresya! Siya nga mukhang si Dugong lang sa gitna ng karagatan na pwede nang itakwil ng tribu niya anumang oras na gustuhin ng mga iyon. Kaya siguro nandito 'to sa lupa. "Willing akong maging kabet mo, Papa Baste," malanding sabi ng isa pang bakla na kulang na lang ay hubarin na ang suot nitong tube sa wala namang umbok niyang dibdib. Lihim na inismiran ko ang mga 'to at saka tinapunan ng matatalim na irap. "Be careful, Honey! Baka kuyugin ka nila ulit," paalalang muli sa'kin ni Baste sa pabulong na pananalita. Pinisil nito ang tungki ng ilong ko bago humarap sa mga pangit nitong tagahanga. "Uuwi na muna kami ng Misis ko ha. Alam niyo naman ang mga naglilihi, madalas selosa talaga." Kumindat pa si Baste sa kaniyang mga tagahanga. "Ang w*langhiya, pinanindigan talaga ang pagiging mag-asawa namin kuno!" Narinig ko ang maktol at panghihinayang na ungol mula sa mga pangit niyang tagahanga. Kinapitan nito ang kamay ko at marahang hinila na ako patungo sa harapang bahagi ng truck ng basura na ngayon ko lang napagtantong nasa likuran pala namin habang kasalukuyang nagdadrama kami sa harap ng mga pangit nitong tagahanga. "Sh*t! If somebody saw me here, for sure they'll gonna laugh me," nababahalang anas ko sa sarili. Pasimpleng itinakip ko ang buhok sa pisngi upang ikubli ang kalahati ng aking mukha. "Pre, iuuwi ko muna si Misis sa bahay. Balik na lang ulit ako mamaya." Rinig kong paalam ni Baste sa taong nakaupo sa harapan ng manibela. "Gosh! Pinanindigan talaga ng lalaking ito na Misis niya, ako," maktol ko sa isipan. "Hindi ko alam na nag-asawa ka na pala, Pre. Pero, ang ganda niya ha, swerte mo naman!" tugon naman ng kausap ni Baste. "Sige na, Pre! Hatid ko muna sa bahay si Misis." Muling paalam ni Baste sa kausap at tinapik pa nito iyon sa balikat. Hindi nito binitiwan ang kamay kong kinapitan niya hanggang sa makatawid kami sa kabilang kanto. "Ehem!" Tikhim ko nang malayo na kaming dalawa sa mga pangit nitong tagahanga. "Baka pwede mo nang bitiwan ang kamay ko." Tinabig ko ang kamay nitong nakahawak sa'kin. "Ganiyan ka ba talaga magpasalamat sa taong parati na lamang nagliligtas sa'yo?" manghang tanong sa'kin nito. "Excuse me?!" balik tanong ko naman sa kaniya. "Sa susunod h'wag kang basta-basta na lamang susugod sa giyera na wala kang baong sandata. At lalong huwag na huwag kang makikipagsabayan ng galit sa mga kauri ko dahil tiyak na hihiram ka ng mukha sa aso. Sayang naman ang ganda mo, kung hihiram ka lang ng mukha sa hayop," nakangising litanya sa'kin nito. "Oh sh*t!" mura ko sa sarili nang mapagtanto ang katangahang nagawa. Tumalikod na ito saka nagsimulang humakbang palayo sa'kin. "Wait!" Hinabol ko ito at pinigilan sa kaniyang braso. "Mag-aabot ka na naman ba ng pera? Ipunin mo na lang 'yan para may pampaayos ka ng mukha mo sa oras na masira ito." Hinaplos pa nito ang aking pisngi. "Stupid!" paismid kong sambit. Tumaas ang isang kilay nito sa'kin. "So, matapos mo akong pigilang umalis ay sasabihan mo lang ako ng salitang stupid?" "My car!" kunsumidong tugon ko sa kaniya. Sa sobrang abala ng isip ko, nawala na sa loob ko ang sasakyang ipinarada ko malapit doon sa lugar na ginawan namin ng eksena. Inilahad nito ang palad niya sa aking harapan. "Wala akong perang dala. Naiwan sa loob ng sasakyan ang wallet ko," turan ko naman sa kaniya. "Give me your key!" Napatanga ako sa kaniya nang bigkasin nito ang mga salita sa banyagang lenggwahe. Naiiling na tinalikuran ako nito na siyang ikinabahala ko. "Sandali!" Hindi ito huminto sa paglalakad bagkus ay mas binilisan pa nito ang paglalakad. "Baste!" pasigaw ko nang tawag sa kaniya dahil ayaw nitong huminto. Lumingon sa'kin ito. "Naaabala mo na ang trabaho ko." Lumapit ako sa kaniya at kinapitan ko ang braso nito. "Baste..." pausal kong sambit sa kaniyang pangalan. Bahala na kung may makakita man sa amin. Ang mahalaga sa ngayon ay mabalikan ko ang sasakyan. "Please help me get my car." Akmang luluhod ako sa kaniyang harapan nang pigilan nito. "Huwag mo akong luhuran," matigas nitong sabi. "Please, I need to get my car. Magagalit sa'kin si Daddy 'pag iniwan ko 'yon doon," naluluha ko nang sambit. Totoong pagagalitan ako ni Daddy once na iniwan ko roon ang sasakyan. Tiyak na mapapadali ang pagputol ng allowances ko. Marahas na bumuga ito ng hangin saka muling inilahad nito ang palad sa'kin. Inabot ko naman sa kaniya ang susi ng aking sasakyan. Nagulat ako ng biglang hawakan nito ang braso ko saka marahang hinila niya patungo sa kinaroroonan ng aking sasakyan. "Nasaan ang sasakyan mo rito?" tanong sa'kin nito saka bumaling ang ulo sa kaliwa. Inilinga ko ang mata sa paligid upang hanapin ang iniwang sasakyan hanggang sa makita ko iyon sa may bandang dulo. "My car!" bulalas kong sigaw at itinuro sa binata ang kinaroroonan ng aking sasakyan. Nakita kong kinakalikot ng mga kalalakihan ang sasakyan ko at pilit nilang tinatanggalan iyon ng mga gulong. "Dito ka lang!" wika sa'kin ni Baste. Nilapitan ni Baste, ang mga lalaki at saka tinapik niya iyon sa balikat. "Maganda ba quality niyan, Pre?" tanong niya sa lalaking siyang kumakalikot ng gulong sa may bandang likuran. "Maganda, Pre! Mahal 'to 'pag binenta sa junkshop," tugon naman ng lalaki kay Baste. "Gano'n ba? Alam mo bang sasakyan ko 'yang kinakalkal mo," turan niya sa lalaki na tuluyang nagpalingon dito sa kaniya. Binigyan ni Baste ng suntok sa mukha ang lalaki kaya lumagapak iyon sa sahig. "G*go ka ah!" mura sa kaniya ng isa pang lalaki na nasa kabilang gulong naman. Lumapit ang isang lalaki sa kaniya at inundayan niya iyon ng suntok sa sikmura. "Baste!" natitilihang sigaw ko nang makitang naglabas ng patalim ang isang lalaki at iniumang iyon sa kaniya. "Oh my, God!" tanging nasambit ko na lamang kasabay nang pag-antandang krus sa sarili. Inilinga ko sa paligid ang aking mga paningin at humanap ako ng anumang matigas na bagay na pwedeng ipamalo sa lalaki. Nakakita ako ng kahoy at dinampot ko iyon upang ipanghampas sa lalaki. Napatili ako nang iwinasiwas ng lalaki ang patalim niya sa katawan ni Baste. "Baste!" sigaw ko nang makita ang kahindik-hindik na pangyayaring. Tinamaan ang binata sa may braso nito kung kaya't nagkalat ang dugo roon. Tumakbo ako palapit sa binata at hinaplos ko ang braso nitong nasugatan. "Baste..." Nanginginig ang mga kamay ko nang matitigan ang nagkalat nitong dugo. Nabigla ako nang yakapin nito sabay kinuha niya ang kahoy na hawak ko sa isang kamay. Inikot niya ang aming mga katawan upang paluin ang lalaking sumaksak sa kaniya na muling uunday sana ng saksak sa'ming mga katawan. Hinaplos ko ang braso niyang sinisiritan ng dugo at nakangiwing tinitigan ako nito sa mukha. "Nasaktan ka ba?" napapaigik nitong tanong sa akin. "Dugo..." nanginginig kong sambit nang mahawakan ang malapot niyang dugo. "Cassy!" Dumadagundong na tila kulog naman sa langit ang tinig ni Daddy mula sa kung saan. Nilingon ko kung saan banda nanggaling ang sigaw ni Daddy. "You need to explain all of this!" galit na sabi ng ama ko. "Daddy..." Hindi ko alam kung dahil sa mga nangyari kanina o dahil sa kaalamang nandito si Daddy sa aking kinaroroonan. Pakiramdam ko'y nanlambot ang mga tuhod ko kung kaya't nawalan iyon ng mga lakas. "Cassy!" matigas na tawag sa akin ni Daddy. Patay ka, Cassy! Ligwak lahat ng kaligayahan mo! Biglang bumuway ang tayo ko saka tuluyang nanlabo ang aking mga paningin. "Cassy!" baritonong boses ni Baste ang huli kong narinig bago ako tuluyang nawalan ng malay. Naramdaman kong sinalo ang aking katawan ng matitigas na bisig. "Cassy!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD