“MAY itatanong nga pala ako sa’yo, Austine. Matagal ko na itong gustong tanungin pero nahihiya lang ako dahil baka—“ “—baka magbago rin ang isip mo na makipagbalikan sa akin dahil sa pangyayari na iyon,” halos hindi matuloy na sabi ni Ezrah sa asawa. Gabi na iyon at naisipan nilang magtsaa sa hardin ni Austine habang ang ama nito ay nasa kwarto na at nagpapahinga. Napakunot ang noong napatingin sa kaniya si Austine at pagtataka ang emosyon na nasa mukha nito. “Ano iyon?” tanong sa kaniya ni Austine. “A-alam mo ang nangyari sa akin sa bar. I-inamin ko sa’yo na may nagsamantala sa aki at wala akong nagawa kundi pumayag dahil dinroga ako. K-kaya mo pa ba akong tanggapin kahit na may ibang nakagamit sa katawan ko?” tanong niya sa asawa. Nakita ni Ezrah na nag-igting ang panga ni Austin

