NARAMDAMAN ni Austine na gumalaw ang kamay ng ina kaya napatingin siya sa mukha nito at nakadilat nang nakatingin ito sa kaniya. Mabilis na pinahid ni Austine ang mga luha sa mga mata. “Ma!” bulalas niya. “Bakit malungkot ang baby boy ko?” nakangiting tanong nito sa kaniya. “Ma naman! Hindi na ako baby,” reklamo ni Austine pero may malambing na boses. Natawa naman ang ina kahit nanghihina at lumabas ang maganda at masayang ngiti sa labi saka hinaplos ang pisngi niya. “Oo nga pala. May asawa ka na nga, eh, at isang napakagandang babae,” nakangiting ayon ni Mama. “Hindi lang po maganda, Mama, mabuting tao pa at parehong-pareho kayo ng ugali kaya nga yata minahal ko si Ezrah dahil nakikita kita sa kaniya,” sabi nito. “Nakikita ko nga na mabuting tao si Ezrah at napakagalang pa. Natuw

