MARAMING tao ngayong araw sa pinatayong coffee shop ni Ezrah at Cassius. Magbubukas na rin sila ngayong araw kaya inimbitahan niya ang mga kaibigan, kaanak at pati na rin si Austine na isinama pa ang Papa at Mama nito na ikinagulat naman niya. Apat na buwan na silang hindi nagkikita at nag-uusap mag-asawa at sa mga panahon na iyon ay hindi lang siya sa trabaho naging abala kundi pati na rin sa negosyo nila ni Cassius na coffee shop. Freedom Coffee House Iyon ang naisip na pangalan ni Ezrah sa coffee shop nila ni Cassius na inayunan naman ng binata. Freedom dahil sa kalayaan niyang magpatayo ng coffee shop na hindi kinailangan ng pag-ayon ng nakakatandang kapatid o tulong man ni Austine. Sobrang saya niya ngayon dahil may isa na naman siyang naging achievement sa buhay at ang coffee sh

