KINABUKASAN ay nagkamalay na si Amihan subalit kahit ilang beses na nila ng Ate Ezella ni Ezrah ang pinsan ay hindi sila nito sinasagot at tahimik lang na nakatingin sa kanila. Kahit nang dumalaw ang Mamang niya at magtanong ay hindi pa rin ito nagsalita. Wala tuloy silang nagawa kundi hayaan na lang si Amihan at huwag nang tanungin pa kung anong tunay na dahilan nang pangbubugbog ng Kuya nila sa pinsan. Hindi muna pumasok si Ezrah sa araw na iyon para bantayan si Amihan at pinauwi na rin niya ang Ate Ezella at Kuya Zion para hindi mapaano ang Ate niya ganoon na rin ang Lola nila. “May dinalang pagkain dito pero kung ayaw mo niyan ay bumili na rin ako ng pagkain sa restaurant na alam kong paborito mo, Ami, kapag nagugutom ka ay sabihan mo lang ako para mabigyan kita,” bilin ni Ezrah sa p

