CHAPTER 3

1121 Words
Napaatras nang bahagya si Celina at halatang kinakabahan. "Sir…" sambit nito. "Bakit ka lumapit?" dagdag niya namas mahigpit na ngayon ang boses. Sandaling katahimikan ang namayani nang ramdam ni Ador na may mali. "Pwede po bang dito na lang po ako sa malapit sa inyo?" mahinang tanong ni Celina. "Bakit?" agad niyang sagot. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kumot. "Natatakot po ako sa labas sa paligid," sagot nito. "Kaya nga pinauwi kita agad kanina dahil hindi ka dapat nandito sa lugar na ‘to," mariin niyang sabi. Ngunit imbes na umatras ito ay nanatili si Celina sa pwesto nito. Mas nangingibabaw ang kaba nito na tila nawala ang kilig nang malaman nitong mukhang masungit ang lalaki sa kubo. "Sir…" muling sabi nito ng mas mahina. Napatingin si Ador nang direkta rito at sa sandaling iyon, nakita niya ang totoo, hindi pakitang gilas, hindi naglandi, kundi takot talaga ito na pilit itinatago lang. Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita. "Doon ka sa sulok matulog," malamig niyang utos. Saglit na natahimik si Celina bago nakasagot. "O-okay po…" mahinang sagot nito. Nainis si Celina sa sarili. Akala niya’y mapapansin siya agad nito, na sapat ang ganda niya para makuha ang atensyon ng kahit sino. Pero nagkamali siya dahil mukhang masungit ito at hindi agad nakukuha sa pagpapa cute at pagpunta niya rito. Tumalikod na siya at bumalik sa banig. Ngunit kahit nakahiga na si Celina ay ramdam pa rin ni Ador na hindi siya mapakali dahil sa presensyang dala nito sa loob ng kanyang tinitirhang kubo. Hindi siya sanay na sa gitna ng gusto niyang pag-iisa ay may ibang tao sa kubong iyon na kasama niya. At higit sa lahat, hindi siya sanay na may kasamang hindi niya kabisado o kilala. Ilang minuto ang lumipas ay tahimik lang ang paligid, hanggang sa marahan siyang napatingin sa direksyon ni Celina, mahimbing na itong nakahiga at nakaikot ang katawan na tila pilit pinatulog ang sarili sa posisyon nito. Saglit siyang napatitig rito mabuti nalang at nakatulog na ito. Kinabukasan, maagang umuwi si Celina sa kanilang baryo, Pagdating pa lang niya sa maliit na bahay nila ay agad siyang pinuntahan ng mga kaibigan at isa-isa siyang lumapit at sabay-sabay na nagtanong sa kanya. "Celina, kamusta?!" ngiting tanong ng isa. "Nagpunta ka talaga sa lalaking estranghero?" sabi naman ng isa "Anong nangyari?!" sugod din ng huli. Hindi pa man siya nakakapagpahinga ay agad na siyang napalibutan. Sa gilid ng bakuran, naroon din si Ariella, kapitbahay nila Celina na habang nagwawalis ay nakikinig pala sa usapan. Hindi siya sumasali pero halata ang interes naman niya sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni Celina. "Ano? Nakakatakot ba siya?" tanong na nanaman ng isa pa. Umupo si Celina sa lumang bangko at inayos muna ang buhok saka napangiti. "Masungit siya," sabi niya. Nagkatinginan ang mga kaibigan niya. "Pero…" dagdag niya sabay na muling ngumiti. "Mas gwapo pa siya sa malapitan! Totoong ang guwapo niya pala talaga!" Biglang nagtilian ang mga kaibigan niya. "Ano ba, Celina!" "Masungit na nga, pinuri mo pa!" tawa ng isa. "Ikaw talaga!" wika naman ng isa. Napatawa si Celina pero hindi pa tapos ang sasabihin niya. "Kahit masungit siya pero mabuting tao siya, akalain mo lalaki siya at hindi talaga nagka interes sa akin sa loob ng kubo? Napahanga pa niya ako!" Sabi ni Celina. Muling napatili ang lahat. Ang mga magulang ni Celina ay nasa abroad at kapwa nagtatrabaho sa isang kompanya doon. Kaya walang sagabal rito kahit anong kalokohang gawin nito. "Hindi ko pa siya maging kaibigan sa ngayon," sabi niya habang nakatingin sa malayo na parang may iniisip, "Bago pa lang kasi kami nagkakilala." dagdag nito. Tapos ngumiti siya nang mas kumpiyansa. "Pero kalaunan ay maging kaibigan at makukuha ko rin siya." Sabay-sabay na namang muling napasigaw ang mga kaibigan niya sa kilig at gulat. "Ay grabe ka!" "Ang lakas ng loob!" Tawang-tawa na wika ng mga kaibigan. Mula sa gilid naman ay napatigil si Ariella sa pagwawalis. Dahan-dahan niyang ibinaba ang walis at napailing habang may halong pagkainis. Sa totoo lang, hindi sila magkaibigan ni Celina dahil ang baba ng tingin nito sa kanya. At isa lang ang naging kaibigan niya sa baryo nila, iyon ay si Rina— ang lagi niyang kasama mangahoy sa gubat. Sa isip niya, parang masyadong kampante si Celina, Hindi pa nito alam kung anong klaseng tao ang lalaking estranghero sa bundok sa may kubo. At habang nagkakagulo sa harap ng bahay, tahimik lang si Ariella pero malinaw sa kanya na hindi simpleng masungit lang ang lalaki na napuntahan ni Celina sa bundok. Tinawag naman bigla si Ariella ng kanyang tiyahin mula sa loob ng bahay. "Ariella! Bilisan mo diyan! Ang bagal-bagal mo magwalis!" sigaw ng kanyang tiyahin na may halong galit. "Pagkatapos mong maglinis, mangahoy ka pa! Wala na tayong panggatong mamaya!" Napahinto si Ariella sa pagwawalis at saglit saka napabuntong-hininga nang mahina, Ramdam niya ang pagod sa balikat niya kahit hindi pa siya tapos sa ginagawa. Sa isip niya, hanggang kailan ba siya ganito na lang sa poder ng kanyang tiyahin? May dalawang pinsan siyang lalaki sa bahay, malulusog, malalakas, at walang trabaho. Pero kahit ganoon, siya pa rin ang pinapagawa ng lahat ng gawaing mabibigat. Siya pa rin ang pupunta sa gubat para lang mangahoy. Siya lagi ang puno sa utos sa loob ng bahay ng kanyang tiyahin. Tahimik siyang nagpatuloy sa pagwawalis. "Sanay ka naman siguro, Ariella," bulong pa niya sa sarili habang pilit kinakalma ang dibdib. Pero sa likod ng pagiging tahimik niya, may pagod na hindi lang pisikal, kundi paulit-ulit na tanong kung bakit siya ganito ang buhay. Wala na siyang magulang, Sanggol pa lang daw siya nang mamatay ang kanyang ama na kapatid ng mismong tiyahin niyang tinirhan niya ngayon. At ang ina naman niya ay sampung taong gulang pa lang siya noon nang umalis ito at Iniwan lang siya na hanggang ngayon ay hindi na binalikan. Hindi na ito bumalik at hindi na rin nagparamdam sa kanya. At ngayon ay 20 na lang ang edad niya ay hindi na talaga siya nito binalikan. Sa bahay na iyon ay hindi naman niya tunay na nararamdaman bilang tahanan dahil sa pagtrato ng hindi maganda sa kanya ng kanyang tiyahin. Ibinaba niya ang walis sandali at saglit na nag-isip ng malalim sa kanyang sitwasyon. Mula sa loob ng bahay ay muling narinig ang boses ng tiyahin niya. "Ariella! Naririnig mo ba ako?! bilisan mo nga!" galit na muling sigaw nito. Nabigla pa siya at nagmamadalinh kumilos muli. "Opo, Tiyang." mahina niyang sagot at saka muling yumuko at ipinagpatuloy ang pagwawalis. Pero sa loob niya ay kahit pagod siya pero wala naman siyang magagawa at hindi niya alam kung anong kapalaran ang naghihintay sa kanya sa unahan dahil wala na siyang mga magulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD