Ngunit lumipas lang ang ilang sandali ay muling sumigaw ang kanyang tiyahin.
"Ang bagal-bagal mo talaga kumilos, Ariella!"
Halos umalingawngaw sa maliit nilang bakuran ang matinis na boses ni Aling Linda.
Kakapwesto pa lang ni Ariella ng walis sa gilid ng dingding, pero parang hindi pa iyon sapat para sa tiyahin niya.
"Kanina ka pa walis nang walis, parang hindi natututo! Kung hindi ka tamad, bakit ganyan ka kumilos?!" dugtong pa nito habang nakapamaywang at halatang mainit ang ulo.
Tahimik lang si Ariella, nakayuko siya at hawak ang walis na parang biglang bumigat ang kalooban.
Sanay naman sana siya pero hindi niya maiwasan na masaktan.
"Matatapos na po ito," mahina niyang sagot.
"Matatapos ka diyan!" asik ni Aling Linda.
"Minsan talaga hindi ko maintindihan kung bakit iniwan ka pa ng malandi mong ina dito! Kung bakit hindi ka na rin niya binalikan! Wala ka namang silbi kung ganyan ka lang kumilos!"
Parang may kumurot sa dibdib ni Ariella pero hindi siya sumagot.
Tahimik parin siyang tumalikod at tumigil sa pagwawalis. Kinuha niya sa lumang lalagyan ng gamit ang itak na madalas niyang gamitin.
Hindi na siya lumingon pa, hindi niya pinakita ang pamumuo ng luha sa mga mata niya.
Sampung taon na siyang iniwan ng ina,
Maliit pa siya nang umalis kaya matagal na rin siyang nagtitiis sa bahay ng kanyang tiyahin.
"Pupunta ka na ba sa gubat para mangahoy?!" sigaw pa rin ng tiyahin niya sa likuran niya.
"Opo," sagot niya na mas malinaw ngayon ngunit walang emosyon.
"Susmaryosep! ang tagal mo talaga! bilisan mo para makabalik agad!"
Hindi na sumagot si Ariella, Hindi niya talaga maiintindihan ang ugali ng kanyang tiyahin.
Nagpadala siya ng message kay Rina para mag-aya mangahoy. May mumurahing cp naman siya, lumang cp ng kanyang pinsan na hindi na ginamit kaya ibinigay sa kanya.
Sa bawat hakbang niya palabas ng bakuran, unti-unting lumuluwag ang dibdib niya. Hindi dahil masaya siya, kundi dahil pansamantala siyang nakalalayo sa mga salitang paulit-ulit na naririnig sa araw-araw.
Hanggang Grade Seven lang siya dahil hindi na siya pinayagang mag-aral ng tiyahin,
Magastos na daw sabi nito. At wala siyang nagawa kundi tumigil sa pag-aaral.
Mahigpit niyang hinawakan ang itak habang naglalakad papunta sa gubat,
Hindi siya takot doon dahil sanay pa nga siya roon kaysa sa bahay ng kanyang tiyahin.
Pagdating sa liko ng daan ay naroon na si Rina, nakaupo sa malaking bato at may dalang bag at itak.
"Ang tagal mo ah," bungad nito.
"Natagalan lang, Sinermonan na naman ako ni Tiyang," sagot ni Ariella habang inaayos ang itak sa gilid niya.
Napailing si Rina.
"Hay naku, si Aling Linda talaga." sabi naman nito.
Hindi na sumagot si Ariella na tumingin lang siya sa loob ng gubat na tahimik.
"Halika na," sabi niya rito.
Tumango si Rina at sumunod sa kanya.
"Doon tayo sa bandang kaliwa, Sabi ng kuya ko ay maraming tuyong kahoy doon."
Magkasabay silang pumasok sa gubat na may tahimik na paligid, pero hindi nawawala ang bigat sa dibdib ni Ariella. Sa isip niya ay kahit ilang kahoy pa ang maputol niya, pag-uwi niya naman ay nandoon pa rin ang sigaw ng tiyahin. At ang sunod-sunod na utos.
Huminga siya nang malalim at hinigpitan ang hawak sa itak.
"Bilisan natin," sabi niya.
"Bakit parang minamadali mo sarili mo?" tanong ni Rina.
"Para mas maaga tayong makabalik, gusto ni tiyang na makabalik agad."
"Ay grabe naman." tugon naman ni Rina.
Mas pumasok pa sila sa gubat at
sa gilid ng daan nakahinto ang kalabaw na may nakakabit na lumang kalesa pero matibay pa rin.
Doon nila ilalagay ang mga kahoy.
"Buti na lang may kalabaw tayo," sabi ni Rina habang tinatapik ito.
"Kung wala ’to, baka hindi natin kayanin."
"Oo nga," sagot ni Ariella.
Pumasok pa sila sa mas masukal na bahagi ng gubat at nakita nila ang mas makapal na mga puno. Mas malamig ang hangin sa loob at mas tahimik pa ang paligid.
Agad silang nagsimula.
Si Rina sa maliliit na sanga,
Si Ariella naman sa mabibigat na troso.
Umalingawngaw ang tunog ng itak sa loob
Hanggang kapwa sila nagulat nang isang putok ng baril ang biglang narinig nila.
"Ahh!" Sabay nilang sigaw sa gulat.
Mabilis na kumapit si Rina kay Ariella.
Mula sa taas ay nakita nilang may ibong bumagsak at diretsong tumama iyon sa lupa na hindi na gumalaw.
Natahimik ang paligid na
parang tumigil ang oras sa gubat.
"Ano ’yon?" nanginginig na tanong ni Rina.
Hindi agad sumagot si Ariella,
Nakatitig lang siya sa direksyon ng pinanggalingan ng putok.
At doon ay may gumalaw na mga dahon na tila may taong paparating. Hangga't
isang pigura ang dahan-dahang lumabas mula sa pagitan ng mga puno
Matangkad ito at matikas,
Ang lalaking bagong salta sa bundok nila!
Hanggang sa tuluyan itong lumantad,
Napakaguwapo nito at hindi pangkaraniwan ang karisma. May malamig at matalim na mga mata habang may hawak itong baril.
Napasinghap si Rina.
"Sino ’yan…?"
Hindi agad nakasagot si Ariella.
Pero kilala na niya ito. Siya ang estranghero sa kubo na tinatawag na si Ador.
Nagkatitigan sila ng lalaki at walang imikan,
Tanging tensyon lang ang namayani.
"Anong ginagawa niyo dito?" malamig na tanong ni Ador.
Napaatras si Rina, pero nanatili si Ariella.
"M-mangangahoy lang po," sagot niya.
Tiningnan ni Ador ang paligid, ang kalesa, ang kalabaw at ang kahoy na tinaga nila.
Pagkatapos ay bumalik ang tingin niya kay Rina, at kay Ariella tumagal ang mga titig niya.
"Dito sa bahaging ’to?" tanong ng lalaki.
Hindi agad nakasagot si Ariella at mas
humigpit ang kapit ni Rina sa kanya.
"May mga tuyong kahoy po kasi dito," sagot niya sa wakas.
Tahimik lang si Ador,
Pagkatapos ay tumingin ito sa unahan sa bahagi ng gubat.
At sa unang pagkakataon ay napahinga ito ng malalim bago muling tumingin sa kanila.
"Hindi dapat kayo nandito."
Napalunok si Rina at Ariella.
"B-bakit po?"
Sandaling katahimikan bago ito sumagot.
"May nakita akong malaking ahas dito noong isang araw,"
Nanlaki ang mata ni Rina.
"Umuwi na kayo."
Hindi iyon pakiusap kundi utos iyon sa tono ng pananalita nito.
Pero hindi gumalaw si Ariella,
Sa halip mas hinigpitan niya ang hawak sa itak at tumingin nang diretso kay Ador.
"Kung may delikado dito bakit kayo nandito?" mahina pero matatag niyang sabi.
Natigilan ang lalaki at kumunot ang noo na napatingin sa kanya. Hindi agad ito nakasagot ngunit saglit lang at muli itong nagsalita habang nagsalubong ang mga kilay nito.
"Hindi ako takot sa ahas. Kayo lang, baka mapahamak kayo. Kaya tapusin niyo agad yan at huwag na magbalik sa bahaging ito." Inis na wika nito.
"Pero—"
"Hindi ako nagsisinungaling sa inyo, dahil wala akong makukuha, totoo ang sinasabi ko na delikado dito dahil sa ahas na nakita ko." Putol nito sa nais na sabihin ni Ariella.