CHAPTER 5

1425 Words
Tinalikuran na sila ni Ador na wala ng lingon-lingon dahil wala na siyang balak makipag-usap pa. Ngunit hindi napigilan ni Rina ang mapatili nangakatalikod na ito, hindi sa takot nito kundi sa kilig. "Grabe…" bulong niya na halos hindi maitago ang ngiti. "Sobrang guwapo at ang macho niya, Ariella—" "Rina," saway ni Ariella bahagyang nakakunot ang noo. Pero hindi na nakapagpigil si Rina. "Eh totoo naman! Para siyang artista at parang bidang lalaki sa mga sikat na—" Naputol ang sasabihin niya nang makita ang biglang pagkabigla sa mukha ni Ariella. Biglang nanlaki ang mga mata ni Ariella habang nakatitig sa unahan, Sa malaking puno na may makapal na sanga nito, may nakapulupot doon, Isang napakalaking ahas, makapal ang katawan at mahaba! At halos kasinglaki ng puno ang pagkakapulupot nito. Bahagyang gumalaw ang ulo nito, At doon ay napatili si Ariella. "Ahhh!" Napaatras siya at halos mabitawan ang hawak niyang itak. "R-Rina…!" nanginginig niyang tawag. Napalingon si Rina at nang sundan ang direksyong tinuturo ni Ariella ay nanlaki rin ang kanyang mga mata. "Jusko—!" Napakapit siya agad kay Ariella nq nanginginig ang buong katawan. "Ang laki…! Totoo pala talaga ang sinabi ng guwapong estranghero!" Malapit lang ang punong iyon sa kinaroroonan ng kalabaw nila, Bahagyang umungol ang kalabaw na tila nararamdaman ang panganib. At ang ahas ay unti-unting gumagalaw, parang sinusukat ang distansya at parang handang umatake. Sa likuran naman nila, napahinto si Ador na papalayo na sana sa kinaroroonan nila. Narinig niya ang sigaw ng dalawang babaeng tinalikuran niya kaya sa isang iglap ay mabilis siyang lumingon. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang direksyon ng tingin ng dalawa. "Damn!" Mabilis siyang bumalik. Hindi na nag-atubili pa Sa ilang hakbang lang ay naroon na siya sa tabi ng dalawa. "Don’t move," mababa ngunit matigas niyang utos. Agad siyang pumwesto sa harapan nila at nakatutok ang baril sa ahas. Malamig ang mga mata nito, nakatuon sa ahas at handang pumutok anumang oras. "Stay behind me," dagdag pa niya na hindi napigilan na magsalita ng nakasanayang English dahil sa pag-alalang nararamdaman nito. Mahigpit pa rin na kumapit si Rina kay Ariella at si Ariella naman ay kahit nanginginig hindi inaalis ang tingin sa ahas at sa lalaking nasa harap nila. Sa unang pagkakataon, hindi niya alam kung alin ang mas delikado, Ang ahas ba o ang lalaking handang harapin ang delikadong sitwasyon. Nakatutok pa rin ang baril sa ulo ng ahas habang masyadong tahimik ang paligid. Tanging mahinang pag-ungol ng kalabaw at ang halos hindi marinig na paggalaw ng malaking hayop ang bumabasag sa katahimikan. Dahan-dahang itinaas ng ahas ang ulo nito, Mabagal at delikado iyon, parang sinusukat ang bawat galaw. Tila namanhid ang katawan ni Rina habang nakatayo sa likuran ni Ariella. "Sir… please…" pabulong niyang sabi na nanginginig ang boses. Hindi sumagot si Ador, Hindi niya pwedeng gambalain ang sarili at isang maling galaw ay pwede silang mapahamak. " I said, Don’t move," muli niyang utos na mas mababa ang boses at mas matigas. Humigpit ang hawak ni Ariella sa itak, Hindi siya umatras at kahit nanginginig ang kamay niya ay nanatili siyang nakapwesto at handa. At sa isang iglap, biglang kumilos ang ahas, mabilis at diretso patungo sa kalabaw! "Sh*t!" Mura ni Ador sabay nagpaputok at agad umalingawngaw ang putok ng baril sa buong gubat. Tumama ang bala sa ahas ngunit hindi sapat iyon. Napaatras ang ulo ng ahas ngunit hindi ito tumigil, mas lalo pa itong naging agresibo. Umingay ang kalabaw at nagpumiglas. "Back off!" sigaw ni Ador. Agad niyang hinatak si Ariella paatras gamit ang isang kamay habang hawak pa rin ang baril sa kabila. Napahila rin si Rina at halos madapa silang dalawa. "Run!" sigaw ni Ador. Ngunit bago pa sila makagalaw ay muling sumugod ang ahas ng mas mabilis at mas galit! Sa pagkakataong iyon, binitiwan ni Ariella ang pag-aalinlangan. "Tabi!" sigaw niya. At sa hindi inaasahan ay sumugod siya pasulong at disperadang itinaas ang itak at tinaga ang ahas. Tumama ang talim niyon sa katawan nito kaya napaatras ang hayop, nagwala ito at pumalo ang buntot nito sa lupa. "Are you crazy?! umalis ka diyan!" galit na sigaw ni Ador. Ngunit hindi na umatras si Ariella, humigpit ang hawak niya sa itak. "Hindi natin pwedeng iwan ang kalabaw!" Muli siyang umatake at sa pagkakataong iyon ay sumabay si Ador. Dalawang putok ng baril muli ang yumanig sa buong gubat at diretso iyon sa ulo ng ahas. Umingay ang paligid, dahil nagwala ang hayop sa huling pagkakataon, hanggang sa tuluyang bumagsak ito. Natahimik sila saglit at mabigat ang paligid dahil sa tensyon, Parang huminto ang oras ng nga sandaling iyon at walang gumalaw. Si Rina, nakatayo lang sa likuran at nanginginig pa rin ito. Si Ariella naman ay hingal at hawak pa rin ang itak habang nanginginig na rin ang kamay. Si Ador naman ay nakatingin lang sa ahas at pagkatapos ay dahan-dahan siyang lumingon kay Ariella, kalmado siya kahit galit. "Next time, when I tell you to run… you run." matigas na wika ni Ador sa kanya. Hindi agad sumagot si Ariella at doon sila nagkatinginan ni Rina dahil sa gamit na salitang English ng lalaking estranghero. Para bang iyon talaga ang salitang laging nakasanayan nito. Sa halip na sumagot si Ariella tinitigan lang niya si Ador, parehong may malalim na paghinga at parehong may gustong sabihin, pero walang nagsalita sa kanilang dalawa. Sa likuran naman, mahina pero excited na boses ang pumutol sa tensyon. "Grabe…" sabi ni Rina na halos pabulong. "Parang pelikula…" Napapailing si Ador at matagal siyang nakatingin kay Ariella, noon niya napansin ang kakaibang ganda nito. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang ibinaba ang baril at walang paalam na umalis. "Hoy, Sir! salamat nga pala!" tawag pa ni Ariella. Ngunit hindi na ito lumingon pa sa kanila. Sinundan lang ng tingin nina Ariella at Rinah ang guwapong lalaki. At sa ilang sandali lang, nawala na siya sa pagitan ng mga puno. Naiwan ang dalawa at ang patay na ahas at ang kalabaw na kumalma na. Ngunit ang kaba ni Ariella ay hindi pa rin nawawala. "U-umalis na siya…" mahinang sabi ni Rina, parang hindi pa rin makapaniwala. Pero hindi na sumagot si Ariella, Nakatitig lang siya sa direksyon kung saan nawala si Ador. Sa tantiya niya ay nasa 31 na ang edad ng lalaking estranghero, subalit sobrang guwapo nito at kahit sa tulad ng edad nilang nasa 20 pa lang ay mahuhumaling sa gandang lalaki nito. Hanggang sa tuluyan na rin niyang ibinaling ang tingin sa paligid, sa ahas, kalabaw at sa mga kahoy. At kailangang hindi na sila magtagal pa roon. "Rina," mahina ngunit matatag niyang tawag. Napalingon si Rina. "U-uwi na tayo…" Tumango agad ito. "O-oo, tama… tama…" Agad silang kumilos ng mabilis, Walang sayang na oras, isa-isang kinuha ni Ariella ang mga kahoy, kahit mabibigat at pilit niyang binubuhat. Si Rina naman ay nanginginig pa rin, pero tumutulong sa pag-aayos ng mas maliliit na piraso. "B-bilis…" sabi ni Rina na panay ang lingon sa paligid. "Parang may… may ibang gumagalaw pa…" Hindi sumagot si Ariella, ngunit mas lalo niyang binilisan ang kilos, parang may humahabol sa kanila at pakiramdam niya ay parang may nakatingin pang ahas sa paligid na kahit wala siyang nakikita ay ramdam niya. Alam nila, hindi lang nag-iisang ahas iyon. Nang matapos silang maghakot, agad nilang isinakay ang mga kahoy sa kalesa at bahagyang umungol ang kalabaw pero sumunod naman agad ito. "Halika na…" sabi ni Ariella, hawak ang lubid. Mabilis nilang hinila ang kalesa palabas ng mas masukal na bahagi ng gubat. Hindi na sila lumingon pa, hindi na nagsalita. Hanggang sa unti-unti nang nawala ang grabeng kaba sa dibdib. Nawala ang lamig at bumalik ang tunog ng normal na gubat. Doon lang napahinto si Rina, huminga nang malalim. "Grabe…" mahina niyang sabi. "Akala ko… katapusan na natin… buti nalang bumalik yung gwapong lalaking bagong salta dito sa lugar natin." Napatingin siya kay Ariella. "At ikaw baliw ka ba?! Sinugod mo talaga yung ahas!" Hindi agad sumagot si Ariella, Tahimik lang siyang naglalakad hawak ang lubid ng kalabaw. Ngunit ang isip niya ay naiwan sa gubat ang lalaki na biglang dumating kanina. "Hindi tayo dapat bumalik doon," dagdag ni Rina na mas seryoso na ngayon. Dahan-dahang tumango si Ariella. "Hindi na…" Mahina ang boses pero matigas ang tinig. Ngunit sa loob-loob niya, alam niyang hindi pa doon nagtatapos ang lahat, dahil sa unang pagkakataon ay hindi na lang kahoy ang iniuwi niya mula sa gubat, Kundi isang tanong kung sino kaya talaga ang lalaki? Hindi pa niya basta makakalimutan ang guwapong mukha nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD