CHAPTER 46 - Stuck INHALE. Exhale. Inhale. Exhale. I did it once again before I continued to walk. Ang mga tao sa paligid ko ay may kanya-kanyang ginagawa at abala sa kani-kanilang buhay. Some of them were in a hurry for their flight. Ngunit karamihan sa kanila, kung hindi nagpapaalam sa pamilya o kaibigan ay tahimik lang silang nakaupo habang hinihintay ang oras ng flight nila. Nang malapit na sa exit ay tumigil ako sa paglalakad at tumingala. Mula sa itaas ay nakita ko ang screen kung saan nakalagay ang Philippines, Manila at kung anong oras na ngayon. It's almost noon. I continued to walk and went to the exit. Kaagad akong sumakay sa isang taxi at nagpahatid sa pinakamalapit na hotel. Nang makapasok sa i-bin-ook na hotel ay inilapag ko na ang mga bagahe sa sahig. Ini-lock ko muna

