CHAPTER 44 - Nightmare "ANG sabi mo ay walang ibang madadamay sa mangyayaring pagsabog? But there's only one survivor! Everyone in that house died!" Iyon ang bungad ko kay Tita Maureen nang dalhin niya ako sa opisina niya. Dahil madaling araw na ay nasa bar na siya kaya sinadya ko pa siya rito. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang katawan ko. Para akong lumulutang at wala sa sarili. Pakiramdam ko ay nasa isa akong mahabang panaginip na paulit-ulit kong hinihiling na sana ay magising na. Gusto ko nang matapos ang bangungot na ito at bumalik na sa realidad para mayakap si Domino nang sobrang higpit... pero alam kong imposible ko na 'yon magawa. Bumuntong hininga siya at sunod-sunod na umiling. "Sa tingin mo ba ay ginusto ko 'yon, Haelynn? Sa tingin mo ba ay ginusto kong may madamay

