Chapter 66 - Promise

2196 Words

CHAPTER 66 - Promise MASYADONG maliwanag ang paligid. Puro puti ang nakikita ko. Ngunit ang talagang pumupukaw sa aking atensiyon ay ang pamilyar na mukha ng isang lalaking kilalang-kilala ko... si Domino. Malamlam ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Hindi ko mapigilan ang pagkabog ng dibdib ko sa nakikita. Ngayon na lang muli niya ako natitigan nang ganito—nang may pagiging banayad sa mukha. Pumikit ako kasabay ng pagsilay ng ngiti sa labi ko. Nang magmulat ako ng mga mata ay mas lalong lumawak ang ngiti ko sa labi nang makitang nananatili siya sa harapan ko kahit na puro puti pa rin ang nakikita ko sa likuran niya na animo'y pinapalibutan siya. Umangat ang kamay ko sa ere at inabot siya. Nang salubungin ng kamay niya ang kamay ko ay mahigpit ko itong hinawakan. "Domino..."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD