Chapter 12: Govan Enriquez Lordez ANG PANGAKO ni Joavani na tatawag siya sa akin ay hindi naman iyon nangyari pa. Dahil hanggang sa dumating ang araw ng panganganak ko. Pumunta na agad kami ni Nara sa hospital at bukas na ang due date ko. Para kahit papaano ay hindi kami matataranta. Kinakabahan ako dahil wala sa tabi ko ang asawa ko. Natatakot din ako dahil baka hindi ko nga kayanin. Nagiging negative talaga ako. “Puwede kaya siyang tawagin kahit...kahit isang beses lang, Nara? Kinakabahan lang kasi ako. Parang gusto ko ang comfort niya. Kakayanin ko ba?” tanong ko at nakikita niya ang kaba sa mukha ko. “Kayanin ninyo po para sa baby ninyo. Dahil malapit na po tayong umuwi.” Napangiti ako sa sinabi niya. Sapat na sa akin iyon. Sapat na sa akin ang comfort niya pero iba pa rin talaga k

