Chapter 11: The Exiled Wife HINDI suwerte ang matatawag na may asawa akong kasing bait ni Joavani na parang iniintindi niya ang problema na dumating sa buhay naming mag-asawa. Na kahit hindi ko naman sinasadya na mangyari iyon at wala talaga akong kamalay-malay. Dahil inosente naman ako at wala akong alam sa mga ginawa ng ex-boyfriend ko. But Jov, sinusubukan pa rin niya akong protektahan kahit alam niyang nasisira ko na ang reputasyon niya bilang doctor. Kaya nasabi ko na hindi ito isang suwerte dahil hindi naman siya naniniwala sa akin. Nasasaktan din ako dahil mas pinapaniwalaan niya ang nakita niyang nangyari. Nasasaktan ko siya kahit hindi ko intensyon na lokohin at saktan siya. Ako ang biktima rito pero lumalabas na parang ako ang nagkamali, na parang kasalanan ko. Wala akong pa

