Chapter 29: Forgiveness “ACTUALLY, ang tungkol lang sa naging trabaho niya ang alam ko. Na naging babysitter din siya at noong nasa Black Island naman siya. Wala siyang naikuwento sa akin tungkol sa pagbubuntis niya,” sambit ko. Ang tinanong ko lang ay ang mga nangyari sa kanya noong nahinto na rin siya sa physical therapy niya at ang naging buhay niya habang naka-wheelchair. “Sinubukan ko rin po noon na puntahan si Ma’am Gotchelle, doc. Pero...hindi niya rin po ako hinarap. Kaya no choice rin po na umuwi na rin,” she said at parang may naisip pa siyang sasabihin dahil bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya. “Mayroon pa pala, doc. Natatandaan pa ninyo siguro noong tumawag ka po sa asawa mo. Iyon po ang mga panahon na nanganak siya. Bago pa lang po siya nanganak ay gustong-gusto ka na t

