CHAPTER 7

2167 Words
Chapter 7: His Visitor PAGLABAS ko mula sa office ni Agnes ay ’saktong tumunog ang phone ko. I let out a deep breath bago ko sinagot ang tawag. Unregistered number pa kasi. “Hello, who’s this?” I answered the call. “You didn’t save my number, sweetheart?” With that sweet voice and his endearment ay alam ko na kung sino ang caller ko. “Jov,” sambit ko sa pangalan niya na pinaikli ko pa. “Iyong selos ko ay nabura bigla. Nice,” sabi niya at nakarinig pa ako ng paghalakhak mula sa kabilang linya. “Selos?” kunot-noong tanong ko. “Where are you, by the way?” “Kalalabas ko lang mula sa office ng kaibigan ko. Naglalakad na ako sa corridor ng company niya. Why?” I asked him back. Bumuntong-hininga pa siya. “Nagalit ka ba sa akin dahil sa biglaan kong pag-alis kanina, Jov?” nag-aalangan na tanong ko sa kanya. Parang ngayon ko lang na-realize ang ginawa ko. Na-guilty ako bigla. “Maiintindihan ko naman kapag pupuntahan mo ang ex mo,” sabi niya na ikinahinto ko sa paglalakad. “I’m sorry. Nag-alala lang ako sa kanya dahil tumawag siya bigla. I cared for him, Jov. That’s why hindi ko maiwasan ang puntahan siya,” sabi ko. Sinabi ko talaga ang totoo sa kanya. He told me na gusto niyang mag-work ang relationship namin kung kasal na kami at mag-asawa na nga ang turingan namin sa isa’t isa. Kaya kong bitawan si Marjon dahil ang sabi niya rin ay puwedeng turuan ang puso. Kahit mahirap man ang gagawin ko ay susubukan ko para sa kanya. Naniniwala rin ako na mag-wo-work ang relasyon ng dalawang tao kung may tiwala kayo pareho. Na kung wala kayong sekreto. Therefore gusto ko maging transparent sa kanya. Gusto kong sabihin ang lahat ng mga bagay na ginagawa ko para maging aware na rin siya. Alam ko na hindi ko pa lubos na kilala si Joavani. Pero ang puso ko mismo ay komportable na sa kanya. Ngayon, kahit hindi pa kami kasal ay ibibigay ko sa kanya ang buong tiwala ko. “Okay. Magkita na lang tayo bukas?” Napanguso ako sa sinabi niya. “Puwede naman tayong magkita ngayon ulit, ’no?” Napakamot ako sa kilay ko dahil sa sinabi ko. Nang bumukas na ang elevator ay saka ako pumasok. “No. Baka makaabala pa ako. Sige na. Tatawag na lamang ulit ako sa ’yo. Just save my number, please.” Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay saka niya ibinaba ang tawag. Hindi naman siya nangako sa akin na magkikita kami bukas pero nang dumating na nga ang bukas at gumabi pa ay hindi niya ako tinawagan. Nagtataka lamang ako dahil kahit ang tumawag ay hindi niya ginawa. Hanggang sa lumipas ang isang linggo ay wala nga siyang paramdam. I’m a little bit worried but confused din ako at the same time. Dahil kahit si Marjon na mahal ko man siya ay hindi naman ako nagkakaganito kahit wala na siyang paramdam pa. Pero si Joavani? Parang may kulang sa akin or something kapag hindi ko siya nakikita. Parang hindi pa nga rin yata umaabot ng isang linggo kaming nagsama. Or maybe sobra akong na-attach sa kanya kaya ganito ang nararamdaman ko sa kanya? O baka rin ng dahil lang sa nangyari sa amin? One morning ay sabay-sabay kaming kumain ng agahan namin. Pinakiramdaman ko muna si Papa at napatingin ako sa nakababatang kapatid ko na masagana pa siyang kumakain. Si Mama naman ay naglalagay ng ulam sa plato ni Eige. Nagpakawala muna ako ng malalim na hininga at napansin iyon ng aking ama. Sabay na tumingin na rin sa akin sina Mama at Eige. “What’s wrong, Gotchelle? May problema ka ba?” tanong nito sa akin na may pag-aalala sa tono ng boses niya. Umiling ako bago ako sumagot, “Alam ninyo po ba kung saan nakatira ngayon si Joavani, `Pa?” tanong ko. “Ang alam ko ay may condo siya sa Light Town Condominium. But I can ask his father kung saan talaga ang floor and his unit.” “Please, ask his Dad po, Papa. Ilang araw na po kasi siya na hindi nagpaparamdam sa akin. I’m just worried,” ani ko at natigilan pa silang lahat. Dahil lang iyon sa naging reaksyon ko or ang tono rin ng aking boses ay worried na worried. “Oh, okay. I’ll call his father later, after our breakfast, hija,” tumatangong saad niya. “Thank you po, Papa.” “Ate, parang hindi ikaw ang ate ko na ayaw magpakasal kay Kuya Joavani dati,” puna sa akin ni Eige na sinabayan pa niya nang pag-iling. Tipid akong ngumiti sa kanya na ikinaawang ng mga labi niya. “Ganyan nga dapat, anak. Doctor ang mapapangasawa mo at mabubuti ang pamilya niya. Alam namin na hindi ka naman pababayaan ni Joavani. Bigyan mo lang siya ng sapat na oras para magustuhan mo siya,” ani Mama na tinanguan ko. Hindi rin nagtagal ay natapos ang agahan namin at tinawagan ni Papa ang daddy ni Joavani. Saka ibinigay nito sa akin ang address at ang floor ng unit nito. I didn’t waste my time at agad na akong nagtungo sa condominium niya. Alam ni Mama na bibisita na nga ako sa condo ng fiancé ko kaya ipinadala niya sa akin ang cookies na sinadya niya rin na ibigay para kay Joavani. May kalayuan pa ito pero hindi naman ako nahirapan pa dahil dala ko ang kotse ko. May GPS din ito. Habang naglalakad na ako ay may nakasalubong pa ako na isang babae na parang nag-aayos pa lamang siya ng damit niya. Revealing iyon masyado dahil tila nakulangan siya sa tela. Napailing na lamang ako pero hindi sinasadya na magtama ang mga mata namin. Kumunot ng bahagya ang noo ko kasi ang mukha niya ay pamilyar sa akin. “Nasa baba si Dad. Kailangan ko siyang harapin kahit sarap na sarap pa ako sa pagbayo sa akin ni Marj mula sa aking likuran—yes nasa condo ko siya.” Napailing ako ako sa sinabi niya. Mukhang may nangyari nga kaya ganoon ang ayos niya. “Of course, gusto ko pa rin kay Joavani—pero ang ilap niya masyado. Titiisin ko muna ang libog ko sa kanya. Makukuha ko rin naman siya anytime soon.” Doon mas umawang ang labi ko dahil walang filter ang bibig niya. Kababae niyang tao, eh kung ano-ano ang lumalabas mula sa bibig niya. Hindi ba siya nahihiya na puwedeng marinig no’n ang lahat ng tao? At saka—bakit may binanggit siya na pangalan na Joavani? Hindi naman siguro iisang tao lang ang kilala namin na may ganoon na pangalan, hindi ba? Marami pa namang Joavani sa mundong ito. Natanaw ko na mula sa malayo ang room number ng unit niya at doon na nga sana ako magtutungo nang magsalita ang babae kung kaya’t napatigil ako sa paglalakad. “Miss. You dropped something,” she said so I faced her. Napatingin ako sa hawak niyang ballpen. Sinabi ba niya na may nahulog ako? Pero hindi naman sa akin ang ballpen na iyan, ah. “Pardon?” “Sa ’yo yata, Miss. Ingatan mo ang things mo dahil baka mawala mo bigla. Sayang naman kung ibang tao lang pala ang makikinabang no’n right? Parang boyfriend lang natin iyan. Kailangan mo siyang ingatan para hindi na makawala pa sa ’yo. Kaya dapat din bakuran natin dahil baka mamaya ay nasa kandungan na siya ng ibang babae,” nakangising sabi niya at hindi ko iyon nagustuhan. Dahil parang may nais siyang ipahiya sa akin. Ang mga mata niya ay kakaiba at lalo na nakangisi pa siya. “I’m sorry. Hindi ’yan sa akin,” sabi ko saka ko siya tinalikuran. Hindi ko rin siya maintindihan na kung bakit inihambing niya ang isang bagay na pag-aari natin at sa boyfriend kuno? Seriously? Nasa tamang pag-iisip pa ba ang babaeng iyon? Kailangan na niya yatang magpa-check-up. Pinindot ko ang doorbell ni Joavani at sa una ay walang nagbubukas. Sunday ngayon, kaya ang condo niya talaga ang pinuntahan ko sa halip na ang working place niya—ang hospital niya. Naniniwala kasi ako na ngayon ang day-off niya same as mine but I’m not sure if nandito nga ba talaga siya. Susuko na sana ako because it seems wala siya rito pero bumukas na ang pintuan at sumalubong agad sa akin ang mabato niyang katawan. Err. Sa hitsura niya ay tila katatapos niya lang mag-shower, dahil tanging puting tuwalya niya lamang ang nakabalot sa pang-ibabang katawan niya at hindi pa talaga maayos iyon. Tsk. Tumutulo pa ang butil na tubig mula sa buhok niya. “You like what you see, sweetheart?” he asked me with a grin plastered on his face. I made a facepalm. “Bakit ang tagal mong magbukas—” hindi ko natapos ang sasabihin ko sana nang hinaklit niya ang siko ko at hinila niya ako palapit sa kanya. Mabilis niyang isinara ang pintuan at isinandal niya ako roon. Itinukod niya ang kanang kamay niya sa gilid ng ulo ko. Ang kamay niya na mula sa siko ko ay lumipat sa aking baywang. Nanigas pa ang katawan ko dahil ang init ng palad niya. Matangkad siya dahil halos hindi ko rin mai-level ang mukha namin ngunit kusa siyang yumuko. Nanuot sa ilong ko ang gamit niyang sabon and shampoo. Tumatama rin sa mukha ko ang mainit at mabango niyang hininga. Matiim kong tinitigan ang mga mata niya at pamilyar ang kislap no’n. Iyon ang mga matang nakita ko na umangkin sa akin nang umagang iyon. Bayolenteng napalunok ako nang may tumulong tubig sa dibdib ko. Sleeveless dress ang suot ko at mababa ang neckline nito. Sinundan niya iyon nang tingin at dinilaan niya ang gilid ng labi niya. Saka mariin na kinagat niya rin ang lower lip niya. Nag-aapoy na ang mga mata niya nang tumitig siya ulit sa akin. Napapikit pa ako nang halikan niya ako sa pisngi. “I miss you so much, sweetheart,” malambing na saad pa niya at napigilan ko ang paghinga ko dahil bumaba ang halik niya sa dulo ng balikat ko. Saka niya ulit ako tiningnan pero dumampi na naman ang mainit niyang labi sa sentido ko, sa tungki ng ilong ko at kabilang pisngi ko ulit. “Joavani,” I uttered his name dahil kakaiba ang paraan ng paghalik niya. Ang lakas ng impact no’n sa akin dahil sobrang lambing at ingat na ingat. Humigpit ang hawak ko sa dala kong paper bag at sa damit ko nang sumiksik siya sa leeg ko. Binigyan niya rin iyon ng marahan na halik na umabot pa sa batok ko. “You smell so good, Gotchelle,” he uttered at ang collarbone ko na naman ang hinalikan niya. He held my chin at iniangat niya iyon. Ngumiti siya sa akin at akala ko ay hahalikan na niya ako sa labi ko pero sa gilid lang nito na pababa sa chin ko. Parang...parang nanunuya lamang ang bawat halik niya. Nakatingin lang talaga ako sa kanya nang pinaglalaruan na ng mga daliri niya ang labi ko bago niya ako siniil ng mariin na halik. Napaungol ako dahil sa pagpasok ng dila niya sa loob ng bibig ko at humigpit ang hawak niya sa baywang ko. Nang himasin niya ang kanang hita ko ay nabitawan ko ang paper bag at ang akala ko ay babagsak na iyon sa sahig pero mabilis niyang sinalo. Maingat niyang ibinaba iyon at pumulupot na ang dalawa braso ko sa leeg niya saka ako tumugon sa mga halik niya. Idiniin niya ako sa nakasaradong pinto ng condo niya at bahagya niya rin akong iniangat. Lumihis pataas ang dress ko dahil sa kamay niya na umakyat hanggang baywang ko and until siya na mismo ang humawak sa magkabilang hita ko at pumulupot iyon sa baywang niya. Ramdam na ramdam ko ang matigas na bagay na tumatama sa b****a ko na mas nagbibigay lang sa akin ng masarap na sensasyon. But he didn’t lose his control dahil nang parehong wala na kaming hangin sa dibdib ay pinakawalan niya rin ako. Hinalikan niya ako sa noo saka niya ako niyakap. “How did you know my condo, sweetheart?” tanong niya at kinagat ko pa ang pang-ibabang labi ko. “Tinanong ko kay Papa. Tapos tumawag din siya sa Daddy mo,” sagot ko sa kanya at tiningnan ko ang paper bag na nasa sahig na. “Cookies ’yan na dala ni Mama. Kainin mo,” ani ko. Kumalas siya mula sa yakapan naming dalawa. Siya ang kumuha no’n at saka niya ako hinila. “Stay here, sweetheart. Magbibihis lang ako,” paalam niya at pinaupo niya ako sa sofa. Inilapag niya sa coffee table ang paper bag na dala ko. Bago siya umalis ay kinabig pa niya ang batok ko at pinatakan ng halik sa mga labi ko. I just shook my head. That man. Ang hilig niya sa halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD