Chapter 8: Surprise marriage proposal HINDI pa yata umabot ng sampung minuto ay agad na siyang nakabalik. May suot na siyang itim na t-shirt at gray shorts niya. Umupo agad siya sa tabi ko at ipinatong niya ang kaliwang braso niya sa headrest ng sofa. Dahil nakahilig ako roon ay parang nakaakbay na rin siya sa akin saka naninimbang na tinitigan niya ako. “Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan. Naiilang ako,” masungit na sabi ko at nag-iwas ako nang tingin sa kanya. Kinakabahan din naman kasi ako sa presensiya niya. Tumikhim siya at kinuha niya ang paper bag saka niya inilabas ang laman no’n. “Bakit naisipan mo akong bisitahin dito, sweetheart?” tanong niya. Iyang endearment niya talaga ang nagpapabilis nang t***k ng puso ko. Hindi naman ako ganito dati noon kay Marjon. Aaminin ko na m

