Chapter 4: Violent
Lunes ngayon at kailangan ko ng pumasok sa S.A. kaya nagdali dali akong bumangon at naligo. Pagkatapos kong maligo ay bumaba kaagad ako at pumunta sa kusina para kumain na.
Pagbaba ko ay nadatnan ko si Manang Baby inaasikaso ang kusina.
"Oh Itzy, halika kumain ka na tapos naman ito."
"Sige po manang," umupo na ako at kumain.
Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa kwarto para kunin ang kailangan kong dalhin sa school at bumaba na.
Diretso ang lakad ko papuntang gate namin at nakita ko sa labas ang nakaantay na kotse at si Manong Ben.
Sumakay kaagad ako sa kotse at nagsimula ng mag drive si Manong Ben.
Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa magarbong eskwelahan. Ang Steneitz Academy.
Huminto ang kotse. Hudyat na kailangan ko ng bumaba.
Pumasok na ako sa gate ng S.A. Hindi pa ako nakakalayo sa pagpasok ng gate sa academy ng may malakas na sumitsit at tumawag sa pangalan ko.
"Iiitttzzzaaayyyaaannnaaa!!!"
Malakas na tinig ni Creed ang narinig ko.
"Ano?" Iritang tanong ko.
"Sabay tayo,"sabi ni Creed sa akin tapos nag pout at nag puppy eyes sa akin at umakbay.
"Alam mo Creed ito ang dahilan ba't galit na galit sina Princess sa akin eh at lalo ang kapatid mo kaya bawas bawasan mo ang pagdidikit sa akin. Pag tayo makita na naman nilang magkasama. Baka lalong mag-init ang ulo nila sa akin."
Inalis niya ang pagkaka akbay niya sa akin at pinaharap ako tapos tinitigan ng seryoso.
"Sinaktan ka na naman nila?" seryoso ang mukha ni Creed ng tanongin niya ako.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at hindi sumagot. Kitang kita ko ang pagkakasalubong ng kilay niya hudyat na galit na. Mukhang hindi na kailangan ng sagot ko kasi alam na niya.
Kilalang kilala niya ako pag nagsinungaling ako sa kanya o nagsasabi ako ng totoo. Kaso hindi ko naman kayang magsinungaling sa kanya kasi hindi ko kayang magsinungaling sa taong mahalaga sa akin.
Bukod sa mga magulang ko at kasambahay namin ay may dalawa pa akong kaibigan na pinahahalagan kong talaga. At iyon ay si Kehlani at Creed.
Maraming estudyante sa S.A. ang nag aakalang magkasintahan kami ni Creed. Pero di naman yun totoo dahil naman iyon sa sobrang pagkaclose namin sa isa't isa.
Kaya ganoon nalang ang galit sa akin ni Princess sa pag aakalang kami talaga ni Creed. Nung tinanong kaming dalawa kung kami nga ba ay wala sa amin sumagot so akala nila may relasyon talaga kami. At nagkalat iyon sa S.A. at hindi iyon nakaligtas kay Princess.
Princess is obsessed and inlove with Creed even she already had a boyfriend.
And if you asked why Alessia's mad at me, is i really dont know. Maybe because she didnt want me for her brother.I bet she heard the rumor that Creed and I is dating. Hindi ako sigurado pero baka yun ang akala niya.
Maybe she think that im a gold digger and social climber. She think i used her brother. Which is definitely not true. And i dont really need someone for my own need.
Im rich but no one knows even my two bestfriend. I dont want them to know and if you asked me why is, i just didnt want them to know. Just simple my reason as that.
"Bakit ayaw pa rin nilang tumigil kaka bully sayo? Pinaliwanag ko naman sa kanila ni Princess ah na wala tayong relasyon. Kahit meron na siyang boyfriend para pa ring linta makadikit sa akin. Huwag lang nilang aabutin sa punto na mauubos na talaga ang pasensiya ko baka pagsesehan nila ang ginigawa nila. Dahil tuloy sa akin kaya ka napapahamak." Malungkot at galit na sabi ni Creed.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo. Hindi mo kasalanan.Hayaan nalang natin. Baka kapag nagsawa na sila saka sila titigil. Intayin nalang natin na mangyari yun."
"Kailan ba sila magsasawa? Simula ng elementary pa yata nagsimula ang pang bubully nila sa iyo. Hanggang ngayon na gagraduate na tayo pa tuloy parin. Ano ba ang kailangan nating gawin para itigil na nila ang pang bubully?"
Tumahimik lang ako at walang sinabi dahil maski ako ay hindi ko alam ang sagot.
"Sinabi mo ba sa mga parents mo ang bubully nila sayo?" tanong ni Creed sa akin.
"Hindi," simpleng sagot ko.
"Anong hindi? Hindi mo sinabi sa kanila? Lahat ng pang bubully nila sa iyo?"
"Oo,"
"Eh yung sa party ni Brith hindi mo ba sinabi sa kanila kahit yun lang?"
"Hindi,"
"Ano ka ba naman, Itzy! Alam mo naman ang ginigawa nila Princess na sumusobra na. Na kahit wala kang ginagawa na masama sa kanila ay galit parin sila sa iyo! Paano kung patayin ka nila? Di hindi malalaman ng pamilya mo na baka chinopchop ka nila tapos tinapon sa ilog o di kaya ginahasa o iba pa diyan! Nanahimik ako at hindi nagtanong kung sinabi mo ba sa kanila kasi kampante ako na sinabi mo sa kanila tapos malalaman kong hindi pala alam ng mga parents mo! Nag-iisip ka ba, Itzy?!" Galit na bulyaw ni Creed sa akin.
"Kahit yun lang sa party sana ni Brith. Alam mo naman na kamuntikan ka ng mamatay dun! Kung di lang kami ni Kehlani agad dumating dun baka wala ka na ngayon! Kaya pala nagtataka ako kung bakit walang mga magulang mo na bumisita sayo nung inadmit ka namin sa ospital ay wala sila. Hindi naman ako nagtanong kasi baka busy sila at akala ko ipinaalam mo na sa kanila. Sabihin mo nga sa akin,Itzy. Bakit hindi mo ipinaalam sa kanila?"
"Ayokong mag-alala sila."
"Siyempre,walang magulang ang hindi mag-alala kung ang anak nila ay nalagay sa kapahamakan!"galit na sabi niya sa akin.
Naramdaman ko ang panunubig ng mata ko. Yumuko at tumahimik nalang ako at pinakinggan ang mga bulyaw niya sa akin.
Ngayon ko lang siya nakitang nagalit sa akin. At kahit kailan hindi niya ako binubulyawan at sinisigawan. Pero naiintindihan ko naman siya eh. Nag aalala lang siya sa akin.
"Sorry na," dinig ko ang pagkabasag ng boses ko. Ayoko talaga makitang nagagalit siya sa akin. Pero nagagalit lang naman siya sa akin dahil sa pag alala. Nung huli ko siyang nakitang nagalit ay nung nagyari sa akin sa party nila ni Brith. At ayoko ko na talaga makita ulit siyang galit.
Nakita ko siyang napa buntong hininga. Ginulo niya nalang ang buhok ko at umakbay nalang ulit sa akin. Napangiti nalang ako ng palihim. Hindi niya talaga ako matitiis pag naglalambing na ako sa kanya.
"O siya wag ka ng umiyak. Ginagamitan mo naman ako sa luha mo eh. Alam mo naman na di kita kayang makitang umiyak. Basta promise mo sa akin na sasabihin mo sa mga magulang mo pag may nangyari naman na masama sayo."
Tumigi ako sa pag iyak at nginitian ko siya.
"Sige,"
Huminto kami sa paglalakad ng nasa tapat na kami ng classroom namin at pumasok na.
Umupo na ako pagkarating sa sarili kong inuupuan. Nasa may bintana ako at nasa pang tatlong row ako. Gusto ko sanang sa likod ako kaso by surname ang sitting arrangement namin eh. Kaya malapit lang ako harapan.
Napatingin ako kay Creed na umupo sa tabi ko.
"Anong ginagawa mo diyan?" tanong ko kay Creed. Bakit ba hindi na ako nasanay da palipat lipat niya ng inuupuan? Kaya nagsawa na ang mga prof namin kaka saway sa kanya dahil hindi talaga siya nakikinig. Matigas ang ulo.
"Tatabi sayo?"
Napabuntong hiniga nalang ako at hindi siya pinansin. Ine expect ko ng sabihin niya yan eh.
"She's really a flirt."
Narinig kong sabi ng kaklase ko. Gusto kong lumingon para alamin kung sino ang bumulong o sinadya ipadinig sa akin.
Hindi ko nalang pinansin ang mga bulungan nila at idineretso nalang ang tingin sa harapan.
Pero nagulat ako at napalingon sa kanya ng marahas na tumayo si Creed at binalingan ang mga ang mga babaeng nagbubulungan.
"You both know what? Kung mag bubulungan pwede paki hinaan? Hindi yung nagbulungan nga kayo pero para namang hindi. Ang iingay niyo,masakit kayo sa tainga ko.At kung si Itzy ay sinabihan niyong flirt, ano nalang ang tingin niyo sa mga sarili niyo? Tingnan niyo ang mukha niyo. Sa sobrang kapal ng make up niyo nagkasing kapal na ng mukha niyo."
Humakbang si Creed palapit sa tatlong babae.
"Alam niyo ang pinaka ayaw ko? Ang pagsalitaan ng masama si Itzy. Kung hindi kayo aware naman na pinahalagahan ko yan. Baka aware kayo sa mga gagawin ko sa mga babaeng mga hilig mang insulto."
Pagkatapos niyang magsalita ay nakita ko nalang pinulot niya ang kinakain ng klasmeyt namin na spaghetti at mineral bottled water at ibinuhos yun sa dalawang babae na nasa harap ni Creed.
Nagulat ako sa ginawa ni Creed. Hindi ko akalain na kaya niyang gawin niyon.
Kitang kita ko mula sa inuupuan ko ang mga itsura ng kaklase namin. Papaiyak na dahil sa pagkapahiya.
"Do that again or i will make you life's both living in hell."
Pagkatapos nun ay bumalik na si Creed sa tabi ko.
"I never thought you will be that violent."
"I will be more violent if they will continue bullying or if they will doing bad to you, Itzy. You know i treasure you a lot. And i dont want them to hurt you. And being violent means i will be able to protect then i am more willing to be violent."he said,"And what are best friend for?"
I smiled at him. It warms my heart of what he said. I am so thankful that i had a friend like him.
"Thanks,Creed."
After that, we turned our look in the front because our teacher has arrived.
Jahryose_Capp
TO BE CONTINUED.